New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 48
  1. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    14
    #1
    Una sa lahat, nakalulungkot na may isang Tsikot.com member na ganito...

    Dadalhin kasi kanina sa hospital yung kapatid ko pagkagaling sa school (USTHS) kaya nagmamadali yung dad ko. Nung palabas na sila sa may street sa harap ng main library, may nakaparadang brandnew (wala pang plate #) at itim na Nissan Patrol na naghihintay ng aalis para makaparada. Inabot sila ng ~4 mins. sa area at umabot na sa 5 yung sasakyan sa likuran ng dad ko at binaba na niya yung Patrol na ayaw umalis at magparaan. Kinatok niya yung salamin para sabihing may kailangang dalhin sa hospital at ang isinagot sa kanya nung estudyante ay sandali lang daw kasi hinihintay pa niyang lumabas yung kotse sa bandang likod niya. Buti nalang at napansin ng dad ko na paatras na yung sinasabi niyang kotse kaya pinangaralan nalang niya at iniwan na para makaparada...

    Sa mga taga-UST na nakakakilala sa taong ito, paki pagsabihan nalang...
    Last edited by Kizoku; December 10th, 2004 at 02:37 PM.

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #2
    Sir OTEP, baka kilala mo kung sino yun....?

    Parang ayoko na tuloy magpalagay ng sticker. Pag nagkamali ako ng asal sa daan, baka madamay pa ang tsikot.com.
    Last edited by Bogeyman; December 9th, 2004 at 10:15 PM.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #3
    nakow...paging odell?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #4
    Nakakahiya nga ang ganyang asal...

    Gusto kong alisan ng sticker yan para di gayahin.

  5. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #5
    si odell yun ah!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #6
    Kay odell iyan. Andun yung Patrol nung lumabas ako for lunch. I guess odell has some explaining to do around here.

    Curious lang po. Bakit dun kayo dumaan on the way to the hospital po? hehehe. Hindi ba mapapalayo lang? You need just drive straight across the front of the pay-HS and turn left in front of the main building to get to the UST-TR-pay.

    Unless you were also parked sa harap ng library siguro (one-way street kasi yun). Wala talagang choice sa dadaanan.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #7
    Originally posted by OTEP

    Curious lang po. Bakit dun kayo dumaan on the way to the hospital po? hehehe. Hindi ba mapapalayo lang? You need just drive straight across the front of the pay-HS and turn left in front of the main building to get to the UST-TR-pay.

    Unless you were also parked sa harap ng library siguro (one-way street kasi yun).
    yan din naisip ko, wag na mag oto...baka pwede wheelchair from hospital?

    kaya lang di ko naman alam yung nangyari kaya di ko tinuloy.

    oooppss, naitanong ko na rin pala. hehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    641
    #8
    Lets wait for Odells side...maybe they can discuss this thru PM

  9. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #9
    jon, puso mo. relax ka lang. tama si frt, wait natin side ni odell. pero OT, di na ba masyado naninita sa kalsada ng walang plaka ngayon like few months ago?

  10. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #10
    tama si frt...

    dagdag ko lang...

    IMO, kung totoo nga nangyari yan. (kung ako lng)o-offer ako ng apology..pero hindi dito sa board or PM...personal na, kasi madaling i-type yung S_O_R_R_Y...yung lang.

    (sana di na maulit)..

    first time na may tsikot/ DC.Orig member na na-goon squad dito..sana wala ng kasunod..

    Hinay-hinay lng mga bosing..

Page 1 of 5 12345 LastLast
A sad experience w/ a black Nissan Patrol at UST...