New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 3 of 3
  1. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    227
    #1
    Ewan ko lang kung nagbubulag-bulagan lang ang mga barangay officials, pulis, MMDA, at DSWD sa lumalalang problemang ito. Sa nadaanan kong mga kalye ng mga nakaraang araw, lantaran na talaga ang ginagawa nila. Case in point, Magsaysay Ave. corner Araneta Ave. Along NIA road sa QC. Sa intersection din ng West, Timog, at Quezon Ave. Talaga namang nasa mga center island na ng daan nakatambay at sumisinghot. Doon na din nangha-harass ng mga dumadaan. At hindi mga binata at dalaga at mga may edad na lang ang nakikita ko. Susme, pati mga 10 years old and below yata. Kung merong dapat i-coordinate na effort ng mga government agencies na nabanggit, this has got to be it! Nagtataka lang ako kung ano yung Bantay-bata ng ABS-CBN? Para sa mga partikular na mga klase ng inaabusong mga bata lang ba ang program nila? Di ba isang klase ng problema ng mga bata itong kaso ng mga batang rugby? Sana matulungan sila habang maaga pa. Aanhin pa nila ang tulong kapag tumanda na sila at sunog na sa solvent ang mga utak nila?

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #2
    .
    once in a blue moon lang mag-action govt officials about that. may kasama pa media! papogi!!!

    As a preventive action DAW, What i heard is they are coordinationg with manufacturers of those solvents (rugby, etc) na haluan ng pampaBAHO ang solvent. Sweet smelling raw kasi ang solvents sa ngayon eh.
    .

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #3
    yep... may anti-sniffing agents na ang mga bagong labas ng rugby ngayon.

    nung inaayos ko yung tsinelas ko... sinubukan ko nga... hindi na siya kasing bango nung dati. hehe.

Rugby kids and adults