Share ko lang. Nacarnap/carjack din yung Starex (2005 model) nung mom ng friend ko sa isang fastfood outlet malapit lang sa SM North EDSA (Proj 6 ba yun?) more than a month ago. Yung anak nung friend ko nag-attend ng kiddie party, pinanghatid sa kanya yung Starex. Habang nagpaparty, nagpark yung driver nila dun sa labas nung fastfood outlet at naghintay lang sa loob nung sasakyan. Ayun, maya-maya may 4 na lalaking lumapit sa kanya at tinutukan siya ng baril. Pinaupo siya sa likod nung Starex, ginapos at nilagyan ng blindfold habang minaneho nung isa yung auto. Pagdating nila sa may Novaliches, binaba na yung driver tapos humarurot na yung mga carjackers. Di na nila narecover yung Starex nila. Ingat mga peeps sa area na yan, mukhang hot item sa kanila ang Starex diyan.
