Mayron ako suggestion. Marami na tayo experience na nakakasama ng loob dahil sa discourtesy on the road. Siguro umpisahan natin kahit konti-konti. The objective is to reinforce good behavior. Kung may nagbigay sa atin, mag acknowledge lang tayo sa ginawa niya by means siguro of our lights, or hand signal. During daytime, flash lang tayo ng headlight to say thank you. Halimbawa, sa isang masikip na lane, pinagbigyan tayo - flash lang tayo ng ilaw. Madaling gawin di ba? Sa gabi naman momentary dim lang ng ilaw to say thank you. Kung gusto natin magchange ng lane at pinasingit tayo, senyas lang tayo to acknowledge. Ano malay natin baka mahawa ang karamihan eventually. Basta mag-umpisa lang tayo. Ano masasabi niyo, mga kaibigan? Gawin natin advocacy sa tsikot -pwede di ba?