Hi All,
I would like to ask lang for suggestions on what should I do regarding what happened to me last Friday night.
Nabangga po ako ng Ford 150 at nadamage bumper ng Honda Civic ko and needs repainting. May traffic enforcer nakakita and he agreed na kasalanan nung F150, mukhang di ako nakita nung driver. Anyway, nakiusap yung driver ng F150 na wag na mag-file ng police report, siya nalang daw magpapagawa. Nagmamadali rin kasi kami pareho and umuulan pa.
I talked to my friend sa insurance at sabi niya pabayaran nalang yung pariticpation ko which is 2,500. Cost of repair around 3,500 sa labas (sa casa 4,900++). When I told this sa driver ng F150, hindi daw siya magbabayad ng 2,500 kasi 1,500 lang daw pagawa nun. Then now ayaw na magreply at sagutin calls ko.
Ano po ba magandang gawin? Mag-file ako ng police report? Balak ko puntahan yung traffic enforcer na witness sa incident. I only got the plate number, name and mobile no nung nakabangga.
Thanks in advance.