New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #1
    the incident happened around 8 am today sa corner ng rcbc plaza sa ayala....nag left turn (no left turn doon) ang isang revo na nasa kanan ko(galing ng makati med ang mga sasakyan)...sumayad ang right corner ng bumper ko sa driver's door niya...

    sabi niya insurance na lang daw namin ang mag areglo...di ako pumayag unang una dahil sa abala at dahil na rin sa naidulot ng kabobohan ng taong ito....dumating ang isang traffic enforcer at sabi ko gawan na niya ng sketch...pamapalag ang loko dahil alam niyang mali talaga siya...magbabayad na lang daw siya at kung pwede eh 1000 daw? sabi ko kahit 1500 dahil 1000 labor ng pintor at 500 para sa urethane paint and other materials...noong inabot niya na ang pera eh masama ang tingin at sinabi pang sinasadya ko raw (kung di ko lang kasama si luigi eh baka may nasapak na naman ako eh...nakaupo pa nga siya sa front passenger seat nung nangyari ang banggaan)...

    bandang 9:45 eh tumawag ang kumag (nagpalitan kasi kami ng calling card nung una)...sobra daw singil ko sa kanya at rubbing compound lang daw ang katapat nito...nagpapanting na ang tenga ko pero nakuha ko pa ring ipaliwanag at sabi ko sa kanya magkita kami ulit dito para makita niya ang basag na pintura at yung gasgas...pinagkakwartahan ko lang daw siya (kung kaharap ko ito eh sasampalin ko talaga ng pera ito eh...lalagyan ko pa ng mga coins para maraming bukol)...di ko na gusto ang tono ng kanyang pananalita at di na kami nagka usap nang maayos mula dito....

    tama ba naman sabihin na pinagka kwartahan ko lang daw siya at sinasadya ko raw ang pangyayari?? meron ba sa inyong gustong masayaran ang sasakyan lalo na kung may sakay kayong bata?

    ito ang identity ng bobong nagmamaneho nung revo....gusto kong gumawa ng formal complaint sa HRD nila dahil sa bastos na asal nito....baka may alam sa inyo kung kanino ko talaga dapat ipadala yung written complaint

    ALVIN P. PALAYPAYON
    Trader
    Foreign Exchange Department
    Land Bank of the Philippines
    M.H. del Pilar corner Quintos St.
    Malate, manila
    tel # 4057256

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Nagbayad ba ng danyos? Dapat may police report para pwede pag basihan ng complaint.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #3
    abay loko ba naman yan...sir, sana napicturean niyo yung lahat...

    ang alam ko 1500 nga ang usual singil ng talyer sa bumper...hindi pwede buga kasi pu-pulo yun...ganun ba siya ka-engeng?psssss...pati tuloy ako mainit na ulo...hehehe...wuuuuuuuuuuuuusaaaaaaaaa!
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #4
    sir chieffy.. do the most legal way.

    ano ba mga violations nya? sampal mo sa kanya lahat un. paganahin natin ang batas. disregarding traffic sign (no left turn), lane swerving etc.. tangina.. basta palakihin mo pa gastos nya. hindi aksidente ginawa nya eh.. katangahan.

    sa US walang areglo-areglong pinag-uusapan. at ang police report evidence yan sa court. sana pwedeng marevoke license ng mga ganhang kupal.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    941
    #5
    Whatever arguments he raises, the bottom line is, kasalanan niya pa rin. Besides, all of this would not have happened had he not made the left turn.

    Guilty nga ako minsan na I do a left turn there. Pero I only do it late at night mga past 12am na when I'm coming home from a gimmik at Glorietta. Careful lang ako na wala talaga approaching traffic from all sides. Full stop muna. I don't want to pass through the other alternative routes kasi late na.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #6
    chieffy, sabihin mo,
    "bakit mas marunong ka pa sa akin e may paint shop ako!"

    lugi pa sya sa P1500???
    samantalang yung swerving violation nya
    na equal sa "RECKLESS DRIVING" ay P2000 na yung multa.

    loko pala yun e.
    sana sa susunod, yung bumper nila ungas, wiretap_md,
    o kimpoy yung sabitan nya..(wag na yung kay Boybi, body color yun e)
    tingnan lang natin kung d napunit yung pinto nya!

    bwiset!!

  7. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #7
    that's bad news sir chieffy! ogags talaga dyan sa No Left turn na yan sa rcbc, lagi din ako dumadaan diyan pag hatid si esmi...

    anyways, sana nga meron na lang police report para may pagbasehan - ogags talaga yung bumangga sayo!

    mas maigi siguro mag-complain sa civil service commission - i think he works fot he government...

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #8
    Originally posted by wreckless
    loko pala yun e.
    sana sa susunod, yung bumper nila ungas, wiretap_md,
    o kimpoy yung sabitan nya..(wag na yung kay Boybi, body color yun e)
    tingnan lang natin kung d napunit yung pinto nya!
    hehe, nakasagi na nga ako nung wednesday. tumama sa akin yung bandang likod ng hi-ace, kita ko lumubog na yung panel nya, pero hindi man lang sya huminto. lumipat sa akin yung kulay nya, baka makuha na sa rubbing.
    Signature

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #9
    wala nang ginawang police report pero kung kakailanganin talaga meron naman traffic enforcer na witness...palilipasin ko na lang tutal nagbayad naman siya ng panggastos sa labor at materials...di kasi talaga pwede kunin sa rubbing compound dahil may crack ang pintura...pipinturahan ulit ang buong bumper...

    nag-iinit lang ang ulo ko kasi nakukuha niya pang sabihin na sinasadya ko raw (ayan nag iinit na naman ulo ko kapag naalala ko)...tumawag siya sa telepono para lang awayin at ulitin pa ulit iyon...sabi ko sa iyo talagang minura ko na nung huli dahil wala na rin siya sa lugar magsalita...

    anyway yung may mga planong magpa paint ng body panel eh pwedeng makisabay na sa akin kapag pinapunta ko yung pintor ko....kayo na lang ang bahalang mag usap ng pintor (di ko na kayo sisingilin),,,may malapit namang bilihan ng automotive paint dito kaya wala ring problema sa materials...tawagan niyo lang ako sa landline kung kailan nyo plano para masabi ko sa pintor...

    siyanga pala huwag lang hilamos ng buong sasakyan ha he he

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #10
    Baka hindi ka kilala chief. Peperahan mo pa siya? Baka kamo gusto niyang paliguan mo siya ng gasolina. Silver o Gold, its his choice. Basta ako magsisindi ng pospsoro ha. :D

    Land Bank din yung armored van na bumangga sa kapatid ko at nanutok ng baril. Talaga bang ganyan ang mga empleyado nila? Walang modo at asal. Ang lakas ng loob niyang mag-acuse na pineperahan mo lang siya. Bakit, mayaman ba siya? He should just shut his mouth. Mali na siya ganun pa siya magsalita. Malamang sa hindi mas maganda pa yung SiR mo kaysa sa Revo ng betlog na yun, eh.

    Tawagan mo ang trunkline ng Land Bank (it should be in the yellow pages). Pwede itanong dun kung kanino pwede mag-lodge ng complaint against their employees. I will help you write the complaint if you want. Part time writer naman ako.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

Page 1 of 2 12 LastLast
revo nag left turn sa no left turn