New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 32

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #1
    nangyari lang kanina 1:30pm sa may tapat ng isuzu un ave. galing ako sa honda kasi may pinagawa ako. nung maguuturn na ko sa tapat ng isuzu alam kong yung dalawang motor sa likod ay hindi na ko pagbibigyan kaya huminto na ko (galing ako sa 2nd lane para malaki kabig ko sa kabila). tapos nung dumaan na yung motor sa harap ko biglang huminto ng malakas, habang yung nsa likod dirediretso lang hangang sumapol sa kaharap nyang motor, ayun subsob sya sa sahig pati yung pasahero nya. tapos ako naman sabi ko manong ok lang kayo? bigla sumama yung tiningin sa akin hangang sa pagtayo nya ikaw kasi e! bawal maguturn dyan e! sabi ko, ha? wala naman sign ah. tapos sabi nya hindi ka pa nakasignal light! (pero nakasignal light talaga ako nun, natahimik sya nung nakita yun). kinuha na yung plate number ko tapos sabi ipapapulis report daw, sabi ko naman sa sarili ko, ha? ano ginawa ko? d naman siya tumama sa kotse ko. tapos sabi na lang nung drayber na bayaran ko na lang daw first aid nya kasi may gasgas sa braso. binigyan ko ng 100, bigla ba naman sinabing wsssshhh!! nabadtrip na talaga ako nun kasi ano ba talaga ginawa ko?? sabi niya 200 kasi may nasira daw sa motor nya (ano pakialam ko sa pathetic mong pormadong motor???) so fine, inabot ko yung 200 tinangihan pa rin. naguluhan na talaga ako that point. tapos sabi pumunta daw kami ng police station para gumawa ng report sinabi ko boss d ako pwede coding ako. tapos sa hangang nagmamadali na talaga ako sinabi ko na lang na ano manong aalis na ko may pupuntahan pa ko. tapos umalis na ko.

    tama ba ginawa ko na umalis kaagad? wala naman talaga ako kasalanan dba? yung dalawang mokong na motor lang yung nagbanggaan tapos sa akin sinise.
    sobra badtrip ako nun. nsa tamang lugar ako, nakasignal light na. if ever na ituloy nyang ipapulis report yun ano gagawin ko? thanks po...

  2. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,017
    #2
    eto para saken opinion lang bosing. wala kang kasalanan kasi kahit huminto ka sa 2nd lane e dapat nagpay attention sya sa road and dapat nakita kang nakahinto. but may mali ka din kasi 2nd lane ka galing e dapat diba nasa pinaka left lane ka kung mag UU turn ka? kung magpapulis report sya, sya pa rin ang talo kasi nasa likod sya e dapat ginamit nya yung brakes nya. kung ako ang hihingan ng pera nung nakamotor malamang mumurahin ko pa yung nahulog dahil hindi sya aware sa surroundings nya. tama na umalis ka agad kasi wala ka ng pakielam sa kanya kung naaksidente ka dahil sa pagday dreaming nya.
    pero teka bat huminto yung unang motor ( nasa tabi mo?) kung sumalpok yung isang motor sa likod nung isang motor e wala kang kasalanan talaga...

  3. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #3
    hi. thanks sa mabilis na reply :D
    actually halos nasa gitna na ako ng lane pauturn nung makita ko yung dalawang motor. may space pa sila dumaan in case na d nga sila mamimigay (kasya pa dumaan ang isang picanto) nung nakita ko na sila (nasa bandang honda area pa sila nun) huminto na ko kasi alam kong d na ko pagbibigyan. tapos bigla prumeno ng malakas yung unang motor then yung sa likod nya dirediretso lang hangang tumama siya sa kaharap nyang motor. ganun talaga ako maguturn sa area na yun kasi blind spot yun. pababa yung bridge sa kabila kaya dapat mabilis na diskarte dun.
    wala tama kotse ko kahit scratch. and fyi, WALA SIYANG HELMET. ang lakas ng loob nya na pumunta ng police station tapos pareho pa silang helmet...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    665
    #4
    bossing mali yatang binigyan mo ng pera, kung ako yun e uupakan ko pa siya sabihin ba namang kasalanan mo e sya yung tat*nga t*nga sa daan.

    naninindak lang yun gustong mamera.

  5. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,017
    #5
    gusto ko rin sanang sabihin yung tatang* tang* e baka maban ako kasi di ko alam kung allowed dito yun o hindi e... pero tama yun dapat di mo binigyan ng pera kasi maganda oto mo kaya ka kinotongan... kung saken nangyari yun tadtad ng mura yung drayber na yun saken. kahit pumunta pa ang pulis e kung wala silang helmet mas yari sila buti na lang walang nangyari sayo.. dapat ang hiningan nya ng pera e yung motor na bumangga sa kanya kahit na nalaglag yung drayber kasi sya ang bumangga e.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #6
    hmm.. tama pala ginawa ko.hehe halo halo na kasi mga nasa isip ko kanina. pero alam kong positive ako na talagang wala akong mali sa ginawa ko. tsaka nagmalakas loob ako na kunin nila plate number ko, pulis report na nya, etc etc, kasi alam kong wala talaga akong ginawa... pagdating ko nga sa school ko tinawagan ko kaagad daddy ko, kinuwento ko lahat tapos sabi na lang nya, sige papulis report nila tingnan natin sino pagtatawanan ng mga pulis.hehe

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #7
    sa palagay ko tama naman ginawa mo, nag-show ka naman ng concern. naalog lang siguro yun utak noon mama sa pagkasubsob kasi masakit din yun. baligtarin mo pa ang pangyayari at ikaw ang nasa motor, initial reaction mo magagalit ka din.

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #8
    sabagay oldblue:D kung ako nga nagmamaneho ng motor tapos sinisi ko yung nasa kotse na walang ginagwa malamang pinagmumura na rin ako nun... hehehehehe

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    258
    #9
    teka... nag-U-turn ka galing sa second lane (2nd lane after ng island sa gitna ng kalsada)? hindi ba sa ginawa mo, na-disregard mo yung mga sasakyan sa likod mo, kotse man o motor? diba dapat pag-U-turn ka dun ka dapat sa leftmost lane para di naman maguluhan yung ibang sasakyan sa paligid mo (lalo na kung hindi madalas dumaan sa kalsadang yun ang mga sasakyan sa paligid mo)?!


    naalala ko kasi nangyari sa 'kin biglang pumasok yung jeepney na mag-u-U-turn (sana) galing sa 2nd lane (nasa kanan sya), e nasa fast lane ako or yung leftmost lane. kaya ayun, tumama fender ko sa fender nya. binaba ko sya sabay tingin ako ng masama. wala nangyari, kamot lang sya ng ulo sabay sorry. di ko na kinulit, wala rin naman ibabayad sa 'kin yun, at konti lang naman damage. umalis na lang ako.

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #10
    ang angas naman nung rider ng motorsiklo.. gusto ka lang ata perahin sa ginawa nyang kat*ngahan eh... hay nakoh. mga tao talaga psaway...

  11. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #11
    Well, wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya, he was probably too fast for his own good... If it were me I probably wouldnt have given him anything... he seemed to be fine anyway.

    On the other hand i am very pissed off with drivers who make a u turn from the 2nd lane... I assume you are not exactly driving a long vehicle or truck right? kahit pawis or power steering pa yan turn mo naman fully while making the turn, kaya yan...

  12. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    81
    #12
    Allowed naman ng mga pulis yung 2nd lane U-turn sa maluluwag na areas like EDSA. If they don't allow it, sobra haba ng pila sa inner lane especially if mahina yung nasa harapan.

    As for giving money, the generosity and humility even if you know you're on the right side of the situation is more than enough. At least, looking back now- hindi ka nagkulang.

  13. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    258
    #13
    Quote Originally Posted by Poops
    Allowed naman ng mga pulis yung 2nd lane U-turn sa maluluwag na areas like EDSA. If they don't allow it, sobra haba ng pila sa inner lane especially if mahina yung nasa harapan.

    As for giving money, the generosity and humility even if you know you're on the right side of the situation is more than enough. At least, looking back now- hindi ka nagkulang.

    Peeps... no offense meant. allowed nga ng pulis (baka tinatamad mag-saway/mang-huli, kasi marami na sa atin ang pasaway) pero mali pa rin yun. Respeto lang ng right of way ng ibang motorista. Just a freindly reminder.

    peace!

  14. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #14
    Although hindi ko masabi kung directly may kasalanan ka sa aksidente, pero sa tingin you have contributed kaya nangyari ang aksidente - by u-turning at the wrong lane and not signalling your intention.

  15. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    252
    #15
    i am unsure as to how much you contributed to the accident, but, you should not have made a u-turn from the second lane unless there was a long traffic que that prevented you from reaching the left most lane.

    when did you turn your signal lights on? the purpose of signal lights is to warn and give ample time for motorists behind you to avoid/react accordingly BEFORE you stop/slow down to take the turn.

    however, my personal observation for most, not all, but most, bikers and other motorists alike, is when they see you veering or signaling to the side, they tend to gun their engines to cut you off.

  16. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    450
    #16
    were they right that you were'nt using your signal lights??? and ur making a U-turn at the midde of the lane?? If so.... BAD yun! :D ehhehe

    problem is, if it was raining earlier and the roads are wet, very slippery yun sa mga MC.. now maybe they were'nt expecting you to make a U kasi you were'nt signalling then you made a move (kahit di itinuloy) its enough to confuse the MC... ca'nt slam the brakes ng ganun ganun lang (unlike cars).

    Now, most probably kahit umabot pa yan sa pulis wala kang kasalanan kasi you did'nt hit them and they did'nt hit you. (swerte mo) its more to be blamed as rider's error.


    do'nt worry much about it, i believe tapos na yang issue.... just be more careful next time and avoid making alanganing U-turns..

  17. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #17
    yan ang problema dito sa atin...wala tayong lane para sa mga bikers (like Edsa or mga main roads sa MetroManila)..di tulad sa ibang bansa..kung nakabangga ka ng bikers na wala sila sa lane nila..wala ng pagtatalunan (kung sino tama o mali) ganun din sa mga naka-tsikot, kung pumasok ka sa lane ng bikers.

  18. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    132
    #18
    You may have been at fault by doing your turn from the 2nd lane, even if you signalled your intention. However, in my observation, a vast majority of bikers blatantly ignore traffic rules such that it's often hard too second-guess them. Just try to strictly follow traffic procedures the next time, so that the fault would be all theirs.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,456
    #19
    IMO dapat hindi mo na binigyan ng pera. It just gave him the impression na madali kang maloko at matakot. If you really like to give him money throw it at his face para mainsulto. At wag papel, mamiso ang ibato mo. IMO lang IMO lang.

  20. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    237
    #20
    thanks sa reply :D
    nagmaguuturn na ko tiningnan ko na walang kotse sa likod ko (kasi red light pa sa intersection by that time) as in maluwag pa except for the 2 motorcycles approaching me. nagtataka lang ako na bakit biglang huminto ng malakas yung unang motor? malayo pa naman ako sa kanya.
    ganito ako naguturn... from honda nagright na kaagad ako kasi red light yung kabilang intersection kaya walang kotse. nasa left lane ako tapos nakasignal light na paleft. pumunta ako ng 2nd lane para malaki kabig ko pagdating sa kabilang road. ginawa ko yun kasi risky yung kabilang road.. may bridge doon na pababa and blind spot yun. kapag mabilis sila tapos pagbaba makakakita ng may maguuturn baka tumama siya.
    and no HINDI KO BINIGYAN NG PERA YUNG MOTOR. sabi nya kasi pera na lang daw pangfirst aid. so sabi ko ayan 100. tapos sabi wsssshhh! nasira motor ko sabi nya. tapos sabi nung nakamotor o sige 200 na lang. nung ibibigay ko na biglang tumangi. ang labo nun man...

Page 1 of 2 12 LastLast
2 motor nagbangaan! subsob ang drayber at pasahero! drayber ng kotse biglang sinisi!!