What: Reckless Bus Driver
Where: QC Circle to EDSA
When: February 9, 2012 * past 9PM
Jackpherlyn Transport with plate number TXU-380, grabe kung makapagpatakbo at manggitgit itong driver ng bus na ito, parang pedal to metal lagi ang selinyador, walang menor menor! Mapapamura ka na lang talaga kapag nakita mo.. tsk tsk. Sa QC Circle todo busina tapos dirediretso ang takbo going to East Avenue na parang sya lang ang sasakyan sa daan, muntik pa sila magkasalpukan ng kaparehong bus nya. Pagdating sa East Ave corner Agham diretso pa rin sya kahit RED ang stoplight. tsk tsk.. Pang natataeng adik kung mag-drive! hehe! Dapat dito sa driver na ito tanggalan ng lisensya at pinagda-drive na lang ng bisikleta sa gitna ng EDSA!