New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 22

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    171
    #1
    What: Reckless Bus Driver
    Where: QC Circle to EDSA
    When: February 9, 2012 * past 9PM

    Jackpherlyn Transport with plate number TXU-380, grabe kung makapagpatakbo at manggitgit itong driver ng bus na ito, parang pedal to metal lagi ang selinyador, walang menor menor! Mapapamura ka na lang talaga kapag nakita mo.. tsk tsk. Sa QC Circle todo busina tapos dirediretso ang takbo going to East Avenue na parang sya lang ang sasakyan sa daan, muntik pa sila magkasalpukan ng kaparehong bus nya. Pagdating sa East Ave corner Agham diretso pa rin sya kahit RED ang stoplight. tsk tsk.. Pang natataeng adik kung mag-drive! hehe! Dapat dito sa driver na ito tanggalan ng lisensya at pinagda-drive na lang ng bisikleta sa gitna ng EDSA!

  2. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    3,604
    #2
    Dami talagang bus na ganiyan.

    Meron laging ganun sa makati yung PvP Liner. Talagang gustong mag PvP (MMO players will get this). hahahaha

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,283
    #3
    Malamang tumira ng Shabu yan kaya ganyan magmaneho

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Binabawi nila yung lost time dahil sa Commonwealth speed limit. Stupid talaga mga iyan. Kala mo naman may pambayad pag nabangga ka.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    819
    #5
    Malamang nga sabog yan...

  6. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,442
    #6
    I recalled in Mid-Jan. from a Phil. newspaper (can't recall kung bulletin or inquirer)when LTO announced that forced salary system na ang mga bus drivers. the memorandum also explains that bus drivers should work only 8 hours per day, no forced overtime so that they can do their jobs effectively.

    How come ganito pa din sila magpatakbo na lagi may hinahabol? or was the salary system implemented ba? I was praising the President pa naman, kasi sya lang yata ang Presidente na nakapag tanggal ng boundary system nila.


    edit: i googled the article again and ito yun lumabas

    Bus drivers to receive regular pay starting Jan. 16 - News | TopGear.com.ph

    was this implemented ba? if so, then there's no more reason for them to drive recklessly coz fixed na naman income nila regardless kung puno or hindi puno.

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #7
    Quote Originally Posted by sysop View Post
    What: Reckless Bus Driver
    Where: QC Circle to EDSA
    When: February 9, 2012 * past 9PM

    Jackpherlyn Transport with plate number TXU-380, grabe kung makapagpatakbo at manggitgit itong driver ng bus na ito, parang pedal to metal lagi ang selinyador, walang menor menor! Mapapamura ka na lang talaga kapag nakita mo.. tsk tsk. Sa QC Circle todo busina tapos dirediretso ang takbo going to East Avenue na parang sya lang ang sasakyan sa daan, muntik pa sila magkasalpukan ng kaparehong bus nya. Pagdating sa East Ave corner Agham diretso pa rin sya kahit RED ang stoplight. tsk tsk.. Pang natataeng adik kung mag-drive! hehe! Dapat dito sa driver na ito tanggalan ng lisensya at pinagda-drive na lang ng bisikleta sa gitna ng EDSA!

    Bro.,- sakay ka ba ng bus, o nakabuntot ka sa kanya kaya mo na-obserbahan lahat iyan?...
    14.8K:cow:

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #8
    Pag sumasakay ako sa bus na barumbado ang driver, nababawasan ang travel time ko ng 30 minutes. Basta sa gitna ka uupo. hehe

  9. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,725
    #9
    nothing new.. wala kasi may kamay na bakal ang mag patupad ng batas eh.. puro sa private cars lang tinitira nila

  10. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #10
    ^ tama talaga yan.

    pansin ko sa cubao-aurora pag taxi/jeep/bus ang nag beat ng red light di hinuhuli. e ako minsan tumawid habang yellow pa hinuli. (nalecturan ko pa tuloy yung TE)

  11. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    173
    #11
    ako abot impyerno ang inis ko sa mga bus driver, kaya nga nagpalagay ako ng bullbars with rocksliders sa lc80 ko dati just for this reason, destroying buses, simple lang naman eh

    Pag magbababa ng pasahero or magsasakay, bigla silang magswerve sa lane mo, ang gagawin ko, itututok ko sa pinto nila yung nguso ng auto ko, pag hindi tumigil edi kabit! durog ang double doors nila, kapag naman tumigil sila, haharangan ko yung pintuan para hindi sila makapagbaba o makapagsakay ng pasahero dahil wala sila sa tamang loading and unloading zone

    Siguro mga tatlong bus na ang binangga ko, yung isa pa nga binaba ako ng kundoktor na may dalang wrench(yung pantanggal ng turnilyo ng gulong) na malaki at hinahamon ako, hinampas pa yung hood ng auto ko, ang ginawa ko, inis-sprayan ko ng pepper spray pag-lapit sa driver's side...

    Another trick is attack from the sides, madaling mayupi ang sides ng bus, kapag magswerve sila sa lane ko, itututok ko yung bullbars towards the bus then kabit, wasak ang gilid

    Kay 199 offroad house galing yung kits ko so dalin mo lang sa pintor para sa repaint and voila!, parang brand new ulit yung bullbars, too bad nabenta ko na last december yung lc80 ko at alipin na naman ako sa mga sigang bus sa buendia! bwisit!

    sana din may ganito dito sa pinas

  12. Join Date
    Aug 2013
    Posts
    805
    #12
    Mas maraming balasubas na public utility vehicle drivers kaysa matino. Kaya kapag may malapit sa sasakyan mo dapat tamang praning tayo, isip agad ano kayang kagag*han ang binabalak ng tsuper na ito.

    Posted via Tsikot Mobile App

Reckless Bus Driver!