Guys, kabibili ko lang ng second hand na car (civic 96 vti) and lumubog yung clutch nya. Alam ko naman na maraming bad feedback sa Rapide, kaso sya na yung pinakamalapit na shop na nadaanan ko. Hirap na rin kasi tumakbo yung kotse kasi hirap na kumambyo.

Sinigil ako ng 12,000 sa palit ng clutch master at slave! Medyo na dismaya na ko sa presyo kasi ang liit na pyesa ganun na kamahal kaso since wala na ko magawa at gusto ko na maayos yung kotse ko, pumayag nako.

Ngayon nagtanong ako sa Honda makati kung magkano yung price nila nun, and 5600 lang yung dalawa! Sarap hagisan ng granada yung Rapide na yan!

Tanong ko lang kung me habol paba ko dun sa ginoyo sakin or charge to experience nalang?

Thanks!