New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 21
  1. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #1
    Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyo mga pare ko!

    Last August 31, 2009, around 9:00pm lumabas kami ng mom ko para bumili ng greenwich pizza gamit ang Alto ko. At first dumaan kami ng Greenwich E.Rod, oh well pinapatapos nalang nila ang mga customers kumain so ang next Greenwich destination is Greenwich Sta. Mesa in front of SM Centerpoint. So we arrived there and I parked, nagpaiwan muna ako kasi nga medyo hindi maganda ang lugar doon baka mamaya eh mayroon mang-trip.

    While nakapark ako, aba andito itong bulok na Mitsubishi RVR, Gold/Brown RAA 478, nakita ko sa rear view mirror ko, aba masyadong nakadikit sa akin at talagang parang naghahanap ng damay. 3 lalakeng hindi mukhang ordinary citizen ang nasa loob. Yung nasa harap na passenger side ang naunang bumaba para umorder sa greenwich. So ayun umabante ako dahil nga as in dikit sa pwet ko yung nguso ng lokbu niyang sasakyan, pero ayun, tumabi naman sa akin ng malapit sa left side so hinayaan ko nalang muna.

    Maya maya eh biglang "BAM", nagbukas ng pinto yung nasa likod na P*#$%^&*( na lalake sa side ko pa eh maluwag doon sa left side at siya ang unang buminyag sa Alto ko PUTIK talaga. Ang nakakaasar pa, tumingin lang sa akin at ang sama pa ng tingin T*#$%^&*( talaga. Dahil bumaba nga siya, talagang nag-init ulo ko iniwas ko sa RVR at hinarurot ko sa kanya tapos preno ng malakas. (Kung hindi lang talaga masama ang pumatay), tapos lumayo ako at naghanap pa ng ibang pwesto. Tiningnan ko yung left side ng Alto ko, ayun may tama nga. Bwiset mga construction workers yata ito. Hindi pa Manila plate ang plaka. Bastos talaga, kahit isang sorry ok lang pero isang masamang tingin pa ang ginawa. Hindi ko makompronta dahil tatlo nga sila eh ako ang kasama ko lang mom ko. Hayaan nalang ang maliit na bagay na para sa akin ay "malaki" dahil sila ang unang buminyag kay Alto ko.

    Ayun pag-uwi ko, hinabol ko kaagad yung scratch, nilinis ko and nawala naman. Pero yung gasgas andoon pa rin.

    PWE kayong tatlong sakay nitong RAA 478 Mitsubishi RVR/Space Gear na Gold/brown! P*#$%^&*( niyo!

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    194
    #2
    bad trip yan dre buti di mo kinumpronta 3 sila eh mahirap na. yaan mo na yun makakarma din sila

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #3
    May ganyan talaga bro. Merong nananadya at mayroon naman hindi sinasadya. Well, ilang beses na ako naganyan, natamaan ng pinto buti na lang walang gas gas na naiiwan or what. Since gabi na iyon, tama na lang siguro na hindi mo na inaway kasi baka kung anong modus iyan. Ingat na lang sa susunod.

  4. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    1,463
    #4
    Quote Originally Posted by p_borj View Post

    Bwiset mga construction workers yata ito. Hindi pa Manila plate ang plaka. Bastos talaga, kahit isang sorry ok lang pero isang masamang tingin pa ang ginawa. Hindi ko makompronta dahil tatlo nga sila eh ako ang kasama ko lang mom ko. Hayaan nalang ang maliit na bagay na para sa akin ay "malaki" dahil sila ang unang buminyag kay Alto ko.

    Ayun pag-uwi ko, hinabol ko kaagad yung scratch, nilinis ko and nawala naman. Pero yung gasgas andoon pa rin.

    PWE kayong tatlong sakay nitong RAA 478 Mitsubishi RVR/Space Gear na Gold/brown! P*#$%^&*( niyo!
    hindi taga-Manila? parang construction worker? mahirap talaga makipagtalo dyan sa mga kamag-anak ni Tarsan (asal bundok).

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #5
    well bro ang masasabi ko lang hindi sila yung tipong daily citizen na makikita niyo like nanggaling ng office or yung mga nagmo-mall. Madungis na naka-tsinelas lang, alam niyo na yun.

    parang modus din kasi why? pag kinompronta mo pwedeng ang sabihin pa sa iyo ay...

    "Bakit pare, gusto mo ba dagdagan pa natin ang gasgas?"

    So moral na rin ito mga guys meron kasi talagang naghahanap lang ng mga away. eh tumingin ako sa paligid ko and since gabi na, wala na ring mga pulis mahirap makipag-away, sa akin may mawawala sa kanila mukhang wala eh.

    "RAA" ang plaka, sa model ng sasakyan niya, dapat ito ay "T" ang simula dapat hindi ba kung ito ay Manila Plate? Basta lokbu na yung auto.

    Anyway, diba sinabi ko rin na lumipat ako ng pwesto ng parking, so nung tiningnan ko yung gasgas, aba eto yung lalake at tumitingin pa sa akin. Tingin na hindi magpapaumanhin tsk3.

    So guys, basta ingat palagi pag-open ng doors lalo na kung masikip ang gilid mo. Sa akin kasi ang nangyari naman eh "sinadya" dahil maluwag naman yung left side niya. Ito ang disadvantage na makinis at bago ang sasakyan mo tapos biglang may tumaran*#$%.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #6
    R plate (central Luzon) + Space Wagon/RVR = converted vehicle

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,457
    #7
    Bili ka ng baril para sa susunod ang huling maririnig nila bago sila tumumba ay "BAM!"

    Just kidding....glad to hear you are safe brother...

  8. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #8
    The modus i`m referring to isn't like that. It goes like this.

    The person inside the RVR opens his door and " intentionally " hit your car. Obviously, you would go down from your car to check the bump or the scratch. The person might put out a dangerous weapon and threatens you that if you wont give your car, he will kill you. Considering that they are 3, one might be the attacker at the same time the driver of your alto. One will be the lookout. And one will be the driver of the RVR.

    **
    You: ( stepped out of your car )
    You: WTH! Bakit mo naman tinamaan yan! Tanga ka ba?
    Man1: ( goes to your back and brings out the deadly weapon )
    Man1: Pre, susi mo. Bigay mo kundi papatayin kita
    You: ( gives the key )
    Man1 -> Man3 ( lookout ) : Bro, halika na baka mahuli pa tayo
    Man1 : ( drives the alto away )
    Man3 : ( hops on the RVR )
    RVR and ALTO goodbye :cry:

  9. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #9
    Kami din ni wifey dati, nananahimik sa isang intersection dahil red light bigla na lang BAG! May tumama sa side ng door ko at yumugyog pa talaga yung accord!

    Pagtingin ko may ale na galit na galit dun sa taxi na sinakyan nya at balibag ang pagbukas ng pinto, tumama tuloy sa amin!

    Nakatunganga lang kami, di namin alam gagawin. E umalis na yung babae at binalibag pa rin pagsara ng pinto ng taxi sabay lakad nang mabilis palayo.

    Tiningnan ko nang masama yung taxi driver, sabi sa kin wala syang kasalanan dahil yung babae naman ang nakatama.

    What else could we do?

    Ganyan talaga ang buhay, kahit na ingat na ingat ka sa gamit mo sasalaulain pa rin ng ibang tao na walang pakialam sa kapwa nila.

  10. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    221
    #10
    Quote Originally Posted by praetor91313 View Post
    Kami din ni wifey dati, nananahimik sa isang intersection dahil red light bigla na lang BAG! May tumama sa side ng door ko at yumugyog pa talaga yung accord!

    ...

    Ganyan talaga ang buhay, kahit na ingat na ingat ka sa gamit mo sasalaulain pa rin ng ibang tao na walang pakialam sa kapwa nila.
    So true! Maraming mga walang konsiderasyon dito sa mundo. He he he...

Page 1 of 3 123 LastLast
RAA 478 - Gold/Brown Mitsubishi RVR