New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    54
    #1
    Kahapon, pauwi ako going along zapote-alabang (zapote bound). Kung taxi sa right lane, na meron tow na corolla yata, nagbalak mag-change sa lane ko. Give way naman ako. Further down the road ako naman yung napunta sa right lane. Minsan mapipilitan ka talaga magpalit ng lane sa trapik, eh. Anyway, nung mag-change ako ng lane... nag-signal ako, then when making my move, it so happens na yung pinaraan ko kanina na taxi yung parating. Abah!!! businahan ba naman ako na parang ayaw ako paraanin. Kainis. Pinagbigyan mo na, pag ikaw naman ayaw pa mamigay.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    561
    #2
    Marami talagang ganyan sa kakalsadahan. Akala mo sa kanila ang daan eh. So ang ginagawa ko minsan, iniisip ko na lang na kaya sila naging PUV driver eh dahil hanggang diyan na lang ang maabot nila at hindi na sila aasenso magpakailanman.

    Pero minsan, I get even hehehe;)

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #3
    bad trip yan a.
    but i guess its why with an attitude like that, that taxi driver will only remain a taxi driver. walang road courtesy e

  4. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    2,329
    #4
    ganyan talaga yan mga buset na yan. palibhasa, naghahanapbuhay kaya makapal ang mukha. let it pass bro, lugi ka dyan. sayang lang ride mo pag pinatulan mo yan at sumabit

    tsikoteers, ever noticed kapag sa city driving, lalo pag traffic, when you signal your intention to change lanes, madalas kait malayo ang agwat biglang bibilisan nung nasa likod? tawag dun balasubas!

  5. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #5
    pag pasensyahan mo na lang .hehe...dami talaga ugok na drivers rito...

  6. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #6
    yup, pasensiya na. sa susunod mamili ka na rin ng pagbibigyan mo...

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,243
    #7
    ganyan talaga ang mga PUV drivers, they're always in a hurry (naghahabol ng boundary). Kaya kung makakauna or makakalamang sa kalsada gagawin nila. For them malaking kawalan sa travel time nila ang magpasinget. Isipin mo na lang wala tayo sa katayuan nila na driving all day, exposed and stressed sa traffic, naghahanap then naghahatid ng pasahero.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #8
    Courtesy is not in their vocabulary. they dont even know what the word means.

    dati umuusok lagi ang tuktok ko sa mga walang modong driver na yan...pinapalagpas ko na lang....tatanda ako ng maaga nyan.

  9. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    54
    #9
    Thanks sa mga comments. Nakakapawi ng high blood. Oo nga benchph1, tatanda ako ng maaga kung tuluyan ko pang iisipin yun.

    Meron araw din yung mga yun! Hehehehe...

  10. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,848
    #10
    Ganyan talaga ang ibang sasakyan lalo na taxi,jeep, bus at kung minsan mga private cars ayaw magbigay kung magbigay naman sila masama pa ang loob.

    Nangyari naman sa akin sa may bagong toyota showroom sa makati may intersection dun.Biruin mo ang layo pa nung red na CRV.Humabol ba naman sa akin eh parating na ako buti na lang hindi ko binilisan ang takbo ng sasakyan ko..Ayun nakatutok tuloy ako sa driver side niya...Humabol din yung isang mazda na papunta sa may shopwise.Buti nga dun sa CRV na yun muntik na rin niya mabangga ang mazda na light blue ayaw kase magbigay...heheheh....Habol ng habol..

Page 1 of 2 12 LastLast
pinagbigyan... pero ayaw mamigay