may mga time din kasi na hindi talaga magamit overpass. tulad sa commonwealth/villa beatriz. lagi na lang may mga holdaper doon ilang beses na nabiktima mga kapitbahay pati ate ng gf ko. kaya wala na daw dumadaan doon. ginagawa niya kung sakali gabi na ay sa ever na lang siya bababa tapos sakay na lang ng jeep uli sa kabila papunta sa kanila. hassle nga pero at least hindi na holdup at hindi nasagasaan.
dapat kasi ang mga overpass walang bubong para hindi tumambay yung mga tao doon. at sana may mga pulis din. nakakatakot tumawid ng overpass kapag gabi noh! lalo na kung babae ka pa. e wala ka naman matatakasan kapag hinarang ka sa magkabilang dulo diba. alangan namang mag action star ka at tumalon pababa.
mga motorista rin mga kupal minsan. sa aurora/katipunan pati sa marcos highway bandang sta lucia merong mga pedestrian lane na may stoplight hindi sinusunod ng mga motorist. lagi akong humihinto doon kapag red tapos busina naman nang busina yung sa likod ko. syempre kahit walang tao hindi ko na rin tinatawid. malay mo kamag anak mo rin pala yung masagasaan.
mali man sila hindi parin tama na sagasaan o patayin. yun lang po.