New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 33 1234511 ... LastLast
Results 1 to 20 of 646
  1. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #1
    i dont know kung sa goon squad nga to, or sa miscellaneous

    sa office to

    na-experience niyo na ba ganito? na pag uuwi na kayo, "pre san daan mo, pasabay naman oh" at pag sinabi mo na "ok sige". magyayaya pa siya sabihin niya " ay salamat wait lang tawagin ko si **** sabay kasi kami eh," isang scenario lang yan. at napaka rami pang iba, andyan pa yung "tol daan ka coomonwealth diba? di ko kasi kabisado dun eh, pasabay naman"

    ok lang ba to sa inyo? sakin ok lang naman, pero kung araw-araw, aba ibang usapan na.

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #2
    Madalas sa office yan... bad trip.
    Pag konti lang sa inyo ang may sasakyan sa office, automatically designated carpooler ka na.

    Paminsan-minsan, okay lang yon. Pasabayin mo na. Pero after one or two trips, magugulat ka regular na yung pagsabay. :D
    Tapos oo -- yung mga mahilig sumabay, mahilig din sila manghakot!

  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #3
    Quote Originally Posted by ess View Post

    kaya minsan ayoko magdala ng oto eh, ang iniisip ko may mga sasabay nanaman.
    pag tumanggi ka naman sasabihin ang damot mo, at kung ano ano pa

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #4
    madali lang umiwas dyan. sabihin mo lang may lakad ka, dadaanan mo pa misis mo, o daanan mo anak mo sa school, mag-shopping ka, may kausap ka na kaibigan magkikita kayo. mas maganda yung regular na dahilan, like "pare hatid ko syota ko e...", tipong dyahe na makisabay siya. o kaya yung tipong pag sumabay siya e mapapalayo siya.

    buti sana kung chicks at naka-micro mini lagi ok lang.

  5. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #5
    Agree. Sa office nga madalas 'to. May ka-officemate akong mahilig sumabay sa akin kapag friday. Minsan tatawag pa yan sa phone: "Pre/ sir, what time out mo?". or "Sir, uuwi ka ba sa inyo? Pasabay naman ako hanggang sa Alabang". Minsan magbibitbit pa ng kasama. :hammer:

    Okay lang sana linggo-linggo, minsan mag-abot man lang sana ng pang-gas or pang-toll man lang.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Tsk yung yaya ng kapitbahay namin ganyan ginawa sa akin dati inaabangan lagi paglabas ko ng garahe pati pag-uwi school mate kasi ng anak ko yung alaga niya. Kupit na kasi niya yung pantraysikel nila ng bata. Yung pang third week nabuwisit na ako pag lumalabas ako ng garahe takbo kaagad di ko na pinapansin kahit sa school,

  7. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #7
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    madali lang umiwas dyan. sabihin mo lang may lakad ka, dadaanan mo pa misis mo, o daanan mo anak mo sa school, mag-shopping ka, may kausap ka na kaibigan magkikita kayo. mas maganda yung rehular na dahilan, yung tipong pag sumabay siya e mapapalayo siya.

    buti sana kung chicks at naka-micro mini lagi ok lang.
    kung ganyan, ako pa magyayaya

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #8
    Quote Originally Posted by crave View Post
    Agree. Sa office nga madalas 'to. May ka-officemate akong mahilig sumabay sa akin kapag friday. Minsan tatawag pa yan sa phone: "Pre/ sir, what time out mo?". or "Sir, uuwi ka ba sa inyo? Pasabay naman ako hanggang sa Alabang". Minsan magbibitbit pa ng kasama. :hammer:

    Okay lang sana linggo-linggo, minsan mag-abot man lang sana ng pang-gas or pang-toll man lang.
    sinubukan ko na yan dati, tatlo sumabay sakin, hanggang cubao lang daw. so nag pa gas muna ko, nag observe lang ako kung maglalabas ng pera, aba deadma ampot*. at mas nainis pa ko, cubao ibabaw daw siya, sabi ay iilalim ako, matraffic jan. nagrerequest pa, ano ko taxi,

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #9
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    kung ganyan, ako pa magyayaya
    hatid sundot pa hehehe!

  10. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #10
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    sinubukan ko na yan dati, tatlo sumabay sakin, hanggang cubao lang daw. so nag pa gas muna ko, nag observe lang ako kung maglalabas ng pera, aba deadma ampot*. at mas nainis pa ko, cubao ibabaw daw siya, sabi ay iilalim ako, matraffic jan. nagrerequest pa, ano ko taxi,
    ganyan din ang ginagawa ko kapag may bagong nakikisabay sa akin. nagpapa-gas muna ako, kapag hindi nag-abot (kahit pa-consuelo de bobo man lang), asahan mong di ka na makakasabay sa akin.

    minsan nagalit pa sa akin yung isa kong ka-officemate kasi gusto niya sa Alabang ilalim ko siya ibaba, sabi ko ma-traffic doon kaya sa Festival Mall ko siya binaba. kinabukasan, di ako kinikibo. naknampucha tsinismis pa ako sa office na maarte daw ako. :hammer:

  11. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #11
    nakakatipid nga sila sa pamasahe, umaakyat naman konsumo ko ng gas.

  12. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,447
    #12
    actually ok sakin magsabay. pero yung on the way lang. nakatulong ka pa. ang hirap magcommute e. pero wag lang yung demanding na gusto sa dito ibaba o kaya doon. tinutulungan mo na nga demanding pa. tsaka yup, dapat mag-abot pag everyday. o kaya mga lunch or snacks man lang

  13. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #13
    buti nga ganyan, mas mahirap kaya yung mga nakiki-angkas sa motor.
    dati uso yung may helmet ka lang tapos mamamara ka ng naka motor, solb! ngayon t*nga ka na lang kung mamara ka ng naka-motor.
    yung kaopisina kong naka scooter kawawa. nalaspag yung scooter sa angkas. t*nga rin eh.

  14. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,452
    #14
    Sa akin ok lang. Pero meron dati one time na nagpapasabay sa akin pati yun monthly rice subsidy. Thrice ko atang ginawa yun at nabwisit erpats ko nun. Buti nga ngayon eh hindi na sumasabay, minsan nalang at hindi na sinasabay yun monthly bigas niya.

  15. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #15
    Quote Originally Posted by dct View Post
    actually ok sakin magsabay. pero yung on the way lang. nakatulong ka pa. ang hirap magcommute e. pero wag lang yung demanding na gusto sa dito ibaba o kaya doon. tinutulungan mo na nga demanding pa. tsaka yup, dapat mag-abot pag everyday. o kaya mga lunch or snacks man lang
    I agree. Basta on the way at hindi mo kailangan mag deviate sa course mo. Ako very strict sa ganyan. I pass through EDSA on the way home. Pero I don't accept passengers who need to stop along EDSA such as Shangr-La Mall, Megamall or Galleria. No way am I going to go to the bus lanes para lang magbaba ng tao sa EDSA.

    Ang talagang hindi ko ma take yung mga nagpapa hintay. Paalis ka na pero magpapahintay pa. Kesa may concall daw for just 10mins.. or mag C-CR lang.

    WORSE --- as far as you know, isa lang ang sasabay sa yo. Tapos sasabihin mo sa kanya na maghihintay ka na sa car.
    So punta ka na sa car mo.
    Pag dating niya, may kasama siyang 3 ibang tao! Buntis pa yung isa. Tapos sasabihin niya sa yo, "Uy...nalaman nilang EDSA->Kamuning ang daan mo eh. Gusto daw nila sumabay. Okay lang?"

    PWEDE ka bang tumanggi eh nasa harap mo na yung 3?

  16. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #16
    Nakakainit ng ulo naman to habang binabasa ko hahaha. Ang kakapal ng mukha!

  17. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #17
    Bihira lang may sumabay sakin, alam kasi nila pag ganyan madami akong excuse.

    Kunwari, uy dadaan ka ba sa ganito? Sagot ko nalang, ah hindi eh may pupuntahan pa ko. Twice to thrice na tanong, ganun parati sagot ko... In the end? Di na ko tinanong. Hehe.

    Nadala na rin kasi ako. Dati may nakisabay, dapat sa kanto ko lang ibababa tapos magjjeep nalang siya. Eh bumuhos yung ulan, tanungin ba naman ako kung pwede magpahatid sa bahay -- 6-7km away, makakahindi ba ko? Nakakaawa naman. Hahaha

    Sent from my GT-P7310 using Forum Runner (wishing tapatalk is already working)

  18. Join Date
    May 2012
    Posts
    1,042
    #18
    Quote Originally Posted by ess View Post
    I agree. Basta on the way at hindi mo kailangan mag deviate sa course mo. Ako very strict sa ganyan. I pass through EDSA on the way home. Pero I don't accept passengers who need to stop along EDSA such as Shangr-La Mall, Megamall or Galleria. No way am I going to go to the bus lanes para lang magbaba ng tao sa EDSA.

    Ang talagang hindi ko ma take yung mga nagpapa hintay. Paalis ka na pero magpapahintay pa. Kesa may concall daw for just 10mins.. or mag C-CR lang.

    WORSE --- as far as you know, isa lang ang sasabay sa yo. Tapos sasabihin mo sa kanya na maghihintay ka na sa car.
    So punta ka na sa car mo.
    Pag dating niya, may kasama siyang 3 ibang tao! Buntis pa yung isa. Tapos sasabihin niya sa yo, "Uy...nalaman nilang EDSA->Kamuning ang daan mo eh. Gusto daw nila sumabay. Okay lang?"

    PWEDE ka bang tumanggi eh nasa harap mo na yung 3?
    nung company resources pa ang gas at auto ko... nagpapasabay ako then yung WORSE na scenario mo... pero nung lumipat na ko ng company at personal na auto ko na... parang ayaw ko nang magpasabay.

    the WORST pa rin yung parang gagawin kang driver na makikisabay lang sa yo tapos. hinintay mo na, tapos ide-deviate yung route mo kasi may dadaanan pa syang ibang itinerary. tapos feeling nya na entitled sya na humirit ng ganon sa yo. nakakapikon talaga.

    di bale na lang kung nasalubong ko na nag-aabang ng sasakyan tapos mahirap makasakay at natiyempuhan ko.

  19. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    17,314
    #19
    I simply extend the courtesy my friends give me.

    Whenever I need a ride home, lagi akong nakikisabay sa kanila. I make it a point na hindi naman sila mahahassle. Along the way naman, though instead of taking the Bagong Ilog flyover, they'd have to go underneath. I appreciate their kindness and I try not to be a burden by adjusting to their schedule - if they leave late, I wait; if they have to go, I drop what I'm doing.

    Likewise, if any of my friends need a ride home, I don't hesitate to offer. I once brought a friend home from a party we had in Mandaluyong to his house in Antipolo, even though my house was only 3 km away from the venue.

    I just view the whole thing as paying it forward.

  20. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #20
    madaming ganyan. magpapaantay na, magpapahatid pa. buti kung chicks. hehehe.. ako diskarte na lang. pabilisan sa paguwi. para hindi na makahirit. before pa nila ako hanapin para makisabay nakaalis na ko. hehehe.. ok lang kung paminsan minsan lalo na kung alanganing oras ang uwi at babae pa.

    mahirap din kasi na alam ng officemates mo yung designated parking slot mo. pupuntahan ka pa dun. Mas ok pa na paiba iba ng parking.

Page 1 of 33 1234511 ... LastLast

Tags for this Thread

pasabay naman hanggang kanto lang