New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 26
  1. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #11
    Suggestion lang po sa mga madalas mabiktima nito. Punta kayo ng either DENR, TESDA, DOTC etc na agency involved sa Clean Air Act. Kuha kayo ng operations manual sa tamang pag emission test ng sasakyan. Then pag na flag down kayo, insist niyo na iyon ang sundin. If they dont follow the manual, wag kayo mag paticket. Pero pag bagsak pa din kayo, hehe paayos niyo na sasakyan ninyo.

  2. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,467
    #12
    XTO, yung Adventure ko ang dala ko. usually pag galing ako ng Pque to Manila, SLEX ako derecho sana ng Osmena HWY, kaso hindi nako dumadaan dahil talagang takaw huli. Pati mga delivery truck namen sa office ilang beses hinuhuli dun sa area. Sa office meron din kame na 2007 L300 FB well maintained yun at talagang bago pa naman. AY sus! ala rin ligtas, bagsak daw.

  3. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #13
    Sportivo namin nadali na rin isang beses. 1000 ang hinihingi ng gag*, nagpaticket na lang kami. Akala namin mas mura sa munisipyo, pambihira 2500 - ginto! Then nung pina-emission test naman namin sa LTO, sus! Pasado! Buwisit, idol ko talaga Makati, sistemadong mga buwaya ang namamalakad lalo na ang Mayor (no offense sa mga may kapamilyang opisyal sa Makati ah, pero kung may matino naman kasi, eh di sana may umaaksyon na taga-Makati laban dito). Imagine pinapula ang makina ng pagkatagal-tagal hanggang umusok talaga!

    Ang nanay ko kahit matanda na't di na nagdadrive continuous ang pagtawag sa MMDA at LTFRB regarding sa modus operandi diyan. And I think di lang nanay ko natawag, kasi kung pansinin niyo umoonti na lahi nila, SAKA kung pansinin niyo rin imbis na sa Magallanes na sila tumambay kung SLEX-northbound kayo eh nandun na sila sa may lampas ng Buendia Flyover nakaabang, yung mga kotseng coming from Malugay naman ang dinadali. Mga peste't abala sa byahe. Tapos kapag naka-gas ka naman o sedan eh alanganing di ka rin maiiinis kasi yung mga kapalmuks na kotongero eh kung may truck sa side mo at napagtripan nilang parahin, kahit harangin ka pa para lang mapara yung truck e tatawid talaga yung mga hinay*pak! Kahit nasa 60km/hr ka gawa ng highway yun at end na ng traffic zone, haharang pa rin ang mga bwisit! Not to mention yung hinaharang nila minsan eh hindi rin nila pinapatabing maigi, so harang din!

    Ako talaga kung pwede lang eh paparada ako sa loading/unloading lane sa ilalim ng Magallanes flyover, daladala ko yung videocam ko, at tatanungin ko yung isa sa kanila nito: "Boss, grabe yung usok ng jeep na yun ah. Ba't yun kitang-kita maitim ang usok hindi niyo sinisita?" Ang sarap siguro pakinggan ng isang-damakmak na palusot nila kahit naka-videocam pa! Mga kapalmuks talaga e, pwede ng isali sa Alpha-Kapalmuks o on-the-spot kasabwat!

    Hay... uminit dugo ko naalala ko lang ito ah. Basta kapag ako talaga eh tyumempong maluwag din ang turnilyo ko sa utak gaya nila, papara talaga ako dun at vi-videohan ko sila. Bawat palusot nila tatadtarin ko rin ng tanong.

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #14
    Quote Originally Posted by batang_raon14 View Post
    Sportivo namin nadali na rin isang beses. 1000 ang hinihingi ng gag*, nagpaticket na lang kami. Akala namin mas mura sa munisipyo, pambihira 2500 - ginto! Then nung pina-emission test naman namin sa LTO, sus! Pasado! Buwisit, idol ko talaga Makati, sistemadong mga buwaya ang namamalakad lalo na ang Mayor
    matagal na namin pinagdadasal na sana mapalitan naman si binay. halos buong pamilya na niya mga politiko dito sa republic of makati eh. mga tuta ni binay yang mga kung ano2 sumusulpot para manghuli. number one dyan mga mapsa (yellow boys)

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,084
    #15
    ano ba talaga ang validity ng emission test na ginagawa sa registration? kung ipakita yun copy ng emission test mo na pasado kahinde pa rin pwede? ano kailangan every month ba mag pa test? kalokohan naman yata eh di sana alisin na lang nila yun test sa registration kung hinde rin nila tangapin yun test mo

  6. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,467
    #16
    3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako ang ginawa naman ng mga kumag eh pinakita kung san makikita na expired na pala yun. hayup! walang lusot!

    mga pakshet talaga... kaya buti nalang at ngayung Oct ako magpaparehistro kahit pano 3 buwan din ako mapapahinga sa kanila. kita kits na lang kami sa Feb na ulit...

    Pero seriously badtrip talaga, sana matapos na.

    btw, kanina may operations sila, para siguro sa mga advanced suweldo. abangan nyo bukas at sa mga ilang araw dyan pa yang mga yan, para naman sa delayed ang sweldo yun... hayups talaga!

  7. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,467
    #17
    3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako ang ginawa naman ng mga kumag eh pinakita kung san makikita na expired na pala yun. hayup! walang lusot!

    mga pakshet talaga... kaya buti nalang at ngayung Oct ako magpaparehistro kahit pano 3 buwan din ako mapapahinga sa kanila. kita kits na lang kami sa Feb na ulit...

    Pero seriously badtrip talaga, sana matapos na.

    btw, kanina may operations sila, para siguro sa mga advanced suweldo. abangan nyo bukas at sa mga ilang araw dyan pa yang mga yan, para naman sa delayed ang sweldo yun... hayups talaga!

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #18
    meron akong remedyo dyan :spam: pm sent basti08.

  9. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #19
    [quote=basti08;1132213]3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako

    Sir ako lang po sa private emission testing center?...Kasi meron nakalagay doon na kahit 3 months validity, for registration purposes lang yun test. So talagang hindi nila ito i-honor.

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,757
    #20
    hindi ba sinusubmit yung original copy ng emissions test sa registration? pwede bang photocopy lang ang ipakita sa mga buwaya?

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Pasay and Makati's anti smoke belching, sobrang obvious na kotong naman!!!