Yan din sabi ng friends ko nung pinaghintay ako ng guy na yan kasi sasabay siya. Kunin ko na kotse at sa lobby na lang siya maghihintay. Wow ginawa akong driverPinagbibigyan ko na lang, I'd like to think there is no malice in his actions, wala lang talagang alam sa rules of etiquette.
Remember: You are abused only as far as you let people do.
Being polite has nothing to do with letting yourself become a doormat of a person. If you have a problem, then say it. Chances are, you don't need these people anyway.
Sa dinadaanan ko sa Loyola Grand Villa, kapag umaga naka-abang na ang mga bata na nakiki-hitch papasok ng school sa Balara. Me mga colorum jeeps naman pero wala talaga silang pamasahe. Baka nga baon talagang wala. Marami din naman na good Samaritans na nagpapasakay sa kanila, private man or PUV's. Minsan pa nga me nakikita ako pinapabaunan pa sila (tinapay, cookies, biscuit, at baka pera na rin). Previously, dahil sa awa ko na rin ilan beses ako nakapagpasakay nitong mga estudyante. Nakupo, talagang amoy araw yung mga bata. Yung mga tipong nabababad sa arawan tapos minsan lang makatikim ng paligo sa isang linggo. Halos di na nga ako humihinga. I can just imagine paano pa kaya sa loob ng classroom nila. Tapos pagbababa na, hila-hila yung mga bags/backpacks na tumatama sa pinto at sa upuan. Haay, patatawarin pero ngayon dedma na lang. Yung distansya naman ng hini-hitch nila, yun ang nilalakad namin noon sa probinsya para makapasok sa elementarya.
Sa workplace, wala naman ako problema sa mga nakikisabay sa akin noon (ngayon kasi, yung mga guys halos me mga sasakyan na rin lahat. Mga girls naman out of the way). Parang eto pa nga ang bonding moment namin dati. Pag minsan na di gaanong trapik binabagalan ko pa nga pagda-drive para mahaba-haba ang kwentuhan. Yung isa nga, sobrang na-appreciate yata ang pagsabay-sabay sa akin kaya naging kumare ko pa. Hehe.
Of course, there are the unwritten rules na na-mention na sa previous pages. Like, dapat walang detour, stick to my regular route. Bawal din kumain, etc. Ang hate ko nga lang din eh yung kapag bumaba, akala mo eh me LQ kami sa lakas magsara ng pinto. Hangga't maaari iniiwasan ko sila. Yung iba, kahit napagsabihan ko na na pakihinaan naman ang pagsara, by force of habit na lang siguro na ganun pa rin kung ibalibag ang pinto.
Last edited by gearhead000; February 27th, 2013 at 03:15 AM.
Usually talaga ng mga malalakas magsara ng pinto either ang kotse nila yung Armored Van ng bank or wala pa siguro. Kaya pag may nakikisakay na di ko kabisado, I open the window partially para di ako mabingi sa air pressure.
I usually see this kids as well pag dumadaan ako sa tumana sa hapon on my way to marikina...i saw a couple na nagpapasakay and some are hindi basta basta mga sasakyan...i was thinking nga kung pasasabayin ko pero mahirap talaga magpasakay kung hindi mo kilala mapa bata lalu na kung matanda...
Something similar happened to me as well. My officemate came to me and said sasabay siya. Tapos I said okay. Tapos as I was shutting down, bigla siyang nag text saying meron din ibang sasabay. Worse, hindi ko man lang ka-department or nakakausap yung mga sasabay na yon. THE NERVE of those people.
I texted back and said I just received an unexpected call from my boss asking me to do a task. I added that I don't know how long the task will take.
She texted back and said "okay lang hintayin ka namin sa reception area".
Naknangtinapay! Hindi nag work.
Oh well.
I just did real overtime by doing the following day's work at that night. Siguro mga 2 oras din yon.
Then I finally decided to leave.
I was kinda hoping they'd all have left after waiting for two hours.
When I got to the reception area, umalis na yung mga hakot. Pero hinintay talaga ako nung officemate ko.
Siguro na-realize niyang nabadtrip ako doon sa paghakot niya. Pinanindigan na lang niya yung pagkakamali niya't hinintay na lang ako.
So sinabay ko na rin siya.
While driving, I felt sooo guilty I really wanted to bring her all the way to her house. Pero natauhan ako. Binaba ko pa rin siya sa kanto, where she usually gets off pag sumasabay siya. :D
Pag ganyang may hakot, sa una di na talaga ako makatanggi. Pero the next time na magsabi uli na sasabay inuunahan ko na. Kung sasabay siya, siya na lang.
Kung same gender yon, madali lang.
Pero kung opposite *** yung sasabay sa iyo, paano mo yon masasabi without making the other party (or worse, the whole office) assume na may hidden agenda ka na sa kanya?
Sure it's easy to tell that person in private that it's rude to invite others when she's the only one whom you've allowed to hitch a ride with you.
Tapos pag paalis na, lalapit na yung mga hakot doon sa kasabay mo. Tatanungin nila kung pwede sila sumabay. Tapos sasabihin ng kasabay mo -- ay...wag na lang muna. Ayaw ni <your name> eh.
Sis,- I have this feeling na sinisilo ka ng mamang iyan. Kaya sabay ng sabay sa iyo....
Lalo pa't alam niya na available ka at accommodating....
My suggestion,- huwag mong isabay at baka kumukuha lang ang mamang iyan ng tiyempo, para alam mo na..... Not good....
Sis,- I don't give a **** about your upbringing.....You should learn how to say "NO!".... And learn this important word today.....
Kung utol o pinsan o kaibigan lang kita,- pinuntahan ko na ang lalaking iyan at sinapak ko.... KAPAL!
18.3K:tomato:
Last edited by CVT; February 27th, 2013 at 11:58 AM.
i really don't know why nahihirapan kayo tumanggi kung ayaw niyo talaga sila pasabayin, why don't you just tell them directly na hinde sila pwede sumabay..
^^^^^
Oh, ano na naman yan? Early in the morning high blood na naman kayo!
Gaya nga ng sinabi ko, kung marunong magbigay respeto sa inyo at sa kotse ninyo ang tao na sasabay, then by all means pwede isabay. Kung hindi, politely make an excuse that you have to go somewhere else after work.
Tulad ngayon, naka park ako sa Dela Rosa 2. The sabay crowd sa office namin wont walk up to Dela Rosa 2 ..![]()
Last edited by lowslowbenz; February 27th, 2013 at 12:12 PM.