New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 26
  1. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #1


    Hay... kawawa naman kaming mga motorist na naka-diesel ride. Especially those who frequently pass by pasay/makati boundery in magallanes EDSA/SLEX. Lagi na lang kami napapag-tripan ng mga anti smoke belching yada yada nila... eh wala naman papasa dun dahil halos i-rev nila to redline ang mga makina namin eh... kahit Fortuner pa yan kapag diesel walang kaligtas sa usok lalo na with our local diesel fuel.

    Just wanna rant, lapit na kase katapusan eh.. lagi kasing may operation dun kapag 15 and 30... di naman too obvious no? tsk.tsk

    ilang beses na kami nag pameryenda dyan sa mga hayup na yan... sana minsan ang mabili nila sa pera namin ay pagkaing may lason...mga hayup!!!

    Pero mga Jeeps di naman nila hinuhuli, speaking of being fair lang naman... kasi obvious na may mga target vehicles lang kasi sila eh...

  2. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #2
    parang sakto nga sa sweldo sir, malapit lang kasi ako sa area minsan ko lang sila makita. lahat nga ng mapagtripan nila pinapapara nila. except public utility vehicles. dahil siguro iniisip nilang walang pangbigay. may sariling mundo ang mga yun. katulad ng mga tuta ni binay na mga mapsa. may mga sariling batas na pinapatupad.

  3. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    148
    #3
    Kung smoke belching talaga kayo paps mapapamiryenda nyo sila. Kung hindi, wala naman dapat problema. Smoke belching is bad for the environment, mantain your vehicles properly.

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #4

    Galing ng mga ung*s na iyan,- siyempre pa-akyat ka kaya medyo rebolusyon ang sasakyan mo at kahit paano ay hindi mo maiiwasan ang usok lalo na kung diesel ang sasakyan.... Pasado naman sa emissions test, kaya nai-rehistro, di ba?

    Talagang nakapagtataka kung bakit ang mga jeepneys at buses sa atin ay pumapasa....

    6808:frenchyf1:

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #5
    Talagang ganyan pag diesel ang ride takaw huli at sita, dati meron akong L3FB planado ko and biyahe pag Makati or Pasay ang lakad, lagi mga 5:00pm pataas na kung gamitin ko ito para safe na talaga at hindi ma sita, diskarte lang sa mga street mong dapat daanan. Kung di maiwasan ay suwertehan na lang, basta regular ang linis ng muffler.

  6. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    116
    #6
    wala pa bang nag-try i-video to para maparating sa media yung kalokohan nila. halatang nangungurakot lang ang mga ito para makaipon sa pasko.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #7
    meri krismas na daw kasi.... tindi talaga sa makati, antatalino ng mga nanghuhuli.

  8. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #8
    Quote Originally Posted by Paolo123 View Post
    Kung smoke belching talaga kayo paps mapapamiryenda nyo sila. Kung hindi, wala naman dapat problema. Smoke belching is bad for the environment, mantain your vehicles properly.
    almost all local diesel cars will emit black smoke. period sir. that is given in our country's situation. we sell expensive diesels that are not as refined as the one being sold elsewhere.

    also, almost all diesel fed automobile will emit black smoke when revved to upper RPMs. no matter if it is the latest d4d, crdi, tdci etc engines, no matter how good it is maintained.

    so being flagged down, alongside those jeepneys they just letting to pass by irks and pisses me off. so unfair.

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #9
    btw basti08, ano dala mong ride?.... gaya naming crosswind sigurado paborito ng mga tukmol dyan, mabuti na lang at hindi ko regular route yan except when having to fetch or bring somebody to airport. pero normally nagro-roxas blvd or quirino ave na lang ako from qc. tatakaw din kasi nila sa mga "swerving" violations.

  10. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    154
    #10
    Sana may mag lakas loob na ipa media ang mga yan.
    Para makita natin sa XXX or Imbestigador.

  11. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #11
    Suggestion lang po sa mga madalas mabiktima nito. Punta kayo ng either DENR, TESDA, DOTC etc na agency involved sa Clean Air Act. Kuha kayo ng operations manual sa tamang pag emission test ng sasakyan. Then pag na flag down kayo, insist niyo na iyon ang sundin. If they dont follow the manual, wag kayo mag paticket. Pero pag bagsak pa din kayo, hehe paayos niyo na sasakyan ninyo.

  12. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #12
    XTO, yung Adventure ko ang dala ko. usually pag galing ako ng Pque to Manila, SLEX ako derecho sana ng Osmena HWY, kaso hindi nako dumadaan dahil talagang takaw huli. Pati mga delivery truck namen sa office ilang beses hinuhuli dun sa area. Sa office meron din kame na 2007 L300 FB well maintained yun at talagang bago pa naman. AY sus! ala rin ligtas, bagsak daw.

  13. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #13
    Sportivo namin nadali na rin isang beses. 1000 ang hinihingi ng gag*, nagpaticket na lang kami. Akala namin mas mura sa munisipyo, pambihira 2500 - ginto! Then nung pina-emission test naman namin sa LTO, sus! Pasado! Buwisit, idol ko talaga Makati, sistemadong mga buwaya ang namamalakad lalo na ang Mayor (no offense sa mga may kapamilyang opisyal sa Makati ah, pero kung may matino naman kasi, eh di sana may umaaksyon na taga-Makati laban dito). Imagine pinapula ang makina ng pagkatagal-tagal hanggang umusok talaga!

    Ang nanay ko kahit matanda na't di na nagdadrive continuous ang pagtawag sa MMDA at LTFRB regarding sa modus operandi diyan. And I think di lang nanay ko natawag, kasi kung pansinin niyo umoonti na lahi nila, SAKA kung pansinin niyo rin imbis na sa Magallanes na sila tumambay kung SLEX-northbound kayo eh nandun na sila sa may lampas ng Buendia Flyover nakaabang, yung mga kotseng coming from Malugay naman ang dinadali. Mga peste't abala sa byahe. Tapos kapag naka-gas ka naman o sedan eh alanganing di ka rin maiiinis kasi yung mga kapalmuks na kotongero eh kung may truck sa side mo at napagtripan nilang parahin, kahit harangin ka pa para lang mapara yung truck e tatawid talaga yung mga hinay*pak! Kahit nasa 60km/hr ka gawa ng highway yun at end na ng traffic zone, haharang pa rin ang mga bwisit! Not to mention yung hinaharang nila minsan eh hindi rin nila pinapatabing maigi, so harang din!

    Ako talaga kung pwede lang eh paparada ako sa loading/unloading lane sa ilalim ng Magallanes flyover, daladala ko yung videocam ko, at tatanungin ko yung isa sa kanila nito: "Boss, grabe yung usok ng jeep na yun ah. Ba't yun kitang-kita maitim ang usok hindi niyo sinisita?" Ang sarap siguro pakinggan ng isang-damakmak na palusot nila kahit naka-videocam pa! Mga kapalmuks talaga e, pwede ng isali sa Alpha-Kapalmuks o on-the-spot kasabwat!

    Hay... uminit dugo ko naalala ko lang ito ah. Basta kapag ako talaga eh tyumempong maluwag din ang turnilyo ko sa utak gaya nila, papara talaga ako dun at vi-videohan ko sila. Bawat palusot nila tatadtarin ko rin ng tanong.

  14. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #14
    Quote Originally Posted by batang_raon14 View Post
    Sportivo namin nadali na rin isang beses. 1000 ang hinihingi ng gag*, nagpaticket na lang kami. Akala namin mas mura sa munisipyo, pambihira 2500 - ginto! Then nung pina-emission test naman namin sa LTO, sus! Pasado! Buwisit, idol ko talaga Makati, sistemadong mga buwaya ang namamalakad lalo na ang Mayor
    matagal na namin pinagdadasal na sana mapalitan naman si binay. halos buong pamilya na niya mga politiko dito sa republic of makati eh. mga tuta ni binay yang mga kung ano2 sumusulpot para manghuli. number one dyan mga mapsa (yellow boys)

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #15
    ano ba talaga ang validity ng emission test na ginagawa sa registration? kung ipakita yun copy ng emission test mo na pasado kahinde pa rin pwede? ano kailangan every month ba mag pa test? kalokohan naman yata eh di sana alisin na lang nila yun test sa registration kung hinde rin nila tangapin yun test mo

  16. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #16
    3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako ang ginawa naman ng mga kumag eh pinakita kung san makikita na expired na pala yun. hayup! walang lusot!

    mga pakshet talaga... kaya buti nalang at ngayung Oct ako magpaparehistro kahit pano 3 buwan din ako mapapahinga sa kanila. kita kits na lang kami sa Feb na ulit...

    Pero seriously badtrip talaga, sana matapos na.

    btw, kanina may operations sila, para siguro sa mga advanced suweldo. abangan nyo bukas at sa mga ilang araw dyan pa yang mga yan, para naman sa delayed ang sweldo yun... hayups talaga!

  17. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #17
    3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako ang ginawa naman ng mga kumag eh pinakita kung san makikita na expired na pala yun. hayup! walang lusot!

    mga pakshet talaga... kaya buti nalang at ngayung Oct ako magpaparehistro kahit pano 3 buwan din ako mapapahinga sa kanila. kita kits na lang kami sa Feb na ulit...

    Pero seriously badtrip talaga, sana matapos na.

    btw, kanina may operations sila, para siguro sa mga advanced suweldo. abangan nyo bukas at sa mga ilang araw dyan pa yang mga yan, para naman sa delayed ang sweldo yun... hayups talaga!

  18. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #18
    meron akong remedyo dyan :spam: pm sent basti08.

  19. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #19
    [quote=basti08;1132213]3 mos sir... ganyan din kase ang ginawa ko, pinakita ko na pasado ako

    Sir ako lang po sa private emission testing center?...Kasi meron nakalagay doon na kahit 3 months validity, for registration purposes lang yun test. So talagang hindi nila ito i-honor.

  20. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,773
    #20
    hindi ba sinusubmit yung original copy ng emissions test sa registration? pwede bang photocopy lang ang ipakita sa mga buwaya?

Page 1 of 2 12 LastLast
Pasay and Makati's anti smoke belching, sobrang obvious na kotong naman!!!