New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 35
  1. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    152
    #1
    mr. umale was shot dead in the head inside his own building as he got out of his car by 4 gun men! 5 rounds of .45 caliber shells were found in the crime scene

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #2
    why am i not surprised? daming galit don kay umale e
    pero to kill a man.. tsk tsk kawawa naman

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    917
    #3
    rip. no daw motive?

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #4
    omg. Baket madming galit sa kanya??

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #5
    si umali ba yung nakipagbarilan dati dahil sa pay parking?

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    152
    #6
    yup, he was the one who shot it out at the parking lot of pearl drive with the security guards of the building beside his building due to who has the right to collect the parking fees

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,848
    #7
    Oo nga bakit madaming galit sa kanya?

  8. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    39
    #8
    Madami talagang kaaway dito sa pasig yan. Sila din ba may-ari nung Umale Construction? at kanino ba talaga yung parking lot?

  9. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    152
    #9
    according to dzmm radio he has a feud with so many people like gov singson and gov ynarez plus a lot more over unfair and unethical business deals like the parking space issue, its just one. dami niyang kaaway.

  10. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    39
    #10
    From Special Assignment ABS-CBN News

    Parking lot
    Itinanghal ng Special Assignment,
    Miyerkules, 11:30 p.m.
    Ulat ni Luchi Cruz-Valdes

    Pasado 8 a.m. noong Sabado, Enero 15, 2005, nagmistulang lugar ng digmaan ang Pearl Drive sa Ortigas Center sa Pasig.

    Nagkapalitan ng putok ang dalawang nag-iiringang grupo. Sa isang panig, ang mga gwardya ng Creekside Park at pamilya Ynares at ang mga tauhan ng pamilya Umale sa kabila.

    Ang kanilang pinag-aawayan ay isang "parking lot" dahil malaki ang kinikitang salapi ng namamahala nito mula sa mga parokyano ng isang eskwelahan at pamilihan malapit dito.

    Ang pamilya Umale ang namamahala ng naturang parking lot. Pero nitong Enero, pinaalis sila umano kaya humingi sila ng mga dokumento at katibayan.

    Ayon kay Nida Umale, may karapatan ang kanilang pamilya sa lugar dahil simula pa noong 2000, sila na ang namamahala rito.

    Giit ng abogadong si Agnes Maranan, nakopo ng mga Umale ang kontrata para sa parking lot at ang bahagi ng kanilang kinikita ay ibinibigay sa Ortigas & Co. na siyang may-ari ng lupain.

    Pero noong huling bahagi ng 2004, sumulpot ang kompanyang Creekside na pag-aari ng pamilya Ynares at sinabing sila ang may hawak ng kontrata sa parking lot.

    Sagot ng Creekside sa pamamagitan ng abogadong si Jackie Cruz, sila ang binigyan kontrata upang mamahala sa parking lot.

    Sa panig ni Rex Drilon ng Ortigas & Co., sinabi ng negosyante na dalawang beses silang nagpadala ng liham sa mga Umale na ilipat na ang karapatan ng pamamahala sa mga Ynares.

    Binalewala umano ito ng mga Umale.

    Sino ang may unang pumutok?

    Matapos ang barilan, naglabas ng isang video ang mga Umale. Ayon kay Vicky Umale, sinadya nilang pakunan ng video ang mga pangyayari nang magsimula ang kaguluhan.

    Bwelta ng mga Ynares, dinoktor umano ang video. Ayon kay Junjun Ynares, ang naunang mga akto ng pananakit at pamumukol ng bato ng mga Umale ay hindi isinama sa video.

    Matapos humupa ng putukan, isang gwardya ng Super Security Agency ang naiwang sugatan. Kinilala ang biktimang si Jelly Dioneda.

    Noong Huwebes, Enero 20, nagsampa ng kasong frustrated murder si Dioneda at ang kanyang ahensya laban sa mga Umale.

    Noong Enero 24, patuloy na tumindi ang tensyon sa Pear Drive.

    Bunga ng bangayan, nahukay ang matagal nang natutulog na isyu tungkol sa tunay na pagmamay-ari ng bakanteng mga lote sa Ortigas Center. Kabilang na rito ang pinag-aawayang parking lot.

    Ayon kay Maranan, nabatid nitong mayroong kaso sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Pasig at ng Ortigas & Co.

    Giit ng Pasig, ang kahabaan ng bangketa sa Pearl Drive ay libreng paradahan ng mga sasakyan.

    "Kung bukas para sa lahat ang pagparada rito, hindi dapat singilin ang mga may-ari ng sasakyan," aniya.

    Pera-pera lang
    Ipinahiwatig ni Maranan na kumukuha ng karapatan ang Creekside mula sa Ortigas & Co. Noong malaman nila ang ganitong sitwasyon, nanghimasok na ang mga Umale, aniya.

    Sabi ni Maranan, nalito ang mga Umale kung kanino sila magbabayad ng renta sa parking lot, kung sa Ortigas, sa Creekside o pamahalaang lungsod. Paniwala rin ng mga Umale, hindi sila dapat magbayad dahil libre para sa lahat ang pagparada roon.

    Nahukay ang usapin dahil minsan nang pinagbayad ng isang pribadong grupo ang mga motorista sa Ortigas Center kahit pinagtatalunan pa kung sino ang may karapatan sa pag-aari ng mga ito.

    Ayon kay Alkalde Vicente Eusebio, hindi niya alam kung tama ang iginigiit ng Ortigas & Co. dahil ang paniwala ng pamahalaang lokal ay pag-aari ng publiko ang bangketang paradahan ng mga sasakyan.

    Anang opisyal, kapag pinarte ang lupa na hinati para sa subdibisyon, ang bangketa nito ay mapapaloob sa munisipyo o siyudad.

    Ngunit ayon kay Rex Drilon ng Ortigas & Co., sila ang tunay na may-ari ng parking lot dahil hawak nila ang titulo rito.

    Sa dakong huli, inamin ni Drilon na may isyu ang mga bakanteng lote at bangketa na kanilang nasasakupan. Tiniyak niya na handa ang Ortigas & Co. na ipaubaya sa pamahalaang lungsod ng Pasig ang pamamahala sa mga ito.

    Samantala, matapos ang ilang araw ay nagkaroon ng solusyon sa problema. Idineklara nang libre ang pagparada ng mga sasakyan sa Pearl Drive.

    Binuo ang kasunduan sa pagitan nina Junjun Ynares, Vicky Umale at Alkalde Vicente Eusebio.

    Minarapat ng mga awtoridad na pagtibayin ang kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya dahil pag-aari ng mga Ynares ang Manila Luxury Condominium habang nakapangalan sa mga Umale ang Pearl Plaza. Kapwa matatagpuan sa Pearl Drive ang dalawang gusali.

    Iisa lang ang hangarin ng dalawang pamilya: maprotektahan ang kanya-kanyang interes.

    Sa pagpapatibay ng kasunduan, umaasa ang magkabilang panig na natuldukan na ang hidwaan. Pero kapwa rin nila batid na malalim ang sugat na naiwan ng sigalot na nag-ugat lang sa isang parking lot.

Page 1 of 4 1234 LastLast
owner of pearl drive building shot dead this am!