New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 20 of 111

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #1
    Last Sept 02, 2004 around 11:oopm was driving my Toyota Revo vx200j with plate no. XEZ-119, burgundy along kalentong – shaw blvd as a took left turn to J.B. Vargas going to addition hills when suddenly one new red Toyota Corolla blocked my way and pulled me over. Tagalugin ko nalang nahirapan akong magenglish eh….Hinarangan nila ako kaya napahinto ako. Nang biglang may apat na armadong mga kalalakihan na bumaba at tinutukan ako ng baril. Mahahaba ang mga dala nila M16 to be exact. Pinababa nila ako at tinanung kung may baril ako, sabi ko wala. Ang bilis ng pangyayari di na ako nakapalag nun. Lahat kasi sila may baril at handa na talaga akong barilin anytime. Tinatanung ko sila kung anung problema or kung may nagawa akong kasalan? Sabi nila wala, sabay bitbit sa akin at nilipat ako sa gitnang upuan ng revo. Tinabihan ako ng 2ng armadong lalaki at yuun isa na ang nagmaneho. Pilit nila akong pinapayuko medyo nanlaban muna ako. Tapos pinukpok ako sa may batok ng kung anu man yung matigas nay un, mukhang baril ata eh. Then naramdaman ko nalang umaandar na kami. Nagpakilala silang mga NPA at hihiramin lang daw nila yung sasakyan ko at isasauli rin nila pagkatapos nilang gamitin. I was very calm at that point. Medyo di ako makapaniwala sa nangyayari and di ko alam kung anung gagawin ko. Nakikipagkwentuhan nalang ako at kinukuha ko kung anu ba talaga ang pakay nila sa akin. Kinuha nila ang cellphone ko, wallet ko at kwintas ko. Tapos bigla kaming huminto, hindi ko alam kung saan lugar na ito, lumipat kami sa Toyota corolla na pula (yung humarang sa akin) pagkatapos tumuloy na sa pagandar. Sa pagkakaalam ko kasunod pa rin naming yung sasakyan ko. Di ko kasi alam dahil pinapayuko talaga ako. As in hanggang ngayon masakit pa batok ko pag yumuyuko hanggang sa sabi nila ibababa na daw nila ako at huwag daw akong titingin sa kanila kung hindi papatayin daw nila ako sabay batok sa akin. Pagtingin ko kung nasan na ako, lakad ako ng isang kanto Maria clara st. sa banawe nila ako binaba, sa may kanto ng genkis. So nagmadali akong pumunta sa may genkis para makahingi ng tulong. Pumasok me ng tazaa café at dun na ako nakitawa at sakto may mga pulis naman na nagaabang…

    Akala ko ng hindi na ako mabubuhay pa.. pasalamat nalang ako at buhay pa ako ngayon, hindi naman nila ako sinaktan or what kaunti lang naman. Napa blotter ko na kagad sa laloma mayon police station 1 yung pangyayari then inalarma na nila na nacarnap nga yun oto ko. Then from there pumunta ako sa mandaluyong para magfile ng police report. On Monday ill be going to crame sa TMG para sa alarm ba yun? Yun daw kasi kailngan ng insurance para mapalitan nila eh… buti nalang insured yung oto kung hindi ala rin.

    Tsikoteers, prayers nalang mahihingi ko sa inyo ngayon. Pasalamat manlang at buhay pa ako di ba.. hay?!... sige ito lang muna… at least naupdate ko kaya.. Ingat ingat po palagi… If ever naman please PM me your numbers sa cellphone kasi nawala nga phone ko. Thanks po..

    Moderators, di ko alam kuing saan dapat itong thread na ito eh.. bahala na kayo maglipat salamat!!!!

    Karl

  2. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #2
    damn....buti di ka nanlaban. 4 against one is bad enough, me baril pang dala!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #3
    anak ng teteng MUGEN...!!!!!!!!! mabuti't hanggang sakit sa batok lang inabot mo :whoa:

    hindi talaga tayo safe sa daan dito sa manila... haaaay.

    masaklap pa, malamang (sa tingin ko) may kinalaman sa sundalo o pulis yung mga yan,... hindi naman ata NPA yan talaga e

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #4
    karl, glad to know that you're ok. tama ginawa mo, bigay hiling nalang at wag pumalag. based on experience, that's the best thing to do in situations like those. ang kotse, cell phone, etc napapalitan, ang buhay hindi. sana mahuli mga hinayupak na yon!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    779
    #5
    WHATTA F%^&*

    sorry to hear that sir

    siguro holdap or kelangan lang talaga nila ng sasakyan, thank God di kinuha completley yung REvo mo sir

    tsk tsk tsk
    kaya ka nga nag kokotse eh para iwas din sa masasamang loob.
    Wala na talagang safe na lugar ngayon

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #6
    godbless pare.. ingat

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #7
    omiged.i thought it was just a joke..hinihinaty ko ung punchline....

    di ako makapaniwala nangyari ito sa isa satin...

    kahit talaga anong ingat mo, kung mamnalasin ka mamalasin ka talaga.

    keep us posted pare.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #8
    pareng mugen, buti at revo mo LANG ang nakuha at hindi ang buhay mo.
    so far tama lahat ng ginawa mo, at pina blotter mo, pabayaan mo na ang diyos ang humusga sa kanila.

    ang revo madaling palitan, ang buhay hindi.

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    973
    #9
    Pa misa ka at buhay ka pa.
    and sabi mo naman naka insure yung revo. hopefully e mabayaran ka agad.

    thank god yur still alive.

  10. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #10
    pare bad trip yang nangyaring yan ah. buti na din wala ka dalang baril. kung ako yung baka lumaban pa ako. we should watch out for guys like these.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,084
    #11
    I dont think mga NPA yan. Sigurado mga pulis yan

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #12
    parang sa mga news ko lang nababalitaan mga ganitong pangyayari, ngayon sa isang fellow tsikoteer na! siguradong nakita ka nilang nagiisa lang sa car kaya malakas loob nila. matagal ko ng iniisip na maglagay ng mga dummy sa car para mukhang madami akong kasama.
    Signature

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,794
    #13
    Originally posted by boybi
    parang sa mga news ko lang nababalitaan mga ganitong pangyayari, ngayon sa isang fellow tsikoteer na! siguradong nakita ka nilang nagiisa lang sa car kaya malakas loob nila. matagal ko ng iniisip na maglagay ng mga dummy sa car para mukhang madami akong kasama.
    may kilala ako dito dummy.isakay mo nalang siya.

    charing lang.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #14
    karl..
    im mad to hear about that..
    your story's giving me shivers right now..
    late kasi ako lagi umuwi..
    never earlier than 12 am..
    yun kasi oras ng shift ko sa work..

    i was thinking what could have i done if this happened to me..
    im thinking about having a sturdier bumper..
    (TJM perhaps ala Beast) and
    i would have pushed the corolla against a wall..and make sure that i'd crush those bastards! :mad:

    im so happy for you dahil you survived and
    i hope di ka ma-traumatize..
    because that's the worst thing that could happen to you right now.

  15. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,420
    #15
    im glad walang nangyaro sayo karl...

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    390
    #16
    sorry to hear that mugen...

  17. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #17
    glad to hear you're ok. pero hayup talaga dito sa tin. we and our loved ones aren't safe...

    tsk...

  18. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    263
    #18
    pag bukas ko ng thread kala ko luma na. last week lang pala, nakaka pang init talaga ng ulo when i started reading biro mo hihiramin lang???? nyek meron bang ganon. i doubt na NPA talaga yan.

    im glad na walang nangyari sayo.
    kamusta ang batok mo?

    ingat na lang mga fellow tsikoteers iwasan na lang natin dumaan sa madilim and masisikip na area specially kung gabi. well kung kaya iwasan na rin ang umuwi ng gabi.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,286
    #19
    malamang hindi NPA yan, mas malamang na law enforcers pa yan 4 kamo sila di ba tapos naka m16 pa at sa medyo mataong lugar or common na kalsada ka hinarang....

    iba kasi ang modus operandi nang mga NPA eh...

    kung nagkataon na me baril ka at lumaban ka, tapos nakatawag nang pansin sa media yung nangyari, malamang headline ka na tapos palalabasin na criminal ka at operasyon yung ginawa nung mga kumag na yon, its either drug lord or wanted na kidnapper o kahit ano na medyo fit sa description nila sa yo ang kalalabasan mo sa report nung mga yon....

    yan kadalasan ang style nang mga rogue elements in our law enforcement agency, kaya kahit in broad daylight eh kaya nilang gawin kasi kapag me nakapansin sasabihin lang nila na law enforcer sila at operation yang ginagawa nila....kung walang nakapansin eh di wala silang kahirap-hirap...

    good thing you're alright mugen....be thankful, there is Someone watching you from above...
    Last edited by 5Speed; September 4th, 2004 at 02:09 PM.

  20. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    618
    #20
    as much as possible wag tayo dadaan sa eskinita pag late at night na

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
my car was forcibly taken by highly armed men