New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 111
  1. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #1
    Last Sept 02, 2004 around 11:oopm was driving my Toyota Revo vx200j with plate no. XEZ-119, burgundy along kalentong – shaw blvd as a took left turn to J.B. Vargas going to addition hills when suddenly one new red Toyota Corolla blocked my way and pulled me over. Tagalugin ko nalang nahirapan akong magenglish eh….Hinarangan nila ako kaya napahinto ako. Nang biglang may apat na armadong mga kalalakihan na bumaba at tinutukan ako ng baril. Mahahaba ang mga dala nila M16 to be exact. Pinababa nila ako at tinanung kung may baril ako, sabi ko wala. Ang bilis ng pangyayari di na ako nakapalag nun. Lahat kasi sila may baril at handa na talaga akong barilin anytime. Tinatanung ko sila kung anung problema or kung may nagawa akong kasalan? Sabi nila wala, sabay bitbit sa akin at nilipat ako sa gitnang upuan ng revo. Tinabihan ako ng 2ng armadong lalaki at yuun isa na ang nagmaneho. Pilit nila akong pinapayuko medyo nanlaban muna ako. Tapos pinukpok ako sa may batok ng kung anu man yung matigas nay un, mukhang baril ata eh. Then naramdaman ko nalang umaandar na kami. Nagpakilala silang mga NPA at hihiramin lang daw nila yung sasakyan ko at isasauli rin nila pagkatapos nilang gamitin. I was very calm at that point. Medyo di ako makapaniwala sa nangyayari and di ko alam kung anung gagawin ko. Nakikipagkwentuhan nalang ako at kinukuha ko kung anu ba talaga ang pakay nila sa akin. Kinuha nila ang cellphone ko, wallet ko at kwintas ko. Tapos bigla kaming huminto, hindi ko alam kung saan lugar na ito, lumipat kami sa Toyota corolla na pula (yung humarang sa akin) pagkatapos tumuloy na sa pagandar. Sa pagkakaalam ko kasunod pa rin naming yung sasakyan ko. Di ko kasi alam dahil pinapayuko talaga ako. As in hanggang ngayon masakit pa batok ko pag yumuyuko hanggang sa sabi nila ibababa na daw nila ako at huwag daw akong titingin sa kanila kung hindi papatayin daw nila ako sabay batok sa akin. Pagtingin ko kung nasan na ako, lakad ako ng isang kanto Maria clara st. sa banawe nila ako binaba, sa may kanto ng genkis. So nagmadali akong pumunta sa may genkis para makahingi ng tulong. Pumasok me ng tazaa café at dun na ako nakitawa at sakto may mga pulis naman na nagaabang…

    Akala ko ng hindi na ako mabubuhay pa.. pasalamat nalang ako at buhay pa ako ngayon, hindi naman nila ako sinaktan or what kaunti lang naman. Napa blotter ko na kagad sa laloma mayon police station 1 yung pangyayari then inalarma na nila na nacarnap nga yun oto ko. Then from there pumunta ako sa mandaluyong para magfile ng police report. On Monday ill be going to crame sa TMG para sa alarm ba yun? Yun daw kasi kailngan ng insurance para mapalitan nila eh… buti nalang insured yung oto kung hindi ala rin.

    Tsikoteers, prayers nalang mahihingi ko sa inyo ngayon. Pasalamat manlang at buhay pa ako di ba.. hay?!... sige ito lang muna… at least naupdate ko kaya.. Ingat ingat po palagi… If ever naman please PM me your numbers sa cellphone kasi nawala nga phone ko. Thanks po..

    Moderators, di ko alam kuing saan dapat itong thread na ito eh.. bahala na kayo maglipat salamat!!!!

    Karl

  2. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #2
    damn....buti di ka nanlaban. 4 against one is bad enough, me baril pang dala!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #3
    anak ng teteng MUGEN...!!!!!!!!! mabuti't hanggang sakit sa batok lang inabot mo :whoa:

    hindi talaga tayo safe sa daan dito sa manila... haaaay.

    masaklap pa, malamang (sa tingin ko) may kinalaman sa sundalo o pulis yung mga yan,... hindi naman ata NPA yan talaga e

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #4
    karl, glad to know that you're ok. tama ginawa mo, bigay hiling nalang at wag pumalag. based on experience, that's the best thing to do in situations like those. ang kotse, cell phone, etc napapalitan, ang buhay hindi. sana mahuli mga hinayupak na yon!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    779
    #5
    WHATTA F%^&*

    sorry to hear that sir

    siguro holdap or kelangan lang talaga nila ng sasakyan, thank God di kinuha completley yung REvo mo sir

    tsk tsk tsk
    kaya ka nga nag kokotse eh para iwas din sa masasamang loob.
    Wala na talagang safe na lugar ngayon

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #6
    godbless pare.. ingat

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #7
    omiged.i thought it was just a joke..hinihinaty ko ung punchline....

    di ako makapaniwala nangyari ito sa isa satin...

    kahit talaga anong ingat mo, kung mamnalasin ka mamalasin ka talaga.

    keep us posted pare.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #8
    pareng mugen, buti at revo mo LANG ang nakuha at hindi ang buhay mo.
    so far tama lahat ng ginawa mo, at pina blotter mo, pabayaan mo na ang diyos ang humusga sa kanila.

    ang revo madaling palitan, ang buhay hindi.

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    973
    #9
    Pa misa ka at buhay ka pa.
    and sabi mo naman naka insure yung revo. hopefully e mabayaran ka agad.

    thank god yur still alive.

  10. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #10
    pare bad trip yang nangyaring yan ah. buti na din wala ka dalang baril. kung ako yung baka lumaban pa ako. we should watch out for guys like these.

Page 1 of 12 1234511 ... LastLast
my car was forcibly taken by highly armed men