New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 11 to 20 of 27
  1. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #11
    napapaisip naman ako...ngayon kasi nasa street lang nakapark ang sasakyan ko haayyy

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #12
    Originally posted by OTEP
    Those people should die a slow and agonizing death.
    Ilagay sila sa isang classroom na puno ng blackboards na kinikiskis ng kuko :dead:

    When our car was newly repainted last year, some fool poured acetone on the hood. Trip lang... :mad:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #13
    Marami kasing mga bata na hindi pinalaki ng maigi hehehe. Kaya pag may anak na kayo... spend time with them. hehehe

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #14
    Originally posted by pajerokid
    Marami kasing mga bata na hindi pinalaki ng maigi hehehe. Kaya pag may anak na kayo... spend time with them. hehehe
    Amen.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #15
    Karma would take care of them.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #16
    yup Karma na lang....malay nyo pagkaguhit nila sa kotse natin biglang masagasaan lang naman sila sa pagmamadaling pagtawid...sumalangit nawa sila kung magkaganun... :jump2: :evillaugh

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #17
    ingat lang talaga sa choice ng parking ng kotse...

    yung rav4 so far isa pa lang ang scratch... eh more then one year na yun...

    pero yung mazda medyo marami... lalo na at kulay dark blue kaya ang daling makita ng gasgas!!!

    minsan di rin naman nasasadya ng mga tao... baka naka maong tapos napadikit lang... eh dba may mga rivets yun? aray!!!

    ang nakakainis eh yung mga payong kapag tagulan... magbubukas ng payong tapos sisik sik sa rav4, edi ayun yung dulo tinatamaan ang may bandang bubong...

    yung iba naman wala talagang magawa... yung pastor namin, bumisita lang sa ermats niya tapos pinarada lang sa kanto yung tsikot. eh yung kanto pala na yun dun tumatambay yung mag babalot. ayun, inabutan nilang ginagasgasan ng bote yung altima. all around!!! ang lalim!!! imbis na binabalak nilang bigay ng t-shirt for x-mas eh napendeho pa.

  8. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #18
    Yep. Ingat lang sa pagpili ng pwesto.
    Meron na nga akong mapa ng mga matitinong pwesto sa Glorietta, Shangri-La, Megamall, etc. and I make it a point to park in those nice spots whenever I go to those places. Hayaan mo nang medyo malayo sa entrance, a little walking will be good for the health, diba?

    On the negative side, praning na akong pumunta sa mga crowded parking places. Nalilimit ko lang yung mga gimmicks ko to places with 'safe' parking. :-(

  9. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,243
    #19
    ingat din kayo sa pag park under the tree. May mga trees na me dakta na mahirap alisin. One time yung hood ko me dark stains, so pina carwash ko aba sabi nung naglilinis di daw niya maalis, buti na lang yung carwash me stain/grease remover kaya naalis.

  10. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    922
    #20
    dagdag lang horror story ko.

    naka park yung ek ko sa loob ng compound namin (sori ah, alam ko open parking blues to). yung isang anak ng kapitbahay namin umakyat pa naman sa hood (bagong lipat lang kami). sobrang likot! dami scratches. yung karamihan kaya pa siguro habulin. pero may isa dalawang dangkal ang haba, malalim na.

    sinabihan ko dad nya, todo apologize. gusto ko nga magalit at mag mura pero that's not a "neighborly" thing to do. gusto ko na ngang pipitin sa leeg nung bata kasi gigil na gigil na ako. pero ala naman ako magawa kasi bata eh. wawa naman. sheesh!!

    my only consolation is that my car is due for hilamos anyway. pero nainis ako kasi di naman sila maingat sa mga bagay na hindi sa kanila. ginawang laruan nya yung oto. feeling ko kulang lang sa disiplina. eh kung meron hindi sana nagkaganun.

    sorry ah, naglabas lang ako ng sama ng loob.

    moral of the story: kahit ano pa gawin natin sa mga rides natin. di talaga maiwasan ang swirls, gasgas, dimple, yupi, etc. prevention na lang is the best medicine. but if you have neighbors like mine ARRRGGGHH!!!

    i feel better now

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Open parking blues