New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 37
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #1
    Itong magaling na may-ari na ito nakakabulag ang lights nya. Nakasabay ko sya sa Magallanes paakyat sa mantrade kakaasar!!! Sobrang sabog iyong ilaw.

    Ano ba kasi itong fad na ito at hindi ayusin ng tama na hindi nakakasagabal sa ibang motorista? Haay naku.... Basta lang kasi makakuha ng usong ilaw na karaniwan sa mga luxury cars eh kukunin maski hindi naman babagay sa housing ng ilaw ng sasakyan nila.

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #2
    madami padin talaga ang walang alam sa kalsada kaya ganyan ang mentality nila.kaya kung pwede lang na dina dumilim para dina magamit yang super liwanag mga ilaw na yan e.bakit dipa kaya nila lagay sa mga oto nila yong ginagamit sa batsignal ni batman he he.para talagang maliwanag.

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    928
    #3
    kaya dapat pag nag papalit ang sasakyan ng stock headlights into HID, dapat dun sa alam talaga ang pagkakabit. kz yung headlight mismo nun eh hindi configured para sa HID. sa sabog talaga at ang lakas ng glare. dapat inaayos nila yung angle nang light para naman hindi masilaw yung ibang motorista...eh yung iba basta makabitan lang ng HID ayos na. bwiset!

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #4

    Napansin ko lang,- marami sa mga nagpapa-convert ng headlight to HID na ganito ang sistema,- heavily tinted ang windshield... Kaya kahit na kasalubong ka nila at mag-bright ka rin to tell them that their headlight is irritating,- okay lang sa kanila.... Malamang sabi nila sa sarili nila,- ayos, medyo lumiwanag pa ang harapan ko....

    Sana naman ay responsable ang mga ito na gawing tama ang pagko-convert nila
    ng headlights nila sa HID. Nakakaasar at delikado sa kalye....

    5101:pcwhack:

  5. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    2,840
    #5
    I got this statement from someone who wanted HID's on his stock headlight housing:

    "hindi naman ako yung masisilaw pag naglagay ako ng HID"

    According to the HID faq stickied somewhere here in tsikot,the only safe way to mount HID's is if it comes with a projector assembly. But then again, "HID kits" way cheaper at just 8k.

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #6
    isa na namang irresponsible owner yan na ang inuna eh ang sariling porma ride nila yan, yan ang katwiran nila at hindi sila ang masisilaw..... bright mo rin pag me nakasalubong kang ganyan, in my case i don't flash.... todo rin ang silverstar ko para lusot sa batok nya. kasi kung responsible yang mga yan they're going to aim it na equivalent lang sa low beam. the prob is yung ibang owner nyan alang hi beam.

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    182
    #7
    in one instance, I was at a stoplight, the other car was on the other side facing me waiting for the green light also. I flashed him to signify that his lights are too bright while also pointing at it from my car. You know what he did, he angled his car so it would totally be facing me with his HIDs at full blast...Aba, napundi ako... sa inis ko, pag "go" namin, pinitik ko ng konti papunta sa lane niya ride ko para malaman niyang he's not being considerate to others. Sorry people, I know that was wrong but..."napuno na ang salop" ikanga...

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #8
    Ako what I do kung di pa rin nila ilolow beam ang HID nila, high beam rin ako ng hella head and foglights ko. Automatic low beam sila hehehe

  9. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    487
    #9
    Ung adventure glx ko, pinalagan ko ng foglight sa may space nya sa bumber. Medyo tinaas ko ung angle para sa mga ganitong instances. Hindi ko naman sya ginagamit unless walang kasalubong or may makasalubong akong nakakasilaw ang headlight. On ng foglight, bright ng headlight, ayun! Pag ayaw nya magbaba, silawan na lang kami!

  10. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #10
    para saken kung ako lang mag isa baka gagawin ko din ang ginawa ni BUMAGS

    hehehe o kaya magpapakabit na din ako ng HID

Page 1 of 4 1234 LastLast
Ogag na may-ari ng ZDG 261 Honda City or Jazz' HID lights sagabal!!