
Originally Posted by
ronw123w124
Reminds me of a used Revo that I looked at some years back. Tinawagan ko yung may-ari upon seeing it sa ads, he claimed that super sariwa yung unit saka 30,000+ lang ang tinakbo (forgot the exact figure na sinabi sakin). Since familiar ako sa area nung seller I decided to make a "surprise" visit pero ako yung na-surprise, pagdating ko baklas ang dashboard when I asked kung bakit ganoon ang palusot eh nililinis daw, at that point duda na ako, nung binuksan ko yung hood nakita ko yung tag na nakalagay na nagpalit na ng timing belt a few months before with 97,000km at that time. Pagkakita ko nun umalis na lang ako habang di pa tapos yung seller sa mga boladas nya.