Beware of NISSAN GALLERY ORTIGAS! Imbes na ayusin nila kotse mo, gagawan pa nila ng sira para mapalaki gastos mo.
Actually, I already had a 2nd hand info about the malpractice of this 'casa from hell', via the net. Dami kong nabasang reklamo. But I gave them the benefit of the doubt kasi siyempre, i never tried their service yet. Besides, wala kaming choice kasi sila yung pinakamalapit na Nissan from our place and gusto talaga namin sa casa na ipatingin kasi ang nasa isip namin e mas mapipinpoint nila ang problem via their equipments.
Our primary concern was the hard starting and the stalling upon breaking of our car, which is a '97 Sentra SS. Nung nicheck nila, binigyan kami ng list ng possible problems nung SA. Dami nakalista, pati distributor assembly, need daw replacement which costs about 27000. sa SObrang mahal, we decided na ipagawa lang yung medyo mura sa list, which is linis ng throttle at palit ng idling screw adjuster. But after 5 hrs, wala daw silang ginawa kasi modified na dw yung throttle assembly, replacement na lang daw ulit ang solution.. WOW! Nabuwisit na kami, sige, spark plugs na lang palitan ninyo. So iniwan na namin sa 'casa from hell' yung kotse. Kinabukasan, ng balikan namin, wow ayaw na magstart! E nung dinala namin dun, nagsstart pa. Tapos umusok na yung sa bandang starter. Sabi, nagddiskarga na daw kasi ung battery at pati battery need na din daw ireplace at gusto ulit nilang ipaiwan ang kotse kasi hindi daw namin mailalabas yun ng ganun. Baka daw madisgrasya pa kami. Wow, at concerned pa. Tsk, tsk, gusto talaga nilang kumita ng malaki. E kala nila noob kami sa mga ganung bagay, kesyo ang alam nila e first time namin makapasok sa mga casa. Well, ang ginawa ko, I called Mang George, our suking talyer, then nagpadala agad siya ng tao niya sa mismong harap ng 'casa from hell'. Pagdating ng tao niya, nakatumpok na dun yung mga mekaniko ng casa at yung SA. Konting kalikot lang niya, umandar agad yung kotse. WOW! Natameme ang mga hunghang! Pahiya sila. Well, wala silang kinita sa amin. All they've got from us was our time and a big slap in the face nung nakita nilang umandar yung kotse.
This will be my first rant here and I hope its my last too. I'll just charge this to experience. I hope every Nissan car owners can read this.. Just a warning..


Reply With Quote

