New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 31 to 40 of 68
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #31
    Djerms yung tigpipiso na lang kasi ilagay mo wag yung tig singkwenta pesos na takip

    Potek sandaan din yun nanakaw sa akin noon

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #32
    actually, maraming beses na rin ako nananakawan ng mga ganyan eh. ke plain black o yung ibang klase ilagay mo, manenenok at manenenok pa rin yan.

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #33
    Talaga sigurong ganyan. Ako rin naman, ilang beses ng nananakawan ng takip ng pito at blind spot accessory mirror. Sabi nga ni Happy, kesehodang mamahalin na takip ng pito or yung tiglilimang piso lang na plastic na takip galing sa tindahan bisikletat, manenenok at maneneneok pa rin. Madaling tanggalin eh.

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #34
    Ilang beses na rin akong nawalan ng takip sa pito. The last time, I suspected that extra-helpful gas attendant who was very eager to inflate my tires.

    So now, every time na magpapahangin ako ng gulong, talagang bumababa ako ng sasakyan at binabantayan yung attendant. Hindi na ako nawawalan ng takip.

  5. FrankDrebin Guest
    #35
    Hindi mga skwa-skwa ang kadalasang kumukuha niyan. Mayroon din sa mga exclusive villages na mga spoiled brats ang kumukuha just for the trill.

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #36
    Quote Originally Posted by FrankDrebin View Post
    Hindi mga skwa-skwa ang kadalasang kumukuha niyan. Mayroon din sa mga exclusive villages na mga spoiled brats ang kumukuha just for the trill.
    Oo nga. Tapos pag wala nang thrill sa kanila yung ganun, magagaya na sila dun sa grupo ng mga carjackers na sossy. Ano na nga pangalan ng grupo na yun? Basta tanda ko puro sila galing sa mayamang pamilya.

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #37
    Quote Originally Posted by hyperthread View Post

    OT:
    Nung minsan naman sumama ako sa feeding program dun sa area na malapit sa SM North yung malawak na squatters area. Guess what, dinudukutan yung officemate ko nung isang batang pinapakain namin. tsk tsk..
    Aysus! Kaya naman imbes na maawa at tumulong mga tao, umiiwas na lang e. Imagine tinutulungan mo na and they still have the guts to do that? Haay.

  8. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #38
    nakakainis nga ang mga ganitong case. happened to me also before. ninakaw tatlong takip ng pito ng bighorn namin. 100 pesos yung bili ko ng 1 set (4pcs). kaya ginagawa ko ngayon hinihigpitan ko na ng mabuti ang cover ng pito gamit ng pliers. atleast kung manakaw man mahihirapan muna sila.

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,976
    #39
    Kaya ako, plain black lang ang mga pito ko. Kung mawala or manakaw man, at least hindi nakakapanghinayang. Yung mga vulcanizing shops, pwede naman manghingi, or binebenta nila (piso isa).

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #40
    Djerms, pito lang yan. Bili ka na lang ulit. Not worth the stress and anger.

Page 4 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Ninakaw Takip ng Pito ng Gulong Ko!!!