I was on my way back from Tagaytay at about 1:30pm today. From Tagaytay to Sta. Rosa, smooth sailing na. Approaching the Caltex construction site, ang haba na ng pila on both lanes going North. Was stuck there for about 45 minutes at a snails pace. Meron palang aksidente involving three vehicles pero I think the PNCC guys managed to move them all sa median. So kung tutuusin wala nang reason para ala-pagong ang andar ng mga sasakyan. Ayun, yun palang mga hunghang na di makatiis umusyoso, sila pala ang dahilan ng sobrang haba ng trapik. Man, even the guy in front of me managed to stop for a few seconds just to oggle at what happened. Para namang may maitutulong pa siya kapag umusyoso pa siya. Businahan ko nga ang bwiset! Same thing happened on the opposite lane. Para ngang mas malala pa kasi hanggang malapit sa Asian hospital ang haba ng pila.:freak: