
Originally Posted by
praetor91313
Ilang beses na nangyari sa kin yan, tinatakasan ako lagi ng nakatama sa kin, di binabayaran ang participation fee kaya kahit comprehensive ang insurance ko pag maliit lang naman at less than 3.5k ang gagastusin, di ko na dinadaan sa insurance...
Ang ganda pa kausap ng may-ari ng truck dati, may isang salita daw sya. Aba, nung tumatawag na ko para singilin ang participation fee, laging nasa meeting. Finally sinabi pa ng secretary na insurance na lang daw kausapin ko dahil may insurance naman daw sila. Nung tinanong ko number ng insurance nila, hahanapin daw at tatawag na lang sila. Syempre di tumatawag.
Ngayon, kung isa kang totoong tao, don't follow their example. Inamin mo naman na ikaw may kasalanan; naperhuwisyo din sila dahil di nila magagamit yung sasakyan nila ng ilang araw di ba? Lesson learned: extra ingat palagi, kahit sa parking. Mabuti nang malayo ang tantya kaysa tamaan yung nananahimik na sasakyan.