New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19
  1. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    220
    #1
    Yesterday around 4pm while cruisin' marcos highway, a st*pid bicycle rider bumped the rear right passenger side door of my vios

    The result...Isang pagkahaba-haba at pagkalalim-lalim na gasgas!






    Sobrang laking abala. We have to go and get a police report sa Ultra. Tapos yung may-ari ng bisekleta, wala daw maipambabayad. Mukhang pagtataguan pa ko pagkatapos makunan ng statement TSK! So malamang shoulder ko lahat ng expenses.

    QUESTION:
    Pwede bang papalitan sa casa yung buong door through insurance? I don't want to have it re-painted coz I know it will never be the same as it was when I bought it originally. Mga magkano kaya magagastos ko and gaano katagal kaya hihintayin ko?

    Also, tinawagan ko yung Manager ng Toyota, di daw sasagutin ng insurance yung damage since di pa fully paid yung premium when I already issued 3 post dated checks in advance From what I understand, considered as paid na yun! Bakit ganun? Please advise. TIA

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    1,980
    #2
    *babnoy...

    ganun talaga ang insurance.. you need to pay them in full in order to claim your damages. Your option is to get your post-dated check and pay them out-right. Hindi ba na explain sa iyo ng manager yan.

    Kung gasgas lang yan, i doubt if papalitan yan ng insurance... Kung isang pintuan lang yan.. baka mas konti ang hassle nya kapag sa auto shop mo na lang papaint yan.. I cannot see the actual damage.. baka walang 5K ang magagastos mo yan.. assuming na isang panel lang yan. There are good paint shop na kapag tumira you won't see the difference.

    IMHO, if ever papalitan yan ng pintuan, ganun din ang process, they will manually paint the door since wla naman color ang door kapag galing casa..

    Look at the positive side, at least yung bike ang nakabangga sa iyo.. kung opposite yan, naku mas sakit ng ulo.. alam mo naman ang mga yan peperahan ka pa nyan..



    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    Yesterday around 4pm while cruisin' marcos highway, a st*pid bicycle rider bumped the rear right passenger side door of my vios

    The result...Isang pagkahaba-haba at pagkalalim-lalim na gasgas!






    Sobrang laking abala. We have to go and get a police report sa Ultra. Tapos yung may-ari ng bisekleta, wala daw maipambabayad. Mukhang pagtataguan pa ko pagkatapos makunan ng statement TSK! So malamang shoulder ko lahat ng expenses.

    QUESTION:
    Pwede bang papalitan sa casa yung buong door through insurance? I don't want to have it re-painted coz I know it will never be the same as it was when I bought it originally. Mga magkano kaya magagastos ko and gaano katagal kaya hihintayin ko?

    Also, tinawagan ko yung Manager ng Toyota, di daw sasagutin ng insurance yung damage since di pa fully paid yung premium when I already issued 3 post dated checks in advance From what I understand, considered as paid na yun! Bakit ganun? Please advise. TIA

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #3

    Grabe talaga ang mga iyan,- bubungguin ka tapos ay hindi sila responsible sa damage na nagawa nila.... Heto na nga talaga ang sinasabi na "Tyranny of the Poor", if I remember the term correctly.....

    Dapat sa mga iyan ay ipakulong ng mahaba-habang panahon para magtanda. Kasalanan naman niya, di ba?

    5404:knit:


  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #4
    Kung walang pang bayad, dapat pwede kunin na lang yung motorcycle as collateral in exchange of cash.

  5. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    220
    #5
    Quote Originally Posted by ghosthunter View Post
    Kung walang pang bayad, dapat pwede kunin na lang yung motorcycle as collateral in exchange of cash.
    ok nga sana kung motorcycle kaso bisekleta lang po.

  6. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    3,346
    #6
    Dapat alam nyo kung ano ang mga iba't ibang klase ng bike at bike parts para alam mo kung pwede pang collateral.

    Good bike parts alone go to prices like > P1000. Bike commuters have plenty of those expensive blings on their bike.
    iam3739.com

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #7
    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    ok nga sana kung motorcycle kaso bisekleta lang po.
    Malas lang talaga. Nayari ka pa na pag hindi fully paid ineffective pa. Kung sasagutin na ng insurance pagtiyagaan mo na lang bayaran un participation.

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    820
    #8
    Just consider yourself lucky..let me put it this way.

    What if the bicycle rider fell on the pavement, hit his head, and went to comatose. I know who's fault it was, and I also know who needs to pay for it.

  9. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    98
    #9
    Quote Originally Posted by DonT View Post
    Just consider yourself lucky..let me put it this way.

    What if the bicycle rider fell on the pavement, hit his head, and went to comatose. I know who's fault it was, and I also know who needs to pay for it.
    Nice one..

    Your still lucky.. alam natin na kahit kasalanan pa nila ay tayo pa rin ang may kaso kapag grabe ang pinsala nila.

  10. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,773
    #10
    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    Also, tinawagan ko yung Manager ng Toyota, di daw sasagutin ng insurance yung damage since di pa fully paid yung premium when I already issued 3 post dated checks in advance From what I understand, considered as paid na yun! Bakit ganun? Please advise. TIA
    afaik if the arrangement for the payment of the premium is by installments and there was a partial payment then the insurance is liable. or if there is a credit term for its payment and the term hasn't expired, the insurance is liable upon payment of the premium.

  11. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    87
    #11
    ganun talaga... la tayo magawa sa mga yan.. mga bike, trycle driver hangang jeepney driver... kamot ulo na lang pag nakabangga... e sa wala talaga pang babayad... e kaso sila na nga mga walang pang bayad pag naka bangga sila pa ung mga kups sa daan - (di ko nilalahat pero based on my experience sa daan karamihan sa kanila ganun)..kakaasar talaga ngyare sa vios mo tol...may battle scar agad...tsk...yaan mo na, paayos mo na lang baby mo wawa naman eh...

  12. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    220
    #12
    Nakausap ko na yung in-charge sa casa. Sabi di daw talaga kame makaka-claim sa insurance kasi nga di pa bayad yung buong premium. Meron pa daw deductible na kelangan ma-satisfy. Also, mas makakamura daw kame kung wag na muna ipasok sa insurance dahil deep scratch lang naman daw. Dadalhin ko yung unit sa Monday para maipa-estimate. Most likely repaint lang daw nung buong door panel.

    Maganda kaya magpintura ng tsikot ang casa?

  13. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #13
    buti nga sa yo two months old na. yung sa ken kakasilang pa lang sa showroom wala pa one week ginasgasan na ng mga batang dumadaan sa amin. partida nasa loob ng compound yung bahay namin at dead end sa dulo yun. kainis :arghh:

  14. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #14
    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    Maganda kaya magpintura ng tsikot ang casa?
    Ipagdasal mo na lang. Hope for d best, expect d worst. Mahirap na kasi talaga mahabol factory paint.

  15. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    112
    #15
    alam ko kapag sa CASA ay per/panel ang babayaran mo...quote sakin dati, malaki/maliit na gasgas ay 3,500petot.

    dika ba binigyan ng touch-up paint? try mo muna himasin ng rubbing compound.

  16. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #16
    Hindi kaya kaya ng detailers ito? AFAIK, kung kaya ng rubbing, mas maganda dalhin sa detailers para tamang tama ang pagka rub.

  17. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    250
    #17
    sir kausapin niyo yun insurance mismo kasi yun vios namin nabangga siya 1week pa lang ng i-launch ng toyota halos wala pang parts na availble kami yata yun unang nagpasok sa casa ng ganun model kasi wala pa din plate. terms din yun insurance naka claim kami. wala pa din kayo participation dyan kasi wala pang 6 mos yun kotse ang binayad lang namin sa casa mga nasa 2t po. nawala sa align yun hood tsaka pinto tapos replace yun bumper and headlight.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #18
    Quote Originally Posted by Babnoy View Post
    Nakausap ko na yung in-charge sa casa. Sabi di daw talaga kame makaka-claim sa insurance kasi nga di pa bayad yung buong premium. Meron pa daw deductible na kelangan ma-satisfy. Also, mas makakamura daw kame kung wag na muna ipasok sa insurance dahil deep scratch lang naman daw. Dadalhin ko yung unit sa Monday para maipa-estimate. Most likely repaint lang daw nung buong door panel.

    Maganda kaya magpintura ng tsikot ang casa?
    Malabo yang casa na yan... dapat fully paid na yun... ginagawa kasi nila yung casa na ang nagbabayad in advance sa insurance company and then yung installment payment sa kanila lang ang bayad. Kaya mahirap ang ganyang "installment" sa comprehensive insurance, marami pang hocus-pocus.

    Pero tama din sya... mas mahal pa kung ipasok mo sa insurance yung bayad since magbabayad ka din naman ng deductible (1-2% of your car's insured value... kung 700K yung Vios mo that's 7-14K already). Ang repaint sa casa per panel nasa P5K lang siguro.

    Hindi mo na din kailangan ng police report. Kung sa insurance mo ipasok yan, sa liit ng damage kahit affidavit pwede na.

  19. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    181
    #19
    ok lang yan sir babnoy, mahahabol pa siguro yung factory paint kasi 2 months old pa naman.
    kami nga nabasagan ng salamin, mas masakit yun. tagal tagal dumating ng parts sa casa.

My 2 month old Vios, binangga!