New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 38

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    Uso na ba ito ngayon?

    Kumakain kami sa Mang Inasal. May mag ina na lumapit sa amin. May pushcart and sm supot sa cart (malamang props). Hindi ko pinapansin dahil gutom na ko. Hindi din pinapansin ni commander. Ayun nilabas ang palad at nanlimos samin. Hindi na lang pinansin. Nagmamadali din kami at busy day iyon.

    Akyat kami sa Jollibee to buy a float. Nasa pila ko may lumapit sakin. Penge daw barya. Ibibili daw niya ng Jollibee spaghetti anak niya. Hindi ko pinansin. Tapos nagsalita yung dispatcher sa radio na nasa ilalim ng polo ko. Ayun biglang umalis at hinablot yung kasama niyang bata na nakaupo sa nearby seat. Akala ata guard ako ng SM. Sa bagay, mukha naman akong sikyu and pareho kami ng bihis ng plainclothes security nila. Hehe,

    Dun naman sa Jonas sa 3rd floor (ibang araw na ito). Kumakain ako biglang may lumapit na naglalako ng kung ano anong native sweets. Bwiset.

    Hindi ba kaya icontrol ng management ito? Ganito na din ba sa ibang malls lately?

  2. Join Date
    Jan 2011
    Posts
    173
    #2
    Pabayaan nalang natin siguro, bwisit, wala naman tayong palag sa mga ito dahil pag tayo nagreact, magiging "Mapangapi" pa tayo, haaay

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #3

    Hindi na rin masala ng mga jaguar iyan sa entrance dahil maaayos din naman silang nagbibihis....

    Kahit sa Ayala Malls malamang ganyan din,- for example dito sa ATC.....

    16.4K:bond:

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #4
    Sa food court naman sa SM North EDSA may tatlong lalaki na kinakain yung mga tira-tira.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #5
    How about those with "letters" selling dried mangoes? Uso pa ba?

  6. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #6
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    How about those with "letters" selling dried mangoes? Uso pa ba?
    yup, nung thursday lang sa west ave pero iba-ibang pastillas. pero naaawa ako sa kanila. mukhang bata pa sila , freshmen pa ata. tapos mag gagabi na yung nakita ko malungkot yung mukha kasi lahat ng alukin niya wala namang bumibili.
    haay, ang hirap kumita ng pera.

    sa lahat naman ng malls may mga pulubi. sa trinoma dami din usualky may bitbit pang bata.

  7. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    316
    #7
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Sa food court naman sa SM North EDSA may tatlong lalaki na kinakain yung mga tira-tira.
    Nakakita na din ako nito sa SM North foodcourt, kinakain nila yung natirang food after umalis yung customers, though i find nothing wrong with it, at least di sila nagnanakaw.

    May pagkakataon na din na may nag-alok sa min ng sweets, sa SM Manila naman, saka yung nag-aalok ng mga novena ng mga santo, sa SM Baguio foodcourt.

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #8
    mahirap kasi sa mall security.. pano nila ma identify yan.. eh nakadamit nang maayos naman.. pano nila hindi papapasukin.. dapat may roving guards.. tapos pag nakita na ganon.. i escort palabas..

  9. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    6,502
    #9
    eto matindi sa may dela rosa car park 2 foreigner puti pero hindi american, lumapit sa akin sabi niya: "money for food"

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    Quote Originally Posted by CVT View Post

    Hindi na rin masala ng mga jaguar iyan sa entrance dahil maaayos din naman silang nagbibihis....

    Kahit sa Ayala Malls malamang ganyan din,- for example dito sa ATC.....

    16.4K:bond:
    meron nga sa ATC bro.... nakakadalawa na ako dyan eh.
    siguro, ang isipin na lang natin mas nakakaangat tayo sa kanila at tayo ay hindi namamalimos.

  11. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    507
    #11
    Sa parking ng gloria maris sa picc(floating resto), may lumapit saken na foreigner maayos naman itsura nya nadukutan daw sya sa pasay bus stations area pauwi dapat angeles pampanga, binigyan ko na lang 50 talent fee galing umarte eh kung sakali man di nga totoo...

  12. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    61
    #12
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    How about those with "letters" selling dried mangoes? Uso pa ba?
    Hehe. Madalas eto sa magamall. Namumukhaan ko na nga itong nga racketeers eh. Ang ginagawa ko, binubulsa ko yung sulat, sabay sagot sa kanila, "sige, antayin mo reply ko via mail."

    Sent from my PG41200 using Tapatalk 2

  13. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #13
    meron din kayang mga ganyan sa Tutuban, 168, Nova Mall?

    sa SM Fairview meron din. Kesyo wala daw pamasahe eh ang gand ang bihis.

    same reaction ako sa ganyan tulad ng mga nanlilimos sa kalye..... DEDMA!!!

  14. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #14
    Quote Originally Posted by chronophile View Post
    Hehe. Madalas eto sa magamall. Namumukhaan ko na nga itong nga racketeers eh. Ang ginagawa ko, binubulsa ko yung sulat, sabay sagot sa kanila, "sige, antayin mo reply ko via mail."

    Sent from my PG41200 using Tapatalk 2
    A few days ago lang, may na-encounter akong nagbibigay ng (solicitation) letter,- sa National Bookstore sa ATC....

    16.4K:bond:

  15. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    769
    #15
    Meron last year sa tapat ng La Salle. Foreigner na may cartolina na nakalagay na niloko daw siya ng Pinay.

  16. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #16
    Quote Originally Posted by Harangody View Post
    Meron last year sa tapat ng La Salle. Foreigner na may cartolina na nakalagay na niloko daw siya ng Pinay.
    meron isa napanood ko sa isa sa mga docu-series ng gma ata. french or german national siya na nagiikot lang sa may taft, ermita, malate, etc. niloko siya ng isang pinay. kasama ang pulis sa panloloko. sa angeles city siya naloko. ayun, hobo na siya sa pinas.

  17. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #17
    Quote Originally Posted by thejerk View Post
    meron isa napanood ko sa isa sa mga docu-series ng gma ata. french or german national siya na nagiikot lang sa may taft, ermita, malate, etc. niloko siya ng isang pinay. kasama ang pulis sa panloloko. sa angeles city siya naloko. ayun, hobo na siya sa pinas.
    napanood ko yan. yung ruso yung naloko ng kung sino-sino, yung aleman nag-invest sa KTV beerhaus, walang kinita. naubos 3M.

  18. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #18
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    napanood ko yan. yung ruso yung naloko ng kung sino-sino, yung aleman nag-invest sa KTV beerhaus, walang kinita. naubos 3M.
    ayun, mismo!

  19. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    769
    #19
    Yung iba naman kasi tatanga tanga talaga. Yung iba naman, masyadong abusado sa mabait.
    Last edited by Harangody; July 26th, 2012 at 01:10 AM.

Nanlilimos sa loob ng mall (SM San Lazaro)