New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 70
  1. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #1
    First of all I thank God dahil buhay pa ako at makakapag-share pa ako dito sa tsikot...

    When i woke up this morning, pagtingin ko sa wall clock namin 5:15 na, eh dapat mga 4:45 dapat nag-alarm na ang cellphone ko dahil papasok ako sa office..Nagtaka ako bakit hindi nag-alarm kaya hinanap ko yung cellphone since nilalagay ko lang lagi sa tabi ng higaan(btw, up and down ang bahay namin at mag-isa lang ako kanina at saka sa sala sa baba palagi ako natutulog) pero lahat na yata ng singit-singit ng higaan at sofa namin ginalugad ko na pero hindi ko nakita..kinabahan na agad ako dahil ako nga lang mag-isa at baka minumulto ako o kaya baka ninakawan kami kaya umakyat na ako sa taas para tignan ang mga gamit namin at pagdating ko sa kwarto ko nawawala na yung nirerepair kong laptop ng pinsan ko at nung pumunta ako sa kwarto ng parents ko lahat ng gamit nila nagkalat sa kama saka sa sahig tapos yung iba nasa garden na..Yung pintuan namin sa terrace bukas din..Lumabas ako sa bahay at nakita ko yung bintana namin sa harap malapit sa tinutulugan ko eh bukas kaya malamang dun pumasok yung mga magnanakaw..Ginamitan nila yata ng cutter yung vertical bar na manipis sa gitna ng bintana at dun sila pumasok..I'm just wondering why kung paano nila nabuksan yung bintana since hindi naman basag yung salamin at walang indikasyon na pinwersang buksan yung mismong frame na may latch..baka naiwan ko rin siguro na bukas..Take note maliit lang yung nilusutan nila kaya suspetsa ko kung hindi bata eh payatot yung pumasok at nag-iwan pa sila ng upos ng sigarilyo sa tabi..

    Lumabas agad ako ng bahay para abisuhan yung guard ng subdivision namin na ninakawan kami..Isa lang ang entrance ng subdivision namin at isa lang din ang naka-assign na guard.. Nung tinanung ko yung guard namin kung sino yung mga lumabas ng subdivision namin between 11 pm to 5 am, ang sabi nya yung jeep lang ng kapitbahay namin na papuntang airport daw ang lumabas at wala na daw iba..Tinanong nya kung bakit kaya sinabi ko na nilooban ang bahay namin kaya sinabi ko na tumawag siya ng mga baranggay tanod at mga pulis..

    Bumalik ako sa bahay para tawagan ang mom ko at para tignan kung may iba pang nawala na mga gamit..Nung nasa gate na ako lumabas yung isang kapit-bahay namin. Akala ko makiki-usi, yun pala pinasok din sila ng mga magnanakaw..Sinira yung sliding doors nila sa gilid at doon pumasok..Pero ang nakuha lang daw eh mga konting pera saka binuksan din yung sasakyan nila pero wala naman nakuha..Hinala nila nabulabog daw yung mga magnanakaw dahil tumunog bigla yung cellphone ng asawa niya - mga bandang 3am daw yun..Meron silang narinig na mga kalabog sa labas ng kwarto nila pero hindi nila pinansin dahil baka yung anak lang nila yun na magsi-cr lang daw..

    Mga past 7 na dumating ang SOCO para mag-investigate.. Afterwards, mga 9 am na, nalaman namin na hindi lang dalawa kundi tatlong bahay yung pinasok ng mga magnanakaw at yung isa pang bahay eh muntik na daw pasukin pero naudlot yata..

    Ok lang na ninakaw yung mga gamit kasi mapapalitan namin yun.. Ang mahalaga, yung buhay namin saka ang primary concern namin ngayon eh yung security namin dito..mapapabili tuloy ako ng cctv ng di oras..hayys

    Anyway, weather weather lang yan makakarma rin ang mga hinayupak na yan...Hayy buhay nga naman may mga tao talaga na ayaw pumarehas....Kaya mga guys ingat-ingat kayo palagi at wag maging masyadong kampante lalo na magpapasko..

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,068
    #2
    And Saan location mo?


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  3. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #3
    Rizal Area chief

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #4
    buti sir walang nangyari sa inyong masama. sir, ipabago mo na din yung mga locks ng pinto and bintana nyo imo lang.

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #5
    *ecneret

    buti nga sir walang masaman nangyari..di ko lang din maintindihan kung bakit hindi ako nagising ng time na ninanakawan kami..Either naisprayan ako ng pampatulog or talagang malalim lang ang tulog ko..

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,625
    #6
    Quote Originally Posted by xuv2010 View Post
    *ecneret

    buti nga sir walang masaman nangyari..di ko lang din maintindihan kung bakit hindi ako nagising ng time na ninanakawan kami..Either naisprayan ako ng pampatulog or talagang malalim lang ang tulog ko..
    possible din sir. kungdi naman, may sa pusa yung mga magnanakawa na yon...

  7. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #7
    Parang nakakatakot na nga akong matulog eh..baka mamaya bigla na lang kaming pasukin ulit tapos totodasin ka pa...masyado na talagang aggressive ang mga magnanakaw ngayon..

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,823
    #8
    Kaya kami mga property namin may mga guard, cctv at automatic lights na bumubukas lang pag may dumaan.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,557
    #9
    Or mag alaga ka ng aso

  10. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #10
    Dami na nakawan dahil lapit na Pasko.

    Dear senators of the Philippines, instead of doing useless political crap like ousting people from certain positions, how about a law that allows people to shoot burglars without legal ramifications?

Page 1 of 7 12345 ... LastLast

Tags for this Thread

Nakawan sa loob ng isang gabi