New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 91
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #1
    Hindi ba kayo na-i-irita pag may nakaka-salubong kayong kotse na parang flourescent floodlights yung headlights niya? Kulay puti talaga ang ilaw. Sakit sa mata, hindi mo tuloy makita yung dinadaanan mo.

    Gumaganti nga ako, kaya hina-high beam ko naman yung sakin para masilaw din sya.

    Dapat pinag-babawal ang mga ganitong headlights. Unsafe ito sa kalsada.

  2. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    73
    #2
    Quote Originally Posted by EL Chicane View Post

    Unfortunately marami ngang improper installations of HID sa headlights. I'm not sure if we have existing laws against using HID's on halogen designed reflectors. Pero ang sama talaga ng buga ng mga to.

    But intentionally putting your headlights to high beam para masilaw din sya also increases the chance na maaksidente kayo parehas. It will not contribute to the situation. Just try to look away na lang from his headlights and be a good example to other motorists. Yun pa lang ang magagawa nating to contribute to a safer driving environment.

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    528
    #3
    kahit mga nakastock na ilaw, yung iba kasi nakaHigh, malabo siguro low beam nila. ginagawa ko, medyo tingin na lang ako kunti sa kanan.. it works naman.

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    627
    #4
    Quote Originally Posted by EL Chicane View Post
    Hindi ba kayo na-i-irita pag may nakaka-salubong kayong kotse na parang flourescent floodlights yung headlights niya? Kulay puti talaga ang ilaw. Sakit sa mata, hindi mo tuloy makita yung dinadaanan mo.

    Gumaganti nga ako, kaya hina-high beam ko naman yung sakin para masilaw din sya.

    Dapat pinag-babawal ang mga ganitong headlights. Unsafe ito sa kalsada.
    nakow! nakakairita talaga yan.

    bwisit yang mga ganyang nagmomod ng oto o kaya yung mga laging naka high beam

    ginagawa ko eh nagsisignal ako through high-low flash nung headlight ko para malaman nila na nakakasilaw sila sa kasalubong

    kaso yung iba eh talagang tanga o walang pakialam

    kaya walang choice kungdi magslowdown at lumihis ng tingin ng onti para di masyadong masilaw

    minsan eh naiisip ko na sana me coke o shake ako na tira sa kotse para pagtapat namin eh mabuhusan ang mga walang kunsiderasyon na mga ito

    hayyyyy... ganyan talaga ang buhay sa pinas... salat na salat na talaga sa kagandahang asal tungo sa kapwa

    (teka... di ba me HID-related thread(s) na sa tsikot?)

  5. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    850
    #5
    Quote Originally Posted by redeemed View Post
    kahit mga nakastock na ilaw, yung iba kasi nakaHigh, malabo siguro low beam nila. ginagawa ko, medyo tingin na lang ako kunti sa kanan.. it works naman.
    agree on those that use stock lamps pero naka high beam palagi. sana walang ma-offend pero madalas ko nakakasalubong na ganito ay mga naka vios. ang laki naman ng reflector ewan bakit palaging high beam ang gamit. sana na lang kung hindi nila kaya magmaneho ng madilim, wag na lang lumabas. perwisyo pa kapag nakasalubong mo.

  6. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    122
    #6
    Mas nakakairita yung mga naka SUV tapos HID. Ang taas na ng ride nakakasilaw pa

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #7
    yung iba gusto lang "isigaw" sa mundo na naka-HID sila.....papansin.
    yayabang.

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #8
    Quote Originally Posted by thephantom View Post
    agree on those that use stock lamps pero naka high beam palagi. sana walang ma-offend pero madalas ko nakakasalubong na ganito ay mga naka vios. ang laki naman ng reflector ewan bakit palaging high beam ang gamit. sana na lang kung hindi nila kaya magmaneho ng madilim, wag na lang lumabas. perwisyo pa kapag nakasalubong mo.
    yung mga taxi madalas naka high beam. kasi busted na yung low beam ayaw pa palitan. sobrang pagtitipid.

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    353
    #9
    ok ang HID pero siguro yung 4300k lang kasi yung 3000k sobra dilaw, yung 6000k white na at yung 8000k grabe bluish na sya. napansin ko din kahit naka low basta HID pag malapit na malakas talaga ang ilaw. mas maganda yung angel eyes kasi hindi sabog ang buga unlike sa stock na multi reflector. at mas malakas at nakakasilaw yung naka 50w na HID unlike sa 35w

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    387
    #10
    One reason kung bakit naka high-beam yung iba dyan is because naka heavy tint yung mga front windshield nila kaya hirap sila makakita sa gabi. To compensate ayun nakatodo bright and ilaw nila.

    Example na dyan yung esmi ko. Fully tinted yung oto nya so sa gabi deretcho high beam sya. Ilang beses ko na pinagsabihan na kung may kasalubong mag low-beam sya kasi sigurado magagalit yung kasalubong nya. Ayun matigas ang ulo high-beam pa rin. Buti na lang sa weekend lang bumibyahe sa gabi si misis at di naman kalayuan so I hope konti lang napeperwisyo nya.

Page 1 of 10 12345 ... LastLast
Nakakasilaw na Headlights: kaka-irita!