New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 56

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    That was according to one of those "counter-flow specialists" along Tandang Sora.

    Nagmamaneho lang ako pauwi. Traffic ang opposing lane. Counterflow ang tricycle ni gago. Eh ako na kasalubong. Ayun ipit siya (alangan naman lumipad siya, diba?).

    Tapos nung nasa tapat ng pinto ko ang sama ng tingin saken (naka-crack ng konti salamin ko, maginaw kasi). Napatingin din ako sa kanya. Ang sama ng titig parang crush ako kaya binaba ko pa ng konti bintana at tinanong ko kung baket.

    Aba sinagot ba naman saken: "Nagsisimula ka ng gulo, eh!" (galit pa!). Sagot naman ako: "Ikaw na nga sumalobong, ako pa nagsimula ng gulo?"

    Sagot sa akin: "Anak-mayaman ka kasi!" (duh? Ano connect nun).

    Wala akong oras makipagtalo sa mga ganyan, nung kasya na sasakyan ko, umabante na ko.

    Sheesh. Ngayon alam ko na laman ng utak ng mga tarantadong ito (WALA! Ampaw amputcha!).

    *smile tayo lahat* :D

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,790
    #2
    Ganyan talaga pag mang-mang sa traffic rules ay nagra-rationalize na lang ng kung anong bagay. Dapat diyan ay tanggalan ng license. Pero...uhh...baka wala pa namang license.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #3
    medyo OT, pero related sa mentality nung gago. hehe.
    i met an accident a few days ago. naka double park kasi itong isang XLT sa isang very narrow street, so definitely hindi ako kasya. nag busina ako, hindi sya gumalaw (natutulog ata yung driver dahil naka-incline yung seats). medyo pinahaba ko yung busina, wala parin, di ko alam kung nagbingibingian yung driver, e ang lakas ng busina ko (2 pairs of stebel magnum2). so tinuloy tuloy ko na ang busina. dun lang tumayo yung driver, tumingin sa akin, sumensyas na kasya naman ako. anak ng teteng, anong akala nya sa patrol, kotse ni lastikman?!?! meron pa naman sidewalk vendor sa kabilang side!
    nung hindi ako gumalaw at tuloytuloy pa rin ang busina ko, inistart na nya ang sasakyan nya tapos umabante, so umabante na din ako. pucha bigla ba naman umatras! gusto palang idikit pa nya yung pagkakapark nya, e obvious naman na hindi pa rin ako kasya! ayun bumangga sya sa akin. thanks to the arb bumper at walang nasira, gasgas lang sa paint. malaki ang naging dent sa rear part nya.

    nung nagbabaan na kami at nagsisihan na at nagsasagutan, so natural, maglalapitan mga tao, bigla ba naman akong hiritan na porque't mayaman ka inaapi nyo na kaming walang pera! e ano bang nagawa ko sa kanya, e sya yung nakaharang sa daan at bumangga sa akin! ang nasabi ko nalang, kung ganyan ang mentality nyo walang mangyayari sa buhay nyo. tapos hindi na ulit ako nagsalita dahil kumukulo na dugo ko baka mapaaway pa ako.

    tapos nung pagdating namin sa police station, ang bait na ng loko. nagtatanong na sa akin kung kilala ko si ganito at si ganun (yung mga dati nyang naging amo), sabi ko mga relatives ko mga yun. tahimik sya ulit. hindi rin nya kinontest na sya ang me kasalanan.

    kinabukasan, schedule kami para ipa-estimate yung damage sa kakilala nyang paintshop. wala din palang pambayad ang loko. akala nya basta basta lang tatapalan ng pintura. sinabi sa kanya ng friend nyang pintor sa pintura palang parang per 100grams ata ang bayad or something like that. to cut the story short, P300.00 lang ang nakuha ko sa kanya.
    Signature

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    5,235
    #4
    iba talaga pag "hunk" ang dating.

    hehe... na extra na naman ako (lastikman) :D

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Hahahahaha. May dalawang friends na din ako (hindi nila kilala ang isa't-isa) na nagsabing kamukha ko daw si Vic Sotto minsan.

    Sabi ko meron nang Vic (si afrasay). Pwede na kong Oyoboy. (nakiki-ride on lang ako sa biruan, ha).

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #6
    sir boybi..otep..nakakaasar noh..?

    galing-galing nila magreason-out..kaya hindi sila umuunlad eh..parang ung pinsan kong fx driver. ang yabang-yabang pa.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,801
    #7
    langya, sila pa ang may ganang magalit ha! at ginamit pang panlaban ang pagiging mahirap nila?!

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,203
    #8
    lalo pang pinalala ni ERAP ang issue between rich and poor.
    in fairness, not all mahirap are like that and not all mayaman are like that. tiyempuhan lang.

    kaya lagi kang magbaon ng madaming PATIENCE and gun if you have : )

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    312
    #9
    Sa bacoor cavite, trycicle din ang nagpapasikip sa daan. Doon sa mambog-paliko, oneway pero sila lang ang nakakapasok against the flow. Kapag tama naman ang direction nila, di marunong pumila. Counter flow then biglang saksak sa harap mo. Pag nakasagi naman, kamot lang ng ulo or pagtutulungan ka.

    Sa Niog bacoor din, pag mahaba pila ng trapik, counter flow sila then saksak sa harap. Pag binusinahan mo, mayabang ka.

    Tama ka OTEP, ampaw ang mga bungo....in other words walang laman...in one word, BOBO...

    Marami akong kilala, mahirap lang pero di nagtatagal, umaangat ang buhay kasi nag iisip at masipag. IMO, Yung mga nagtatagal lang na mahirap is:

    1) may utak pero di ginagamit not to mention TAMAD
    2) walang laman ang bungo kundi hangin (YABANG). Lalo na kung TAMAD.

    Sensya na ha, madalas din ako mabiktima ng mga nilalang na yan e.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #10
    otep sana sinagot mo..
    "kahit naman traysikol (hehe) o kaya pedicab ang dala ko..
    mali ka pa rin!"

    boybi..
    ogag naman non..
    feeling nya sa kanya yung kalsada!

  11. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #11
    unfortunately, oftentimes ppl tend to listen to the one that shouts the loudest..even though what they shout doesn't necessarily make any sense

    my in law's van got hit by this jeep dati...clearly sila ung jeep me kasalanan -- the driver didn't contest this fact. There were no cops then(big surprise) so humingi na lang ng pambayad sa damage. La daw pambayad(again, big surprise)...umabot na nga sa point na kahit ung bracelet or relo na lang nga ung pamalit, kahit luging lugi na ung in law ko sa deal, ayaw pa din...ayun, kung anu ano na lang ang pnagssabi...kesyo mayaman daw kami, kaya namin sila ginaganyan. Funny thing is, evey time na tinatry namin kausapin ung mga nag aangal, lumalayo naman sila...ung mamang driver e tahimik lang.

    Their argument: mahirap lang sila, so kahit sila me kasalanan, di sila dapat magbayad

    Fact: sila me kasalanan, so sila dapat magbayad


    ganun naman style bulok ng iba dyan e...uunahan kang sisigawan at pagsasabihan ng kung anu-ano , kahit sila ang mali. Just counter their bullshit with cold, hard logic. Keep your answers loud, but respectful. Oftentimes they back down once they know na di ka basta basta nasisindak. Wag lang uminit ulo mo -- talung talo tayo jan B).

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #12
    hey guys, take a lesson from the dinosaurs!

    it may be that today we rule the world, but tomorrow those brainless creatures scampering around in the underbrush on their tricycles will!

    so kill the baztards before they do hehehehe!!!

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #13
    Pag maliliit na kotse ang dala sabay nakipag gitggitan, sasabihin nila di marunong mag drive, pag malalaking sasakyan nakipag gigitan sasabihin namang porke mayaman... eh san ba talaga tayo lalagay? Mas maganda pa yata Dump Truck na lang ang dalhin natin para siguradong ipit sila at pupulutin sa kang-kungan.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #14
    main reason I don't drive elsewhere in caloocan and in dagat-dagatan area he he

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #15
    Ganyan talga katwiran ng less privileged kababayan natin. They make an excuse out of being poor. Feeling nila api sila masyado, and eto excuse nila to get away with things.

    Pag ganyan pare, wag mo na patulan. Tama lang ginawa mo, at least medyo na-alleviate yung anger nung gagong yun.

  16. FrankDrebin Guest
    #16
    2 years ago, while waiting for the Meyc. Traffic aide for his signal, theres was this reckless and feeling-Vin Diesel tricycle driver na nag-counterflow tapos nung maiipit na siya biglang simingit sa harap ko...ayun nasabitan pa niya yung front bumper ng Civic.

    Edi baba ako. Inunahan ko na, sabi ko "Pare, bumangga ka sa akin, nakahinto ako kaya wala ka irarason sa akin." at hiningian ko na lang ng Php500 para matapos ang usapan at nagmamadali kasi ako. Hindi rin siya makaepal kasi nakita rin nung trapik aide, kakilala ko pa, yung nangyari kaya me witness ako.

    Sabi sa akin, "Bossing unang biyahe ko pa lang wala pa akong kita pagpesensyahan ko na lang daw."

    duh!? pwede bang ibayad sa pintor yung pasensya?

    E nakita ko yung 2 Bosch na busina (Yung may casing na itim at medyo malaki)...

    me - "Ah wala ka pang kita ngayon?", td - "Oo."
    me - "Wala ka bang pera dyan?"
    td - "Wala rin."
    me - "Sa iyo ba yang tricycle?"
    td - "Oo."
    me - "Yung busina mo na lang ang ibayad mo sa akin tutal wala kang pera dyan"
    td - nagisip,"Teka lang ho.", sabay halungkat sa wallet niya, "Aba, me payb handred pa pala ako. " Sabay abot sa akin.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #17
    Frank,

    nyahahaha.....hule!
    pwede na yan sa wow mali

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #18
    sa meycauayan, yung road from the pandayan brgy house papuntang mc arthur. dun sa may dentista dun (paglagpas nung car wash).

    dba masikip dun? ipapasok na niya yung kotse niya. ang tagal tagal at hindi rin makadaan yung mga nasa kabilang lane at naharangan ng gate. edi nung naka sulong na paloob umandar na ako. bigla ba naman gumulong pabalik at 1" na lang muntikan nang mabangga yung kotse.

    edi shempre bata pa ako nun, sigawan sila ng sigawan nung kung ano ano. kesyo nagmamadali daw ako eh sila na nga yung mali.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    312
    #19
    'Galing mo Frank!!!! hahaha!!!!

  20. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    67
    #20
    dami din ako experience na ganyan. madalas puro pasensiya na lang na bosing ang maririnig, malas ba kasi kadalasan driver nakakabunggo, maawaiin pa naman ako minsan. madalas din dyan sa lamuan marikina bago pumasok ng malanday, kung hindi counterflow sa kanan ka sisisngitan ng mga tricycle driver na yan, pag gipit bigla ka sisingitan sa harap mo. kaya dapat alert ka sa side mirror mo na hindi sila makakasingit.

Page 1 of 3 123 LastLast
Nagsisimula daw ako ng gulo