New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 11 of 11

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #1
    anong nakabutas sa gulong ninyo? sana nireport mo sa toll police since nasa toll gate ka pa pala

  2. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    200
    #2
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    anong nakabutas sa gulong ninyo? sana nireport mo sa toll police since nasa toll gate ka pa pala
    yung nakatusok sa gulong sir parang angle bar na nilagari ng mainis yung tipo na kahit na anong porma niya sa kaslada may tutusok at tutusok na part sa gulong, halos same din ata dun sa kotse na huling na flat di ko lang nakita kasi binunot daw nung kasama ng driver tapos hinagis sa may mga damuhan. hindi na namin na report dahil baka mahuli pa kami sa lakad namin. laki ng butas sa gulong kaya ginawa ko pinalagyan ko na ng interior sa loob at ginawa ko na lang reserba makapal na naman sana

  3. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    108
    #3
    spike.jpgkung parang ganito yung itsura ng nakadale sa gulong mo

    nadale na din ako sa lugar na yan pero matagal na 4 or 5 years ago na ata same scenario pagkalabas sa toll booth biglang dapa ang gulong angle bar na nilagare at parang spike talaga ang porma sibak ang gulong ko at habang kinukuha ko yung reserba may lalaki din na nagaalok sa akin ng segunda mano na gulong kasi di na daw kaya ivulcanize yung gulong ko. una alok niya lang vulcanize 400php daw kasi gasolina daw ng service nila at toll fee pag ikot ng service nila di ko din sila pinatos palit reserba lang ako kahit medyo malambot paglabas sa calamba nagkarga lang ako ng hangin sa gasolinahan na nadaanan namin ang gamit na service nila nun owner type jeep

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #4
    Modus yan.

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #5
    mga boss at sir, saang lugar ito? para ma warn tayong lahat sa ganitong klaseng modus

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    639
    #6
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    anong nakabutas sa gulong ninyo? sana nireport mo sa toll police since nasa toll gate ka pa pala
    +1. Tsaka pag ganun at sunud-sunod na yung nafla-flatan for sure modus na. Galing naman ni Manong tumiming at good samaritan sa lahat ng mafla-flatan.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #7
    Teka... diba medyo malayo pa yung toll gate nang Calamba exit?

    Paano nakapasok dun yung manong na sinasabi nyo?

  8. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    108
    #8
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699 View Post
    Teka... diba medyo malayo pa yung toll gate nang Calamba exit?

    Paano nakapasok dun yung manong na sinasabi nyo?
    ganito sir nangyari noong nabiktima ako niyan pagbayad mo sa toll booth may service lane/area right after nun tapos dun sila nakatambay ang sistema nila nung tinanong ko kung pano mavulcanize yung gulong ko sabi may service daw sila tinuro yung owner type jeep pwede daw ako sumama ang gagawin nila exit daw sa calamba tapos malapit lang daw dun shop nila tapos papasok sila sa SLEX after north bound at exit dun sa pinakamalapit na exit para maka U-turn sila pabalik ng calamba kaya mahal daw singil nila kasi 2 toll ang babayaran nila plus gasolina pa daw. kaso yung gulong ko di na napakinabangan sa laki ng tama. kaya bago mag toll booth alalay na ko tapos tinitignan ko talaga yung dadaanan ko baka may patibong

  9. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    200
    #9
    Quote Originally Posted by Bugoy King View Post
    spike.jpgkung parang ganito yung itsura ng nakadale sa gulong mo

    nadale na din ako sa lugar na yan pero matagal na 4 or 5 years ago na ata same scenario pagkalabas sa toll booth biglang dapa ang gulong angle bar na nilagare at parang spike talaga ang porma sibak ang gulong ko at habang kinukuha ko yung reserba may lalaki din na nagaalok sa akin ng segunda mano na gulong kasi di na daw kaya ivulcanize yung gulong ko. una alok niya lang vulcanize 400php daw kasi gasolina daw ng service nila at toll fee pag ikot ng service nila di ko din sila pinatos palit reserba lang ako kahit medyo malambot paglabas sa calamba nagkarga lang ako ng hangin sa gasolinahan na nadaanan namin ang gamit na service nila nun owner type jeep
    matagal na pala yan modus na yan biro mo last 4 years ago niyo pa na experience ang ganito parang ganito nga yung tumusok sa gulong ko pero angle bar siya na nilagari ng pa slant o 45 degrees kabilaan para may tutusok sa gulong

    Quote Originally Posted by Bugoy King View Post
    ganito sir nangyari noong nabiktima ako niyan pagbayad mo sa toll booth may service lane/area right after nun tapos dun sila nakatambay ang sistema nila nung tinanong ko kung pano mavulcanize yung gulong ko sabi may service daw sila tinuro yung owner type jeep pwede daw ako sumama ang gagawin nila exit daw sa calamba tapos malapit lang daw dun shop nila tapos papasok sila sa SLEX after north bound at exit dun sa pinakamalapit na exit para maka U-turn sila pabalik ng calamba kaya mahal daw singil nila kasi 2 toll ang babayaran nila plus gasolina pa daw. kaso yung gulong ko di na napakinabangan sa laki ng tama. kaya bago mag toll booth alalay na ko tapos tinitignan ko talaga yung dadaanan ko baka may patibong
    doon nga sila sa gilid nakatambay after ng toll plaza yung may parang waiting area owner jeep din na luma yung service nila na nakita ko pinagsakyan ng gulong doon sa na-flat na kotse. Ang mahal pala ng singil nila para sa vulcanize.

  10. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    42
    #10
    Sa C5 dati may modus din na ganyan may nambabato pa nga e

Tags for this Thread

Nagkataon lang kaya o Modus?