Results 1 to 10 of 11
Threaded View
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2012
- Posts
- 200
January 7th, 2014 12:23 PM #1May nakaranas na ba sa inyo ng ganito? Pagtapos namin magbayad sa last toll exit ng SLEX(calamba) bigla na lang na-flat ang gulong ng sasakyan naman tapos ang ginawa ko itinabi ko dahan-dahan para magpalit ng reserba. Habang pinapababa ko ang mga pasahero ko may lumapit na mama pwede daw niya akong tulungan at may vulcanizing shop daw sila sa malapit at may mga 2nd hand na gulong daw siya ng binibenta. Ang sabi ko naman may reserba ako ipapalit ko na lang pero si manong masigasig sa pagkumbinsi sa akin na ipagawa ko yung gulong sa kanila kesyo manipis na daw reserba ko baka maflat lang daw ako ulit, pero di naman niya ako napilit katwiran ko papagawa ko yung gulong pagdating namin sa lugar na pupuntahan namin. Mayamaya pa habang kinakalas ko yung gulong ng sasakyan namin ay may kotse naman na tumatabi at flat din ang gulong as usual si manong lapit agad at alok ng tulong nagkataon na pumayag yung may ari ng kotse kaya sila manong ang bilis kalas agad ng gulong tapos isinakay sa service nila sabay alis naiwan yung dalawang alalay ni manong. Matapos ko mapalitan ang gulong ng sasakyan namin at inilalagay ko na yung gulong na flat sa lagayan ng reserba may tumatabi na naman na kotse at mukang flat na naman yung dalawang alalay ni manong lapit agad at alok ng tulong samantala habang naguusap yung driver ng kotse at yung isang alalay ni manong yung isa nadinig ko na may kausap sa cellphone "bilisan niyo bumalik may na flat ulit" dito medyo nagduda na ako. Pero hindi rin pumayag yung pangalawang kotse na tulungan sila at sila din mismo nagpalit ng reserba nila. Ang hindi ko lang napansin ay kung saan toll booth nanggaling yung 2 kotse na na-flat ang gulong ako kasi galing sa 2nd from the rightmost na tollbooth. Sa loob ng humigit kumulang 30 minuto na pagpalit ng gulong at pagtambay sa may service area may 2 kotse na na-flat din tulad namin. Nagkataon lang kaya o may modus sila manong at may nakaumang na sharp object sa daanan. Yung laki ng butas sa gulong namin same din sa laki ng damage dun sa gulong ng last car na na-flat ang gulong nilapitan ko kasi sila tapos tinanong ko kung malaki din tama sa gulong nila, yung isa di ko na nakita dahil kinalas agad nila manong at dinala sa vulcanizing shop nila.
How about 97 LXi?
Civic horsepower