New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 29
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,147
    #1
    Nangyari ito dyan sa shortcut from Roosevelt going del Monte Avenue. At present kasi, yong usual route ay under construction, so some streets are one-way.

    Then itong L300 nakita kong pumasok sa one-way at kasalubong ako, full speed ako, sabay on ng headlights at bright. Preno ako, hinto rin sya, labas ako ng pickup, left the door open para di na magbusina ang kotse na nasa likod ko.

    Paglapit sa L300 kinatok ko twice ang bintana, tapos medyo astig ang itsura, with my left hand tinuro ko sign board na one-way street ito, bakit kayo pumasok....

    Strange, nasabi ko yon ng mild manner. Then came the reply, "sir, nagmamadali kami sa misa at late na kami", sabay turo ng white cloth on his lap. Nagkangitian na lang kami.

    Sa isip ko, susme pari pala, then I remember may chapel pala sa isang kanto na dinaanan ko, then I instructed his driver to back off and follow me.

  2. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,205
    #2
    sir RedHorse, ako yung kinabahan sa nangyari sayo.:lol:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,147
    #3
    hens,

    naisip ko nga rin yon, dalawa sila, mag-isa lang ako...

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    163
    #4
    okay ang twist ah!!
    biro mo astig ang itsura, pari pala.

    pero may suspense, hehe!

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #5
    mali pa rin iyon pari pa naman sya, alam nyang me misa sya eh di sana inagahan nila.

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    973
    #6
    sure k b na pari? bka sakristan o pinaglaba ng pari.

    kung pari yon talaga kukunan ko ng pix yung ride nya nag counterflow at kalat ko sa internet

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,494
    #7
    Bossing delikado ang ginawa mo ha. Eh kung may baril yun at bigla ka binaril.

    Dati nangyari na sa akin yan may nakasalubong ako one way lang kasi tapos binabaan ako kahit sya na mali pulis daw sya tapos kunwari maglalabas nang baril.

    Ang gago wala pa lang baril na kukunin sa baywang nya wala akong magawa kundi itutok yung baril ko sa kanya tapos hindi pala pulis nagpupulisan lang.

    Kinalabasan nya iyak sya sa presnto. hehehehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,206
    #8
    tama si qman...mas lalo syang mahiya, pari na nga tapos gagawa ng mali..

    hindi excuse ang pagiging pari para di sumunod sa batas trapiko...

    kung ambulansya pa yun at may isasagip na buhay..pwede yun.

  9. Join Date
    May 2004
    Posts
    129
    #9
    ok tapang ah hehe‹.. pero next time hayaan niyo nalang.. delikado na buhay ngayon at ang mga gumagawa kadalasan noon eh mga lokoloko...baka may baril... pero saludo ako sayo redhorse.. pinagtatanggol mo ang tama‹

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,308
    #10
    ayos ang tapang .. pero dapat hindi na kayo bumaba ng sasakyan at baka nabaril lang kayo.. or minsan yung mga driber ng fx eh hahampasin kayo ng tubo..
    ingat lang po..

Page 1 of 3 123 LastLast
Nag-CounterFlow, Hinarang ko