New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 33
  1. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #1
    kwento ko lang experience ko sa hit and run mga brad.

    this happened last year ago. 19 years old ako neto, hehe.

    nangyari ito nung pauwi ako eh. galing ako sa sta.lucia mall sa cainta rizal. i am residing sa angono rizal so medyo malayo pa going home. gamit ko yung GLS sport adventure namin. kasama ko yung dad ko may binili lang kami sa mall.

    nasa part na ako ng taytay rizal nung nangyari to, siguro mga 10pm na. malaki yung daan dun tapos downhill pa so medyo mabilis, 70kph lang naman speed ko. nung nasa may SM taytay na ako, nag bagal na ako to 50kph then suddenly may RED LANCER NA SUPER TAAS NA SPOILER ang lumabas sa parking. luma na ito, di ko alam kung anung model eh basta yung plate number is U ang start.

    nasa pinaka left lane ako nung daan then siya ay sa right lane after niya lumabas ng parking sa SM taytay at nauuna pa din ako sa kanya. (3 lanes yung daan eh tapos may U-turn slot dun) nasa right ko siya so go lang ako. then suddenly bumagal ako to 30kph dahil sa isang jeep na pumasok sa lane ko sa left. tapos bigla na lang BLAG sa right side ng adventure namin. nun pala binangga ako nung lancer, mag U-turn pala siya tapos binangga ako. di magkadikit yung sasakyan naming dalawa eh. lagpas ako sa kanya kasi bigla na lang akong binangga.

    so huminto na ako nun at bumaba to look for the damage sa car. tinginan nga yung mga tao sa SM dun sa may antayan ng mga jeep at taxi dun. nung nakita ko na, may guhit na pula yung right passenger door ko sa 2nd row hangang sa may fender below the side moulding tapos some part nung side moulding sa chrome part eh may red na guhit din tapos basag yung wheel cap ko na may logo ng mitsubishi. nakahinto din yung lancer at di bumababa yung driver. lalapitan ko na yung lancer then suddenly umandar sya dun sa U-turn slot at tumakbo.

    so eto na nga nag-init ulo ko. sumakay agad ako sa sasakyan sabi ko "pa tumakbo eh, tara habulin natin!" so si papa game naman. sabi "sige nak habulin mo, gago yan ah. bahala ka na kung anu gagawin mo." eh di nag U-turn din ako at nag hazard, hinabol ko siya. nakalayo agad eh. nakarating kami sa hiway to tikling (boundary of taytay and antipolo rizal) madaming sasakyan don at bumagal si lancer, naabutan ko na at nasa right lane ako nasa left siya pero nasa likod pa din ako. di pa din ako hinihintuan nung lancer kahi businahan ko na. so habang umaamdar kaming dalawa at nandun lang ako sa right side nya sa likod. tapos nakita ko bigla na may bottled container ng chiz whiz dun sa cupholder sa may kambyo na nakalagay. (naiwan siguro ng ermats ko yun dun.) so ayaw nya huminto talaga kahit anu gawin ko eh. hinawakan ko na yung bottled chiz whiz then binaba ko bintana at ibinato ko sa windshield niya sa likod, ayun basag salamin niya. HAHA. tapos biglang preno ako tapos ako naman ang nag U-turn.

    ayun quits na kami. ayaw nya huminto sakin eh, hehehe.

    kinabukasan hinilamusan ko yung damage sa adventure. ginamitan ko lang ng paste wax, medyo lumabo yung mahabnag guhit na pula at after 5 days natangal na. tapos nagpunta na lang ako sa planta ng mitsubishi sa cainta para dun sa wheel cap. humingi ako ng isa. binigyan naman nila ako.

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    118
    #2
    haha...ang bilis ng karma :O

  3. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #3
    ^ tinuruan ko lang ng leksyon yun sir haha.

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,266
    #4
    Mas mahal pa ngayon yung damage nya?

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    1,531
    #5
    Buti hindi ka hinabol at batuhih din salamin mo? Hehe

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    528
    #6
    tsaka sir, buti wala syang baril. pano kung nagdilim paningin nya at hinabol kayo?

  7. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #7
    Hayop. Idol ka pare. :hysterical:

  8. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #8
    Buti hindi nasangga ng SUPER TAAS NA SPOILER nya yung chiz whiz mo. :bwahaha:

  9. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    1,214
    #9
    Quote Originally Posted by BratPAQ View Post
    Mas mahal pa ngayon yung damage nya?
    korek sir, hehe. ayaw kasi nya huminto sakin eh.

    Quote Originally Posted by bratski View Post
    Buti hindi ka hinabol at batuhih din salamin mo? Hehe
    takot din yun sir siguro. kasi kung hindi, at the 1st place di naman sya tatakbo eh. alam niya kasing mali siya una pa lang. nasa right ko siya nung una tapos ako nasa inner left tapos mag U-turn pala siya, ayun nabangga niya ko. eh diba dapat kung mag U-turn siya nag inner left lane siya. alam nia din yung mali niya sa tingin ko. :D

    Quote Originally Posted by redeemed View Post
    tsaka sir, buti wala syang baril. pano kung nagdilim paningin nya at hinabol kayo?
    hehe, di siya humabol sir eh. chaka chumempo ako nun. sa bago mag U-turn slot ko siya binato (yung car ko) tapos yung kotse niya plagpas U-turn slot na. eh di di siya kagad makaka U-turn kung hahabol man siya sakin, next U-turn slot pa siya makaka U turn kung hahabol man siya sakin. maluwag na yung daan kasi gabi na nun eh kaya naka U turn din ako kagad after ko siya batuhin tapos hataw na ako, wala naman ako nakitang humahabol. chaka sa iba na ako dumaan para di sakin maka sunod, kabisado ko daan eh. HAHA. nag isip din muna ako bago ko bumato. nagdilim din paningin ko kaya ko nabato eh haha. :D

    chaka tingin ko wala din siyang baril. dapat di siya tatakbo kung meron diba, hehe. eh ang nangyare siya pa yung natakot at tumakbo eh.

    pero pwede din baka di taga dun sa may bandang samin yung lancer, di ko na talaga nakita ulit eh.

    Quote Originally Posted by Chikselog View Post
    Buti hindi nasangga ng SUPER TAAS NA SPOILER nya yung chiz whiz mo. :bwahaha:
    HAHAHAHA. di naman. malas ko nun kung tumama sa spoiler at di sa salamin nya. di ko pa nga ulit nakikita yung lancer na yun dito sa rizal eh. palatandaan ko yung spoiler niya na yun eh. siguro after ng incident pinatanggal na niya hahaha.

    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Hayop. Idol ka pare. :hysterical:
    hahaha. di naman pre. di ko sana gagawin. eh siya tong hit and run sakin eh. para quits lang kami. eh sa nagawa ko mas malaki pa damage niya. eh siya kasi eh haha.

    kinabahan pa nga erpats ko, di daw niya akalain na ibabato ko yung lintek na chiz whiz na yun, hahaha. :D



    dagdag pala sa kwento. nung naka uwi na kami nun kinabukasan hinanap ng ermats ko nasan daw yung chiz whiz, sabi ko "ma wala naman sa sasakyan eh, baka na ubos nyo na" sabi lang "ah ok, pero lam ko talaga nasa sasakyan yun." HAHAHAHA.

  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    528
    #10
    sabagay, maluwag nga naman...

    malamang malaking chiz wiz yun sir ano? hehehe!

Page 1 of 4 1234 LastLast
my own experience sa hit and run.