New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    May 2008
    Posts
    4
    #1
    Hi. I'm new here. Just venting my frustration hehe sorry.

    Last night around 8:30 PM I was on my way home with my driver. We were at Quirino Ave near Osmena Highway. The driver decided to go straight instead of turning left to Osmena. May 4 lanes sa part na yun. 4 stoplights din; 3 na <- papuntang Osmena and 1 for the rightmost lane para straight. Nasa rightmost kami and naka GO light. Yun papuntang <- nagturn yellow na. So straight kami... suddenly may motorcycle na palapit nang palapit sa left side amin galing sa Osmena (may maliit na road sa may Quirino Ave. na doon daw siya banda nakatira.. I forgot the name of that road) then bigla bumangga sa left side ng car namin and gumulong siya sa road.

    Fortunately he's ok. May mga tao nakakita and 2 MMDA people. Nagtagal yun usapan kasi sinasabi ng driver ko na yun motorcycle yun nakabangga... and vice versa. (Although sa observation ko yun motorcycle talaga nakabangga.. hindi ako bias pero yun talaga). Sabi ng motorcycle driver na GO light din daw sa side niya kaya nag left turn siya papuntang Quirino at papasok sana siya sa small road na yun. Alam naman ng MMDA na GO light din sa amin. Di lang nagtagal yun MMDA lady na yun at uwi na raw siya kasi time off na nya. May kagawad ng barangay na yun na tumutulong din sa amin mag negotiate.

    Gusto ng motorcycle driver na i-settle na ito.. no charges, no money involved kahit na gumulong daw siya basta makauwi na raw siya. Ayan din talaga gusto ko since alam ko na hindi kaya bayaran ng motor driver yun damages (BTW tanggal ang left side mirror namin plus basag yun mirror nun, then yun left side doors may yupi and long scratch) sabi ko need ko lang ng mga copy of license and registration and statement then ok na. But....

    Since first time ito nangyari sa akin I called my parents and my friends for advice. My dad said I need to get the motorcycle driver's copy of license, copy of registration and a police report for insurance. (I understand my dad he's just being strict to me para may learning experience ako) Kung di raw ako makakuha ng police report ako daw magbabayad lahat. Clueless talaga ako and very stressed. E mahirap since walang nag aaminan. Tumawag na rin dad ko sa insurance and tinawagan na rin ako ng insurance (medyo late na) na kung wala talaga di bale nalang gagawa na lang sila ng paraan but too late I called the police earlier para lang sa police report.

    Nagtagal yun usapan until 11+ PM hanggang sa may nakarating na mga police. Dinala kami sa may port area tapos doon ulit nagsulat ng mga statements yun two drivers. Sinabi ko nalang na tama na settle na natin walang singil and same rin sabi ng motor driver. Nakipag shake hands pa ako sa kanya and sa kasama niya. So ok na... until sa paglabas ko..

    Last minute bigla naisipan ng motor driver na singilin ako ng 1k for his motorcycle damages. Nagdadahilan na may mga witnesses pa raw siya (ewan pero area nya yun e kaya marami siyang connections doon). Sabi ko 100 nalang at binigyan ko ng 100 para tumigil na pero nangungulit parin, Nilibre ko na nga sa kanya yun 150 pesos worth of pictures ng motorcycle nya e at wala na rin talaga akong pera. Mga 10 minutes nangungulit. Di ako makaalis kasi may attitude talaga ako na pity, being naive, untalkative or something like that until sa di ko na matiis. Umuwi nalang ako at gumawa pa siya ng mga dahilan na "Para kang hindi Pinoy nasa Pilipinas pa naman tayo" and "Bahala ka.." pero nakipagshake hands ulit kami bago umalis. Malaking abala for both sides...

    I didn't sleep well last night just because of that and nakakastress until now, although I should really stop thinking about it because it's over. Maybe it's because I really lack actual experience regarding this matter. But to all of us I hope that we'll be much more careful on the road.

    Thank God nobody was really hurt badly... but I hope and pray that the motorcycle guy is ok.

    Feel free to post your comments, suggestions, violent reactions haha..
    Last edited by badradlad; May 9th, 2008 at 06:59 PM. Reason: minor details :P

  2. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #2
    Hay naku! motorcycle na naman! Grabe talaga yang mga yan, kala mo kung sinong magaling kung makasingit. Kaya nung ako ang binangga ng motor, di talaga ako pumayag sa "pasensya na lang", talagang pinabayaran ko sa kanya kung ano ang estimate na binigay sa kin nung talyer na pinagpapagawan ko.

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    86
    #3
    Dapat lang kasi puro MB mga tsikot mo, nice one.
    Pero dapat talagang yung naka- motor ang magbayad ng damage dun sa kotse kasi siya ang nakabangga. Charge to experience...
    I have the same incident way back 2001, nung student pa ako. I was driving my GF's car, tapos nung paliko kami sa left, binundol kami ng corolla sa driver's side ko. Na-damage yung door ko tapos nabasag yung salamin nun. Pero yung bumper ng Corolla hindi man lang nagasgasan.
    Sabi ng MMDA mag- settle na lang kami, pareho kami may driving license pero yung sa akin student's pa lang, dun kami tinakot nung nakabangga sa amin kaya pumayag kaming magpa- areglo. Sabi ipa- estimate daw yung damage tapos tawagan namin sila para mabayaran kami since nagmamadali daw sila. Pumayag kami pero nung tinatawagan namin, busy yung number, tapos yung address na binigay sa amin, iba ang nakatira at wala daw na ganung pangalang nakatira dun. Ako na ang nakapagpaayos nung kotse.

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #4
    pangasar talaga yung mga motor riders na irresponsible! nag yabang pa ng dating ng lokong yun???!? sana nakipagmatigasan ka sir.

    sa kwento mo, sa side ang impact, hindi kalakasan kasi ok naman yung nasa motor,in other words... siya talaga yung may mali. kung ako yun, since may paper na statement, aalis na lang ako.

    hassel nga yan sir!

  5. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #5
    Patigasan dapat. Kaya ako nung nakabangga ako ng tricycle go din ako stop sya, pinabayaan ko lang. Pinagamot ko yung passenger pero yung driver hindi. Ganyan talaga mahihirap pakapalan ng mukha.

  6. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #6
    basta ganyan sir dont show your "mapagbigay" na ugali .. naku kukulitin kayu nyan unless ikaw may kasalanan ..

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #7
    you should have taught that rider a lesson! sana kinasuhan mo! Im also a rider but i despise riders who are abusive and irresponsible! napapansin ko napakadami na ngayon ng irresponsableng motorista! mapa-motor man o kotse! saka hindi ko maintindihan sa mga nagmomotor kung bakit parang ang hirap tapakan ng preno at magmenor o huminto kapag naghintuan na yun mga nasa-unahan! bakit kelangan pa humanap ng butas at lumusot? common sense lang naman na kaya huminto yun nasa unahan eh dahil may tumatawid na tao o sasakyan tapos sisingitan at ipipilit na right of way nila!

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #8
    ang hirap sa mga ganyan...sila palagi ang tama pag mga auto ang makabangaan nila...ako din dati may experience na ganyan...nag overtake yun rider sa kanan...nakita ko sa side mirror and pagdating niya eh pakanan ako nun....so nag stop nako eh siya tuloy tuloy hangang sa ginamit niya ang kamay nila panangga so ayun wasak ang side mirro ko tapos sugat ang kamay niya...in short pinagamot ko yun rider tapos yun angkas niya sabi pa na ako yun mali...sabi ko nga eh saan ka ba nakakita mag overtake sa kanan? ....dapat sa kaliwa...ever since ma ingat nako if there are motorcycle rider sa paligid ko...hindi naman sa inilalahat ko pero majority are irresponsible riders talaga..dapat pag sila ang mali be man enough to accept and be responsible for the damages you have caused.

  9. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #9
    I wouldn't be surprised. Some people refuse to admit blame simply so they won't have to contribute to the insurance participation. Ito din naman ang mga klase ng tao na inaabot ng katakot takot na malas eh. Gaya niyan, MC rider -- madali makarma yan. Isang dunggol lang ng truck o bus diyan ... you know the drill.

    Kung hindi naman talaga sure kung sino may kasalanan, OK na din to agree to disagree and just claim from insurance -- sila na bahala kung may chance sila makabawi by suing. You pay them more than enough annually and it's their role to be the fiscalizer. Kaya don't lose sleep over it -- kasama talaga sa pagmamaneho yung ganyan eh.


  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #10
    Quote Originally Posted by pup2 View Post
    I wouldn't be surprised. Some people refuse to admit blame simply so they won't have to contribute to the insurance participation. Ito din naman ang mga klase ng tao na inaabot ng katakot takot na malas eh. Gaya niyan, MC rider -- madali makarma yan. Isang dunggol lang ng truck o bus diyan ... you know the drill.

    Kung hindi naman talaga sure kung sino may kasalanan, OK na din to agree to disagree and just claim from insurance -- sila na bahala kung may chance sila makabawi by suing. You pay them more than enough annually and it's their role to be the fiscalizer. Kaya don't lose sleep over it -- kasama talaga sa pagmamaneho yung ganyan eh.


    Tama naman si bro pup2 riyan.... Bihirang-bihira na may umamin na kasalanan niya pagdating sa mga ganyang aksidente sa pagmamaneho.... Talaga yatang nasa tatak nating mga Pinoy iyan.....

    Agree to disagree na lang pareho... Kanya-kanyang claim ng insurance.... Sobra nga lang abala sa party na wala namang kasalanan dahil sa participation fee ng insurance at abala (pera rin dahil liliban sa trabaho) sa pagpapagawa ng sasakyan.... Karma na lang ang katapat sa driver na may kasalanan at ayaw umamin...

    Ako, pag may motor akong napansin sa aking side mirror na mukhang gustong lumusot at agresibo sa tingin ko,- pinapalusot ko na lang... Pero, medyo talagang nakakainis dahil walang linyang sinusunod sila.....

    6000:mobile:

Page 1 of 2 12 LastLast
MY car got hit by a motorcycle last night (Quirino Ave)