New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    HALOS sumuko na ang mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatalaga sa panulukan ng Sen. Gil Puyat Ave. at Roxas Blvd. sa lungsod ng Pasay sa patuloy na pamamayagpag ng mga "watch your car boys" na umano'y bataan ng mga "chocolate boys" o mga traffic enforcers ng pamahalaang lungsod.

    "Nakikita niyo naman sir, wala silang ginagawa para tulungan kami sa pagsasaayos ng trapik tapos kami pa ang ginagamit niyan sa pangongotong," sumbong sa Taliba kahapon ng hapon ng MMDA traffic supervisor na kinilala la-mang sa apelyidong Tolen-tino.

    Nabatid na isinasangka-lan umano ng mga watch-your-car boys ang mga traffic enforcer sa kanilang paniningil ng P40 sa bawat sasakyang paparada sa tapat ng Philippine Trade Training Center at World Trade Center. Wala ring resibo o ticket na ibinibigay ang mga "watch your car boys" na umano'y protek-tado ng mga pulis sa lugar.

    "Sir, P40 po talaga ang singilan dito kasi yun ang sabi sa amin ng mga "chocolate boys" at saka nagbibigay pa kami sa MMDA at sa pulis," ayon sa isang watch-your-car boy.

    Nang pagharapin ng Taliba ang dalawang MMDA enforcers at ang mga "watch your car boys," nag-iba na ang kuwento.

    "Hindi sir, walang kinalaman ang MMDA dito. Yung mga "chocolate boys" lang at yung umiikot na mobile ang tinutukoy na-min," anang isang watch-your-car boy.

    Tinangka ng Taliba na tawagin ang isang "cho-colate boy" na naunang nakitang nakikipag-aga-wan ng saging sa isang vendor subalit mabilis itong tumakbo at naglaho sa ila-lim ng Buendia-Roxas Blvd. flyover.

    Reklamo naman ni Tolentino ng MMDA na ilang ulit na nilang tinangkang pakiusapan ang mga "chocolate boys" na tumu-long sa kanila sa pagsasa-ayos ng trapiko sa lugar subalit hindi umano sila pinakikinggan ng mga ito.

    "Minumura pa nga kami ng mga 'yan sir. Mga sal-bahe yan. Wala raw pakialam ang MMDA sa kanila kasi magugutom raw sila pero kita n'yo naman dalawa lang kaming nag-tutulong sa pagtatrapik dito," ani Tolentino.
    "Ang masama niyan sir, kami pa ang ginagamit nila sa kalokohan nila."

    Nabatid na isa umano sa mga itinuturing na "gatasan" ng mga pulis at "chocolate boys" ang Buendia-Roxas Blvd. area kung saan naroroon ang Pier 1 Bar, World Trade Center, at Philippine Trade Training Center na dinadagsa ng maraming tao sa tuwing may exhibit.

  2. #2
    Hehehe surprise surprise. Kaya ako pag pumumunta sa WTC, sa parking lot ako nagpapark at maaga ako pumupunta para iwas pila.

  3. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    1,267
    #3
    kasi ayaw pasapaw kay Bayani Fernando ang ilang Metro Manila mayors...

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,636
    #4
    modus operandi na talaga yan kahit saan. ewan ko ba. kakaiba na yung mga watch your car boys ngayon kasi may flat rate na. wala namang resibo at di naman sa kanila ang lupa na pinaparkingan mo. di ka naman makahindi kasi baka pagtripan auto mo. Diyos na lang bahala sa kanila.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #5
    dapat naman talaga MMDA lang ang may hawak ng traffic sa metro manila...kaya nga may MM yung MMDA eh..METRO MANILA.

    etong si mayor atienza naman naki salo pa sa mga matitigas na ulong mayor. wala rin naman improvement sa traffic ang manila...dami pa rin di hinuhuling violators... namimili na nga sila ng huhuliin eh... karamihan sa PUV di na hinuhuli eh sila pa naman yung kadalasan sumusuway sa batas trapiko.

MMDA suko sa kawalanghiyaan ng Pasay 'chocolate boys'