New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 70

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #1
    First of all I thank God dahil buhay pa ako at makakapag-share pa ako dito sa tsikot...

    When i woke up this morning, pagtingin ko sa wall clock namin 5:15 na, eh dapat mga 4:45 dapat nag-alarm na ang cellphone ko dahil papasok ako sa office..Nagtaka ako bakit hindi nag-alarm kaya hinanap ko yung cellphone since nilalagay ko lang lagi sa tabi ng higaan(btw, up and down ang bahay namin at mag-isa lang ako kanina at saka sa sala sa baba palagi ako natutulog) pero lahat na yata ng singit-singit ng higaan at sofa namin ginalugad ko na pero hindi ko nakita..kinabahan na agad ako dahil ako nga lang mag-isa at baka minumulto ako o kaya baka ninakawan kami kaya umakyat na ako sa taas para tignan ang mga gamit namin at pagdating ko sa kwarto ko nawawala na yung nirerepair kong laptop ng pinsan ko at nung pumunta ako sa kwarto ng parents ko lahat ng gamit nila nagkalat sa kama saka sa sahig tapos yung iba nasa garden na..Yung pintuan namin sa terrace bukas din..Lumabas ako sa bahay at nakita ko yung bintana namin sa harap malapit sa tinutulugan ko eh bukas kaya malamang dun pumasok yung mga magnanakaw..Ginamitan nila yata ng cutter yung vertical bar na manipis sa gitna ng bintana at dun sila pumasok..I'm just wondering why kung paano nila nabuksan yung bintana since hindi naman basag yung salamin at walang indikasyon na pinwersang buksan yung mismong frame na may latch..baka naiwan ko rin siguro na bukas..Take note maliit lang yung nilusutan nila kaya suspetsa ko kung hindi bata eh payatot yung pumasok at nag-iwan pa sila ng upos ng sigarilyo sa tabi..

    Lumabas agad ako ng bahay para abisuhan yung guard ng subdivision namin na ninakawan kami..Isa lang ang entrance ng subdivision namin at isa lang din ang naka-assign na guard.. Nung tinanung ko yung guard namin kung sino yung mga lumabas ng subdivision namin between 11 pm to 5 am, ang sabi nya yung jeep lang ng kapitbahay namin na papuntang airport daw ang lumabas at wala na daw iba..Tinanong nya kung bakit kaya sinabi ko na nilooban ang bahay namin kaya sinabi ko na tumawag siya ng mga baranggay tanod at mga pulis..

    Bumalik ako sa bahay para tawagan ang mom ko at para tignan kung may iba pang nawala na mga gamit..Nung nasa gate na ako lumabas yung isang kapit-bahay namin. Akala ko makiki-usi, yun pala pinasok din sila ng mga magnanakaw..Sinira yung sliding doors nila sa gilid at doon pumasok..Pero ang nakuha lang daw eh mga konting pera saka binuksan din yung sasakyan nila pero wala naman nakuha..Hinala nila nabulabog daw yung mga magnanakaw dahil tumunog bigla yung cellphone ng asawa niya - mga bandang 3am daw yun..Meron silang narinig na mga kalabog sa labas ng kwarto nila pero hindi nila pinansin dahil baka yung anak lang nila yun na magsi-cr lang daw..

    Mga past 7 na dumating ang SOCO para mag-investigate.. Afterwards, mga 9 am na, nalaman namin na hindi lang dalawa kundi tatlong bahay yung pinasok ng mga magnanakaw at yung isa pang bahay eh muntik na daw pasukin pero naudlot yata..

    Ok lang na ninakaw yung mga gamit kasi mapapalitan namin yun.. Ang mahalaga, yung buhay namin saka ang primary concern namin ngayon eh yung security namin dito..mapapabili tuloy ako ng cctv ng di oras..hayys

    Anyway, weather weather lang yan makakarma rin ang mga hinayupak na yan...Hayy buhay nga naman may mga tao talaga na ayaw pumarehas....Kaya mga guys ingat-ingat kayo palagi at wag maging masyadong kampante lalo na magpapasko..

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #2
    And Saan location mo?


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  3. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #3
    Rizal Area chief

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,620
    #4
    buti sir walang nangyari sa inyong masama. sir, ipabago mo na din yung mga locks ng pinto and bintana nyo imo lang.

  5. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #5
    *ecneret

    buti nga sir walang masaman nangyari..di ko lang din maintindihan kung bakit hindi ako nagising ng time na ninanakawan kami..Either naisprayan ako ng pampatulog or talagang malalim lang ang tulog ko..

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    1,620
    #6
    Quote Originally Posted by xuv2010 View Post
    *ecneret

    buti nga sir walang masaman nangyari..di ko lang din maintindihan kung bakit hindi ako nagising ng time na ninanakawan kami..Either naisprayan ako ng pampatulog or talagang malalim lang ang tulog ko..
    possible din sir. kungdi naman, may sa pusa yung mga magnanakawa na yon...

  7. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    351
    #7
    Quote Originally Posted by xuv2010 View Post
    *ecneret

    buti nga sir walang masaman nangyari..di ko lang din maintindihan kung bakit hindi ako nagising ng time na ninanakawan kami..Either naisprayan ako ng pampatulog or talagang malalim lang ang tulog ko..
    uso ngayon yung meron inispray sa loob ng bahay para makatulog tao (pati aso kung meron) kaya free sila makapasok at gumalaw...

  8. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #8
    Kaya kami mga property namin may mga guard, cctv at automatic lights na bumubukas lang pag may dumaan.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #9
    Or mag alaga ka ng aso

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #10

    Dapat pag may nahuli kayo,- sampolan na ninyo para matakot ang mga magnanakaw sa area ninyo....

    17.1K:chop:

  11. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #11
    Dami na nakawan dahil lapit na Pasko.

    Dear senators of the Philippines, instead of doing useless political crap like ousting people from certain positions, how about a law that allows people to shoot burglars without legal ramifications?

  12. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    2,209
    #12
    di ba pwede barilin yung trespassing? alam ko pwede e.

  13. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    25,276
    #13
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    di ba pwede barilin yung trespassing? alam ko pwede e.
    Yup. Kaya nga lawyer na magaling lang kelangan mo.

  14. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #14
    Quote Originally Posted by robot.sonic View Post
    di ba pwede barilin yung trespassing? alam ko pwede e.
    legally no, unless you see him holding a weapon and attacking you. pero kung magaling lawyer mo ligtas ka.

  15. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #15
    Quote Originally Posted by foresterx View Post
    legally no, unless you see him holding a weapon and attacking you. pero kung magaling lawyer mo ligtas ka.
    kung may balak ka tapusin pwede mo rin gawin sinasabi ni shadow, mag-plant ka ng knife sakanya

  16. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #16
    Theoretically dapat pwede, pero may nakausap ako na abugado..in reality daw hahassle in ka talaga diyan, depende talaga yan sa abugado...isa pang problema mo diyan yung buwelta ng mga kagrupo ng mapapatay mo...pinakamaganda talaga diyan mag ingat at mag alaga ng rottweiler o kaya fila brasileiro...

  17. Join Date
    Feb 2010
    Posts
    31
    #17
    What if kung katulad nung sinabi ni forester - minor yung nanloob sa bahay nyo tapos pag may nangyari o di kaya kapag napatay mo edi liable ka pa tapos ikaw pa sasagot sa palibing??what the heck? eh nowadays, talamak ang pagamit ng mga sindikato sa mga minors bilang accomplices para pag nahuli dswd lang ang bagsak..

    R.A. 9344 = FAIL

  18. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    1,711
    #18
    ang security ng haws hindi mo naman talaga pwede i-asa sa guard ng subdivision, paano kung taga subdivision din ung mga magnanakaw, e di sa report ni guard walang pumasok at lumabas.

    kung kaya naman ninyo ay try nyo mag alaga ng aso ung pwede mag stay sa loob ng haws. ung cctv kasi pag nakapasok na sa loob ng haws i-video mo lang ung magnanakaw, pero ang alaga mong si bantay kakahol para sa magnanakaw hindi na makapasok sa loob ng haws.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #19
    Quote Originally Posted by jave View Post
    Dami na nakawan dahil lapit na Pasko.

    Dear senators of the Philippines, instead of doing useless political crap like ousting people from certain positions, how about a law that allows people to shoot burglars without legal ramifications?
    Pwede naman ah, trespassing and endangering your life. Barilin mo na agad pag nakita ko magnanakaw sa loob ng property mo...

    Kung gusto mo makasigurado plant mo ng kitchen knife pag mapatay mo na...


    Sent from my iPad using Tapatalk HD

  20. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #20
    ^ Wala ba pwede i-kaso sayo dun?

Page 1 of 3 123 LastLast

Tags for this Thread

Nakawan sa loob ng isang gabi