New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    dumadami na ang mga gawain ng mga kapwang nating drivers na nakakapag init ng ulo talaga. andyan na yung mga nag c-counterflow, yung mga bwakaw sa daan, yung mga de wangwang na hindi naman legal, yung mga lumalabas sa gabi na walang ilaw or yung kabaliktaran naman, yung nakakasilaw naman, mga motorcycle drivers na kahit na nakadamage ng ibang ride e tuloy lang sa pagtakbo etc.

    pero eto tayo, dinadaan na lang sa pag post ng rants dito sa tsikot.

    ano ba ang pwede nating gawin actively, para mabawasan naman itong mga drivers na ganito? nakakainis kasi e dumadami ang lahi nila. meron ba tayong pwedeng pagsumbungan na aaksyon talaga? pwede ba tayong mag campaign para mas ma educate pa ang dumadaming bilang ng mga drivers dito sa atin?

    iniisip ko nga e sana man lang yung mga adds ng mga car produts ay may kasamang driving for dummies tips, kaso syempre mahal bayad sa commercial.

    so ano na nga ang pwede nating gawin? o ganito na lang talaga tayo, release na lang natin ang angst natin dito sa tsikot hoping na mababasa ng mis-informed/poorly trained or just plain reckless driver yun or somebody na kakilala niya?

    pasensya na... medyo frustrated, halata ba?

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #2
    sakit na ng sociedad yan.since nag start sa magulo or alang takot sa batas ang mga tao, mahirap ng mabago talaga unless yong mga batas na nagawa e maimplement ng tama (yong me pangil talaga, alang kinikilingan).yon at yon nalang ang nakikita kong paraan dyan.strict implementation of the traffic rules and regulations.diman matanggal mababawasa naman.

    manhid na mga tao sa puro dakdak lang.pati mga agency na dapat pagsumbungan e mga tengang kawali din sila.reform talaga kailangan sa mga agencies nayan like the PNP, LTO blah blah.

    just my 2cents

  3. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #3
    tama ka (+1 to VTEC). kahit maghimutok at maglitanya tayo dito buong araw, wala tayong magagawa. hindi naman natin sila mapipilit magbago para sumunod sila sa batas. ang kailangan ay yung kamay na bakal, at dapat takot sa authority ang mga tao para sumunod.

    wala tayong magagawa para sa kanila, sa totoo lang. ang magagawa natin ay sumunod tayo sa batas at protektahan ang ating sarili kapag tayo ay nagmamaneho.

  4. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #4
    Ang pwede natin gawin eh wag natin sila gayahin.....kung may kakilala tayo na gumagawa ng ganyan eh pagsabihan natin....darating din yung time na magsisisi rin sila sa ginawa nila....

    Dito kasi sa pinas medyo matatatagalan pa para magbago ugali mga pinoy sa paggdrive.....ang dali nga makakuha ng license dito....

    Kung pwede nga dapat mga 1 year training sa pag da drive.....

    Parang yung politica dito sa pinas.....Able to read and write carry na..............Kaya tingnan nyo Senate to Barangay level :bwahaha:

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    354
    #5
    Kahit konti meron pa... Kung isang kotse na meron blinker at wala naman convoy singitan na yan... a few minutes nka off na yun..hehehe Na try ko sa isang blue Mit. Evo. with a pair of white blinkers...

  6. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #6
    sana merong disiplina yung mga taong yan, road courtesy ika nga
    haaayyy so far konti lang yung ganun dito eh

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #7
    Road rage is a Global problem no doubt. I guess it is inherent with the increased influx of cars which has staggeringly increased in the last decade.

    I bet that most do not know that road rage is also a hypertensive problem that has a direct link to the daily food that we eat . Most, if not all, of our daily food contains sodium/salt, sugar or caffeine three of the most common ingredients that aggravate hypertension.

    Most vehicles have either softdrinks or coffee in them to keep the drivers alert. That's caffeine and sugar.

    Most of us also drive our cars through fastfood windows or to eat out. That's sodium. Lot's of it.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,328
    #8
    Quote Originally Posted by sirmykel View Post
    sana merong disiplina yung mga taong yan, road courtesy ika nga
    haaayyy so far konti lang yung ganun dito eh
    Road courtesy? Kukunti na ang nakakaalam sa words na ito. The best way is, drive defensively.

  9. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    227
    #9
    Active information campaign kaya? Like Tsikot taking the issues to the street level. Puwede siguro magpa-print ng mga listahan ng mga common rants natin dito sa forum. Alin ang dapat iwasan at ang mga solusyon na dapat gawin ng bawat isa. Maybe some kind of Tsikot representation could give away these leaflets to selected street corners. Ngayon, kung tanggapin man nila o hindi. Umayon man sila o hindi. Hindi na siguro importante yun. Ang dapat lang ay maiparating natin ang saloobin ng common Pinoy driver. Malay natin, baka tablan. But I have to agree, kung may kamay lang na bakal ang nagpapatupad ng mga batas trapiko dito sa atin na walang kotongan na involved, aba e lampas kalahati siguro ng mga sasakyan sa Pinas ang mai-impound. Very common naman kasi na silang nagpapatupad ng batas (MMDA, PNP, City traffic enforcers), na yung mga kalye na NO U-TURN, NO LEFT TURN, at kung minsan NO ENTRY, sila pa ang nagpapasimuno ng labag sa batas. Sa kanto lang ng Lacson at Espana, araw-araw na ginawa ng Diyos, ganun.

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #10
    Sana nga kung may dumami ang law enforcers tayo na matitino ano? Kaso lang konti na nga lang din sila. Kung bibigyan sila ng authority na maging matigas sa panghuhuli, nakikini-kinita ko na na yung iba diyan ay mag po-power trip naman.

    Maganda nga siguro kung magkakaroon tayo ng information campaign no? Feasible kaya yun?


    Kasi kung maghihintay tayo ng taong may kamay na bakal na magpapasunod sa ating lahat e parang wala na nga talaga tayong hinihintay pa. Kung i-wish lang natin na magkaroon ng disiplina lahat, e hanggang wish na lang siguro yun, hangga't hindi na re-realize ng karamihan na kapag gumagawa sila ng shortcuts para mapabilis ang pagpunta nila sa paroroonan nila, somewhere along that traffic e, pinapatagal naman nila ang byahe ng kanilang mga kaibigan o kamaganak. O kaya naman maaaring makadisgrasya o madisgrasya sila sa ginagawa nila.

Page 1 of 3 123 LastLast
May pwede ba tayong gawin?