Papasok ako ng alas tres ng madaling araw papuntang trabaho nung linggo. Tumatakbo ako sa kahabaan ng Aurora, naka green ang ilaw papatawid ng Edsa papuntang E. Rodriguez kayat tuloy tuloy ako ng biglang may taxi na humarang sa way ko galing sa opposite way. kumabig ang taxi papakaliwa at di ko na naiwasan dahil biglaan ang ginawa nya at di ko naman inaasahan na may gagawa nun sa Edsa. Binaligtas ako ng driver at sabi ay galing daw cya ng farmers at naka yellow daw nung tumawid cya sa akala nyang walang nakakita, pero may mga pulis pala sa lugar at nakita ang bigla nyang pagliko. Nag radyo ang mga pulis sa mga traffic investigator sa karingal para kunan ng litrato ang pangyayari at nang matapos ay dumiretso kami sa karingal. Nagtataka lang ako kasi, hindi tinikitan ng mga pulis ang driver ng violation at ako pa ang unang dumating sa karingal at inabot ng 2 oras ang driver bago dumating, naligaw daw cya at di na nya dala ang taxi nya nund dumating siya. Nakakuha naman kami pareho ng pulis report pero sa tingin ko ay wala namang sustancya ang mga nilalaman ng pulis report. Patulong naman kung ano ang pwede kong magawa para naman mapagbayaran ng abusadong taxi ang ginawang abala sa kin kahit di na ako bayaran bastat ma perwisyo ko rin cya. salamat po.