Results 1 to 10 of 14
-
July 26th, 2006 08:23 PM #1
Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang dalaga makaraang mabundol ng Pajero habang patungo sa inaplayan nitong trabaho kahapon sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Comatose ngayon sa San Juan de Dios si Leslie Torres, 26, ng 120 Cuneta Avenue, Pasay City sanhi ng pinsalang tinamo sa ulo nito at katawan.
Sa imbestigasyon ng Pasay City Traffic Bureau, alas-11:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng fastfood chain ng McDonald sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Ayon kay Elmer Torres, 24, kapatid ng biktima, magkakapit-kamay silang tumawid ng kanyang kapatid sa pedestrian lane sa nasabing lugar at nagtigilan na ang ilang mga sasakyan ngunit sa huling bahagi ng tawiran ay bigla na lamang sumulpot ang humaharurot na maroon na Mitsubishi Pajero na ‘di naplakahan.
Nagulat na lamang si Elmer nang mawala sa pagkakahawak sa kamay ang kanyang kapatid at nakita na lamang niya na nasa kabilang lane na ito, may 15-metro ang layo.
Bagama’t nabasag ang headlight at nayupi ang bumper ng Pajero ay mabilis pa ring pinaharurot ng ‘di nakilalang driver ang sasakyan nito.
Ayon kay Elmer, nakatakda sanang interbyuhin ang ate nito sa inaplayang trabaho bilang waitress sa isang malaking restaurant subalit naudlot ito dahil sa pagkaka-hit and run dito.
Nanawagan naman ang pamilya ng biktima sa driver ng Pajero na sumuko at harapin ang nagawang insidente.
-
-
July 26th, 2006 11:57 PM #3
Hindi kaya NTV777? hehehe. Maroon daw, eh. Saka hindi niyo makikita plaka nun kasi under tinted glass.
Condolence to the victims.
Kanina may Tamaraw FX na maroon din na nakabundol naman sa tapat ng Wilcon Depot sa Balintawak. Sino ba naman kasing baliw ang tatawid dun eh 8 lanes of fast moving cars yun. Ang lapit lapit lang ng overpass.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
July 27th, 2006 12:43 AM #4
delikado talaga tumawid diyan sa lugar na yan. kahit nga sasakyan nakakatakot tumawid, kung galing kang mcdo tapos punta sa kabilang side. para kang nakikipagpatintero kay kamatayan.
-
July 27th, 2006 01:09 AM #5
otep: hahahahahahahaha!
wawa naman yung nabundol. sana nga lumabas na kung sino man yung nakabundol na yun
-
July 27th, 2006 01:33 AM #6Kanina may Tamaraw FX na maroon din na nakabundol naman sa tapat ng Wilcon Depot sa Balintawak. Sino ba naman kasing baliw ang tatawid dun eh 8 lanes of fast moving cars yun. Ang lapit lapit lang ng overpass
-
July 27th, 2006 08:35 AM #7Originally Posted by OTEP
Seriously, I just said my prayer for the victim.
-
July 27th, 2006 09:05 AM #8Originally Posted by OTEP
Kanina may Tamaraw FX na maroon din na nakabundol naman sa tapat ng Wilcon Depot sa Balintawak. Sino ba naman kasing baliw ang tatawid dun eh 8 lanes of fast moving cars yun. Ang lapit lapit lang ng overpass.
anyway, medyo hassle pero at least ok na naman yong nabundol.
-
July 27th, 2006 09:15 AM #9....tumawid ng kanyang kapatid sa pedestrian lane sa nasabing lugar at nagtigilan na ang ilang mga sasakyan ngunit sa huling bahagi ng tawiran ay bigla na lamang sumulpot ang humaharurot na maroon na Mitsubishi Pajero na ‘di naplakahan
-
July 27th, 2006 09:18 AM #10Originally Posted by swordsman
the triumph of man over... man!, using the crudest of implements (by modern standards).
Traffic!