New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 22
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #1
    napadaan ako kahapon sa may one san miguel avenue corner shaw malapit sa may traffic lights. galing ako kc ng megamall kaya doon ako dumaan papuntang pioneer kaso ang bilis ng traffic lights kaya na natigil ako ng matagal sa tapat ng one san miguel avenue building. maya-maya may kumatok sa bintanan na isang bata na nagbebenta ng sampaguita kaso imbes na bentahan ako eh humighingi ng pera kc di pa raw cya kumakain. bibigyan ko sana kaso nakita ko sa kabilang bangketa(sa tapat ng lourdes school) yung tila mga magulang ng batang sampaguita vendor kya di ko na lang cya pinansin. sa bandang harapan ko may isang bagong honda civic na wala pang plaka at mukha pang kalalabas lang sa casa at katulad ko meron ding isang batang sampaguita vendor na nakadungaw sa passenger window ng sasakyan nya pero di katulad ko, binigyan nya ng coins yung bata di ko lang alam kung piso o limampiso o sampung piso yun kc mga 8pm na ng gabi yun. ciguro wala pang isang minuto pagkatapos nyang bigyan ng pera yung bata eh walang kasabi-kasabing biglang iginuhit yung coins na bigay nya dun sa passenger side ng body ng bagong bago nyang honda civic(aray ko po!!!) bigla nga cyang bumusina kaso biglang nag go na yung traffic lights kaya cguro di na rin nya nilabas kaso pagkatapos nya at pa pa go na rin ako, yung bata naman sa passenger window side ko ang nagwala at pinag susuntok yung sasakyan ko. ciguro nainis kc nga di ko cya pinansin #*##* bad trip!!! at gaya ng honda civic sa unahan ko, di na rin ako bumaba at tumuloy na lang maka lagpas sa intersection na yun. buti na lang at di ako nagbigay ng coins kundi magagaya ako sa honda civic na yun. parang ako yung may ari ng civic na yun kc sagad to the bones ang sakit sa kin dun sa ginawa sa sasakyan nya sinulat ko to para maging isang babala sa mga dumadaan sa kalyeng yan. ang moral lesson, wag magbigay ng coins o piso kundi de papel na lang para iwas gas-gas

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    919
    #2
    haba ah, parang isang buong sentence kwento mo hehe..

    medyo notorious dyan hanggang sa may shaw-edsa. daming mga pakalat kalat na beggars. tapos minsan may taong grasa pa na nambabato. o kaya mga nag t-trip lang. kaya ako pag nandyan ako sa area na yan eh medyo malayo ang distance ko sa kotse na nasa harap ko, para pag lumapit sa akin na beggar eh i aabante ko yung oto ko, iwan sya ngayon.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    681
    #3
    tingnan mo nga naman ang mga yan oh!

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #4
    nakikita ko sila jan pero kapag nakasakay ako ng fx
    sila sila din ata yung mga yun. grabe naman pala ugali nila
    pero only in the philippines ika nga...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    647
    #5
    araw araw ako nadaan dito ah. ingat ingat lang mga tsikoteers.

  6. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,189
    #6
    ingat talaga kayo diyan kasi naka rugby ang mga yan
    wag niyo nalang bigyan ng pera pang rugby lang nila yan

  7. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    240
    #7
    Ouch.....

    Grabe wala kang magagawa sa mga yan. Araw araw din akong nadadaan dyan kaso sa opposite lane.

    Meron pa dyan na matanda na bulag na may dalang stick... to navigate thru the cars and traffic.... Imagine nyo na lang na tatamaan ng stick yung kotse mo ng ilang beses tapos sabay hingi sayo ng barya.

    Sa may kanto din na yan, may isang pamilya ng beggars na parang dun na mismo nakatira.

  8. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    818
    #8
    Naku kaya pala may guhit yung gilid ng sasakyan namin at baka galing dyan sa sinsabi mong begars yung gasgas. Di lang siguro namalayan ni misis. dyan lagi dumadaan wife ko at sa may richmond sya nag-work then sundo naman ng anak ko dyan sa may lourdes. notorious talaga yang lugar na yan. may gasgas ka na tapos kutong naman ang aabutin mo pagdating sa shaw-edsa intersection. hay buhay!!!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #9
    ARAY KO.......grabe naman...iniingatan mong di magkaroon ng gasgas o dent car mo...naku po...wala ka naman magagawa dun walang ibabayad din sa iyo yun.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    466
    #10
    Baka may mga kaibigan tayo dito sa MMDA... ipa operation na ang area na yan...

Page 1 of 3 123 LastLast
mag-ingat sa pagdaan sa one san miguel avenue corner shaw traffic lights intersection