New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 34
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #1
    Share ko lang po experience ko since first time ko mag drive sa baguio. naka convoy ako sa bro in-law ko since mas sanay sya mag akyat baba sa baguio or sa la union. gamit nyang auto honda city '08. ako naman escape 2.3 '05. to cut the story short, after namin mag baguio, bumaba kami ng la union. we took naguilian rd. along the way, ok naman yung mga twisties. nakaka-overtake kami sa mga sasakyan na tumatabi sa gilid. hindi namin inoovertake-an yung ayaw mag pa overtake. knowing the danger plus kasama namin families namin. pag sa tingin namin, kaya nang mag over take and safe, inoover take-an namin yung mga inaabutan naming sasakyan. along the way inabutan namin yung jeep. so hindi namin basta basta inoover take-an kasi nga madaming kurbada. then later meron vios sa likod ko na naka bright and nakatutok sa likod ko. sa isip isip ko, ok alam ko din na gusto mo mag over take, pero sana mag observe muna sya. kung mukhang mag o-over take kami, then, courtesy na lang. alam ko naman na walang rules sa ganyan. kaya nga din kung kaya nya tabasin yung nasa harap nyang mga sasakyan (ako, bro in-law ko at yung jeep) then mag over take sya. pero hindi nya ginagawa. nung naka kuha kami ng timing na maayos, naka over take kami sa jeep. then naka over take din sya, pero naiwan din namin sya sa mga kurbada, hanggang sa wala na yung head light nya. then meron ulit kami inabutan na sasakyan. ganun ulit nangyari. hanggang inabutan namin yung isang mini van na disente at maayos naman ang takbo. so nakaabang kami kung kelan kami pwede maka over take kasi alam namin na kaya namin mag drive ng mas mabilis sa kanya. alangan naman over take-an namin sya tapos mabagal pala kami. then maya maya dumating na yung vios. nakatutok sya ulit sakin ang yung kalahati ng auto nya nakalabas sa kabilang lane. ang bwisit dun, naka bright na naman. sa bwsit ng bro in-law ko, hindi nya inover take-an yung van. so ako, para dun sa vios, go ahead. over take-an mo kaming tatlong sasakyan. pag yung tipong o-over take na sya, babalik sya ulit sa lane kasi kurbada na (hindi nya ba naisip na puro kurbada ang naguilian rd? hehe) hanggan sa umabot kami bandang ibaba na. then pinilit nya umover take. palampas pa lang sya sakin, napansin kong meron ilaw papalapit samin. tricycle yung paparating..bumubusina. so nagbagal sya. natawa ako sa kanya and bigla ako naawa. so inopen ko yung harap ko para makapasok sya. at the same time iwas disgrasya sa kanya, sa tricycle, at para na din samin. pero sa likod pala ng vios, merong lancer (new model pa eh). ganun din. pinilit din mag over take pero alanganin, pinapasok ko na lang di ulit. hanggang sa makababa kami ng bayan at dun lang sila naka over take sa mini van.

    natatawa lang kami ng bro in-law ko. kasi, ano ba nasa isip ng mga yun? dapat mag over take ng mag over take? eh nung walang mabagal sa harap namin, wala naman sila sa likod namin

    well, isa lang yan sa mga high light ng byahe ko na ako ang drive for baguio. mas nag enjoy talaga ako sa bakasyon namin sa baguio, though pangatlong beses ko na yung nagdaang weekend. kasi ako ang nagdala sa family ko sa baguio. plus, 1st time ng bunso naming-prinsesa ko makapunta sa baguio. she's 7. and gustong gusto nya yung lamig ng baguio.

    pahabol: okay sa TPLEX, sarap daanan. umabot kami ng 150kph nung bro in law ko, pero sandali lang. most of the time 120-140kph

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #2
    Unfortunately marami talagang wala sa isip sa daan. Coincidentally, Vios (Gen1) din yung nakasabay ko sa Kennon the last time na alangan mag drive tapos ayaw magpa-overtake nung uunahan ko. Pag ganyan, lots of patience and keeping distance is a must to avoid any incidents that will involve you in his stupidity.

  3. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #3
    nun bang naka overtake sa inyo eh umover take pa ulit.si vios,tapos umovertake ulit ung lancer.tapos umovertake na ulit kayo sa mini van matapos kayong overtakekan nung vios na nahihirapang umovertake.madami talagang ganyan mahilig umovertake.

    di bale overtakekan mo nalang sila pag natutukan mo.at wag mo ng pa overtakekan..

  4. Join Date
    Sep 2013
    Posts
    44
    #4
    Frake,

    Di mo ba alam bawal magpatakbo ng 150 kph sa expressway? At most of the time pala 120 to 140 kph. Good luck sa pag post mo sa goon squad.

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #5
    Sa Kennon, pag may gusto mauna sa akin, tumatabi ako at pinauuna ko.

    Basta nilalagay ko muna ang sarili ko sa safe na pwesto, tapos nyan mauna na kayong mga letche kayo!

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #6
    Because Kennon was still being worked on about this time last year, we took Marcos. It's indeed a more high speed, albeit farther route. On the way up, was lucky not to have any jack*$$es trying their luck. Hard to overtake a surging GS on the climb. On the way down, same route, that's when an Altis and an Innova - who I assume knew the road much better than I did - did their overtaking maneuvers. They made sure to leave me braking space, and overtook when clear. Because of their familiarity of the area, both lanes were part of their 'driving lines'. Inggit ako, pero could only watch.

    The tricycles in Tarlac were those I wanted to mow down.

  7. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #7
    kapag inovertekan ka i high beam mo tapos sabihin mo need mo additional lighting kasi madilim

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,385
    #8
    Quote Originally Posted by sirmykel View Post
    kapag inovertekan ka i high beam mo tapos sabihin mo need mo additional lighting kasi madilim
    Hahaha! Ok sana, kung di lang kawawa yung kasalubong.

    Ang masama naman niyan, since more or less same ang dadaanan niyo, baka mapaaway ka pa sa kaniya.

  9. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2,271
    #9
    Quote Originally Posted by IMm29 View Post
    Hahaha! Ok sana, kung di lang kawawa yung kasalubong.

    Ang masama naman niyan, since more or less same ang dadaanan niyo, baka mapaaway ka pa sa kaniya.
    okey lang un kasi hinahabol yata niya si kamatayan..
    kaya gustong gustong lumusot w/ ilaw ilaw pa ng hi beam..

  10. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #10
    kadalasan, mga baguio motorists know how to give way. may "unwritten rule" ika nga na kung napansin ka nang bumubuntot eh they will let you pass with the "right turn signal" light with the driver's handsign to warn you if there's oncoming traffic or not.

    iba ang nangyari sa case ni TS.

    OT, i wouldn't dare go beyond 100 kmh sa expressway. laking abala kaya mahuli...tsaka TS kahirap din basahin ang post mo.
    Last edited by miked; January 30th, 2014 at 12:43 AM.

  11. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    1,724
    #11
    we're going to baguio tomorrow. ilang oras na lang ba byahe kung TPLEX dadaan? me bayad na nga raw ba doon?

  12. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #12
    Quote Originally Posted by miked View Post
    kadalasan, mga baguio motorists know how to give way. may "unwritten rule" ika nga na kung napansin ka nang bumubuntot eh they will let you pass with the "right turn signal" light with the driver's handsign to warn you if there's oncoming traffic or not.

    iba ang nangyari sa case ni TS.

    OT, i wouldn't dare go beyond 100 kmh sa expressway. laking abala kaya mahuli...tsaka TS kahirap din basahin ang post mo.
    Mababait mga taga Benguet pag nag overtake ka paakyat at kinapos titigil sila at tatabi pagbibigyan ka talaga

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #13
    Quote Originally Posted by gearhead000 View Post
    we're going to baguio tomorrow. ilang oras na lang ba byahe kung TPLEX dadaan? me bayad na nga raw ba doon?
    With the current Paniqui exit, TPLEX removes around 30 minutes from your old travel time. May bayad na.

    Quote Originally Posted by miked View Post
    kadalasan, mga baguio motorists know how to give way. may "unwritten rule" ika nga na kung napansin ka nang bumubuntot eh they will let you pass with the "right turn signal" light with the driver's handsign to warn you if there's oncoming traffic or not.

    iba ang nangyari sa case ni TS.
    Mga tiga-maynila naman usually yung mga kups mag maneho sa highway it seems and hindi alam ang "motoring etiquette" on a mountain road or two-laner.

    As for me, if someone passes, i maintain my lower speed or slow down if need be, and give space for them safely pass and enter. Yung hindi ko lang pinapapasok ang mga nag-counterflow pag traffic.
    Last edited by vinj; January 30th, 2014 at 09:25 AM.

  14. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #14
    Quote Originally Posted by gearhead000 View Post
    we're going to baguio tomorrow. ilang oras na lang ba byahe kung TPLEX dadaan? me bayad na nga raw ba doon?
    late na siguro tong reply ko pero strongly recommended ang magtplex kesa makipagpatintero ka pa sa mga trike sa mcarthur.

    ano ba naman yung approx P60 na ibabayad mo kesa sa arangkada-preno ka sa mcarthur.

    last time na trinay ko tarlac to pura, a little over 5 mins lang. i think nasa 80kmh takbo that time, eh yung scenery ang pinapanood ko. nlex to tarlac city via sctex is 30 mins.

  15. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #15
    Many thanks sa mga replies, mga boss. Sorry sa nahirapan magbasa sa post ko..hehe. All in all ok naman naging trip and vacation namin. Nung nagpumilit mag overtake yung vios and yung lancer, pinasingit ko na sa harap ko. Kesa naman mag head-on sila ng makakasalubong nila. And pagkatapos nun hindi na namin sila inovertake-an. Since halos nasa paanan na sila naka-overtake sa van 😄
    And opo, pasensya na po if more than 100kph speed ko sa tplex. Though, AFAIK, wala pang signs ng speed limit, mas okay kung safe speed lang.

    P.s. Sa naguillan rd. may isang truck dun na pina overtake ako nung nag flash ako ako and signal. Yung truck naman nag signal pakanan din tumabi dahan dahan. Saludo ako kay bossing truck driver.

  16. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    469
    #16
    Quote Originally Posted by kasper View Post
    Frake,

    Di mo ba alam bawal magpatakbo ng 150 kph sa expressway? At most of the time pala 120 to 140 kph. Good luck sa pag post mo sa goon squad.
    Yes boss, alam na alam ko po. And good luck po sakin dito sa Goonsquad

  17. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #17
    Quote Originally Posted by frake View Post
    Many thanks sa mga replies, mga boss. Sorry sa nahirapan magbasa sa post ko..hehe. All in all ok naman naging trip and vacation namin. Nung nagpumilit mag overtake yung vios and yung lancer, pinasingit ko na sa harap ko. Kesa naman mag head-on sila ng makakasalubong nila. And pagkatapos nun hindi na namin sila inovertake-an. Since halos nasa paanan na sila naka-overtake sa van ��
    And opo, pasensya na po if more than 100kph speed ko sa tplex. Though, AFAIK, wala pang signs ng speed limit, mas okay kung safe speed lang.

    P.s. Sa naguillan rd. may isang truck dun na pina overtake ako nung nag flash ako ako and signal. Yung truck naman nag signal pakanan din tumabi dahan dahan. Saludo ako kay bossing truck driver.
    many provincial trucks follow unwritten rules of the road.

  18. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    157
    #18
    ganoon siguro kapag baguhan lang sa pagmamaneho at nasabak sa provincial trip like manila to baguio and back.
    overtake ng overtake like there's no tomorrow. i remember 9 years ago when i had my chance to drive my uncle's nissan serena going to baguio. this was also my first time going out of town. kasama ko that time is my soon to be wife and her younger brother and sister. overtake din ako ng overtake that time without giving courtesy to other motorist whether alangin or bitin but that was 9 years ago. ngayon with our 7 year old daughter and a baby boy coming this march eh pinauuna ko na silang lahat, bahala na kayong mauna. oovertake na lang ako kapag talagang kinakailangan.

  19. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #19
    Quote Originally Posted by frake View Post
    Many thanks sa mga replies, mga boss. Sorry sa nahirapan magbasa sa post ko..hehe. All in all ok naman naging trip and vacation namin. Nung nagpumilit mag overtake yung vios and yung lancer, pinasingit ko na sa harap ko. Kesa naman mag head-on sila ng makakasalubong nila. And pagkatapos nun hindi na namin sila inovertake-an. Since halos nasa paanan na sila naka-overtake sa van 😄
    And opo, pasensya na po if more than 100kph speed ko sa tplex. Though, AFAIK, wala pang signs ng speed limit, mas okay kung safe speed lang.

    P.s. Sa naguillan rd. may isang truck dun na pina overtake ako nung nag flash ako ako and signal. Yung truck naman nag signal pakanan din tumabi dahan dahan. Saludo ako kay bossing truck driver.
    One unwritten safety check along the national road at the night is to flash your headlights once to check if the driver of the oncoming vehicle is awake... he should respond by blinking his, once, too. Bus and truck drivers do that every time...

  20. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    3,522
    #20
    Another unwritten rule for seasoned drivers is to turn off headlamps and leave fog lamps(lower beam) to allow the overtaking(signalling) vehicle to see if there's an oncoming vehicle. If you are the one overtaking, dim the headlamp until you pass the driver sidemirror of the other vehicle..

    One advantage of night driving is that you can overtake on blind curves or eat the other lane safely by just turning off momentarily your headlamp.(not a recommended driving style for all but very effective).

    Flashing once means the driver is checking if the oncoming vehicle forgot to dim the lights, or could be signalling that he wants to claim your right of way.. If the opposing vehicle already claimed your right of way, you have the last clear chance to safely maneuver your vehicle by:
    - decelerating to give much distance and give the other vehicle time to do his thing
    - use the shoulder to avoid collision
    - make full stop if necessary

    PS: most newbie drivers driving provincial 2-way roads don't know that its very dangerous overtaking on bridges.. Having no shoulder lane on most bridges makes less option for last clear chance.. The reason also why 2-way bridges have double solid yellow lanes..
    Last edited by 12vdc; February 4th, 2014 at 08:39 AM.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Our Baguio Trip