New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    2
    #1
    Goodmorning!

    This is my first time posting in a thread here in tsikot.

    I just would like to share to you guys the experience i had last night while i was riding home with my family...

    While driving home exiting riverbanks going to parang marikina. Alam niyo ba yung exit galing riverbanks? Palabas ng loyola memorial hospital? Di ba medyo masikip ang daan dun? There's two exits right? Pero isa lang rin ang lalabasan mo... Lumabas ako dun sa first exit. So gapang palabas...As we all know bigayan lang naman pag traffic para lahat masaya. So what happened is...May dalawang sasakyan ako na pinalusot so im hoping pagbibigyan ako nitong CIVIC nato since nagpalusot na ako ng dalawa. Aba nakanguso na ako bigla ba naman pininahan para di ako makapasok. So hindi siya nakapasok. Bumusina ng malakas! Ngayon ung wife ko sa passenger side nagpanic kasi kala niya babangga so nagmumumura pero hnd naman siya minura directly..

    HInabol ngayon kami nung civic nagulat nalang ako bigla ako tinigilan sa tapat ng bilihan ng mga bigbike sa may bandang tanong... Pinagmumura ba naman wife ko! So ako relax lang. Binuksan ko pinto ng passenger side at tinanong ko ano ba problema...Sabi niya problema ang wife ko pinagmumura daw siya...Biglang nagkasagutan na sila ng wife ko.. Bigla ba naman umakma ng suntok. So di na ako nakapagpigil at binaba ko na. Pagbaba na pagbaba ko... Nanakot pa.. May inabot pa sa loob ng sasakyan.. Kala ko baril pero clutch bag lang nakita ko...Natatawa pa ako by that time actually kasi akala niya matatakot niya ako sa pagbunot bunot niya ng clutch bag sa sasakyan niya. Sa sobrang galit ko di ko na napigilan sarili ko. PInagmumura ko narin at hinamon ko na ng suntukan dahil nabastos ako sa ginawa niya sa wife ko... Aba ang gago biglang balik sa loob ng sasakyan...Pinapababa ko ayaw na bumaba biglang naduwag!!! sabay haruruot paalis sabay pak u! Asar di ba??

    Comments naman guys kung tama ba ginawa ko? OR comment lang sa short story ko.. Badtrip kasi..

    Alam mo ung. KUng magaangas ka tuloy mo na.. Bababa baba ka ng otto mo tapos pag binaba ka takot ka naman... Badtrip eh!

    Sana wag natin daanin lahat sa init ng ulo ang maliliit na bagay. Alam naman natin na may kasikipan talaga mga kalsada sa pinas kaya bigayan nalang...

    Share ko lang sainyo baka makasagupa niyo rin ang maangas nato sa marikina area... Angas talaga.. Biruin mo pati babae papatulan?? bading amputa!

  2. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #2
    pag kami nagkataon nakatapat niyan sa marikina tapos ganyan ginawa ewan ko lang kung anong mangyayari.

    we dont go to marikina for whatever reasons except to fire our FA's.

  3. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    198
    #3
    I wouldn't do what you did bro considering kasama mo wife mo. eh panu kung me baril nga di pati esmi mo damay...sana din di mo na binuksan yung passenger side para di na din lalong naprovoke yung loko loko.

    anyway, i still wouldn't put myself in your shoes and hope i wouldn't be in the same dilemna.

    ingat ingat na lang bro and konting lamig ng ulo.. sabi nga nila laging nasa huli ang pagsisisi...

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #4

    That point should be alternate merging for vehicles.... Some drivers just never want to give way to their fellow drivers..... No one owns the road. It is a public place.......

    7606:mobile1:

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    2,442
    #5
    hmm di ko din masabi ,mahirap pag nasa actual na kalagayan eh ,pero si SQ tingin ko walang lalaban dito laking tao pala nito tsk ....nag fi-fire shooting pa.

  6. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,689
    #6
    Quote Originally Posted by dkingofcrunk18 View Post
    Goodmorning!

    This is my first time posting in a thread here in tsikot.

    I just would like to share to you guys the experience i had last night while i was riding home with my family...

    While driving home exiting riverbanks going to parang marikina. Alam niyo ba yung exit galing riverbanks? Palabas ng loyola memorial hospital? Di ba medyo masikip ang daan dun? There's two exits right? Pero isa lang rin ang lalabasan mo... Lumabas ako dun sa first exit. So gapang palabas...As we all know bigayan lang naman pag traffic para lahat masaya. So what happened is...May dalawang sasakyan ako na pinalusot so im hoping pagbibigyan ako nitong CIVIC nato since nagpalusot na ako ng dalawa. Aba nakanguso na ako bigla ba naman pininahan para di ako makapasok. So hindi siya nakapasok. Bumusina ng malakas! Ngayon ung wife ko sa passenger side nagpanic kasi kala niya babangga so nagmumumura pero hnd naman siya minura directly..

    you mean Loyola Memorial Park, anyways you're right masikip nga dun sa pag exit mo from riverbanks... pag ka ganon pabayaan mo na lang kase mahirap makatapat ng wlang pakialam sa kinabukasan... specially your wife was with you .... chilax lang ika nga nila...

    kaya ako cool lang all the time ...

  7. Join Date
    May 2008
    Posts
    62
    #7
    I had a similar experience before when I was going to school (DLSU vicinity). I was in an intersection when I saw a Pajero far from me when I turned right. To my surprise, the Pajero sped and honk at me as if I was gonna cut him. I gave way since I'm very careful with my car. At first, I had no intentions of getting mad but when I overtook him with no hard feeling. I noticed that the guy was driving crazily trying to keep up with me. At first I didn't mind because I am not directly affected with his actions. But when He reached my side and kept on cutting me, that's the time I became hot headed but I didn't do anything. The time I got really pissed off is when he bumped my side view mirror. I won't really react if I'm driving an average car but you all know that a 1.5g vios is equipped with turn signals and motorized fold in its side mirror and breaking it would be costly. I kinda panic since my car is pretty much scratch/ damage less. I gave way to him and to my surprise, he kept blocking my way whenever I attempt to overtake. I had a chance to overtake him in the middle of the intersection in taft. I blocked his car and to my anger, I went down my car and got my baton. The driver of the pajero was a teenager trying to feel cool. He didn't do anything and just reversed his car and drove away and gave me the finger. He was just lucky that I'm still thinking correctly if not, I'd brought out a gun on him.

    But now, I'm really trying to keep my cool in driving. I know we can't do anything about uneducated and tactless drivers. They just belong to the lower class of our society and was not brought up correctly. That's why whenever I see idiotic drivers, I just do mind them. Our lives are more valuable that theirs. So cheers! and drive safely.

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    176
    #8
    *dkingofcrunk18

    relax lang paps! maraming driver na ganyan. buti na lang hindi natuloy yung away (at walang baril yung isa, he he). may araw din yan. besides, kung titingnan mo talaga, maliit na bagay lang naman yung dahilan ng away. not worth the aggravation imo.

    kaya ako, iwas talaga ako sa exit na yan sa riverbanks. madaming beses na rin ako muntik mapa-away diyan. kaya sa bonifacio ave na lang ako kahit traffic. at least hindi ako stressed masyado.

    drive safe sir and chill.

  9. Join Date
    Jan 2009
    Posts
    17
    #9
    Sad to say, marami na talagang walang modo sa kalsada ngayon.

    Makikishare narin...

    Kahapon sa may U-turn slot malapit sa Wheelers Q. Ave. may Innova with plate # Z**-925 na pilit akong prinovoke.

    Sabado naman sana kahapon, ~2:00 P.M. pa kaya maluwag ang kasalda at masarap magmaneho. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ako pa ang napagtripan. Hindi ko talaga alam kung anong atraso ko sa kanya. Nung lumipat ako ng leftmost lane, sigurado akong wala siya at nakasignal naman ako, kaya nagulat nalang ako nung bumusina siya sa likod ko at biglang nakatutok na. Ang tantya ko nagmamadali, o baka hindi pinagbigyan sa katabi naming lane ng mga jeep kaya ako yung inubliga niyang humataw. Sumignal naman na ako na lilipat ng lane para makadaan siya, bumirit narin ako ng konti, kaso uminit na ata ang ulo kaya hinassle na ako.

    Hanggang sa area ng Honda Q. Ave. hindi niya ako tinigilan. Pininahan ako, tinitigan, hinarangan, etc., at yung desisyon ko atang huwag pumatol ang dahilan kung bakit lalo siyang nanggalaiti. Hinintay ko siyang makalayo, kaso nung napansin na bumagal ako at naiwan, huminto sa gitna ng Q. Ave. para hintayin ako. Wala naman akong ibang daraanan, at maghahatid ako kaya no choice kung hindi dumiretso. Nung talagang wala na akong magawa, kunyari nalang na nilitratuhan ko yung plaka niya para mailap, at naging effective naman kasi biglang lumayo.

    Yung nagmamaneho early 30s siguro, tapos skinhead na may headset. Nung nakita ko yung headset, naisip ko na baka nawala yung focus niya sa pagmamaneho (nagulat), may nakaaway sa kabilang linya, etc. Ang maipapayo ko lang sa kanya, sana next time huwag masyadong matapang kasi baka makahanap siya ng katapat niya. Wala pa namang tint yung windows niya at madali siyang makilala. Baka sa susunod bigatin pala at willing pumatol yung iproprovoke niya, ano nalang mangyayari sa kanya? Kahit hindi ko alam kung anong atraso ko, sumenyas parin ako (dispensa) kaya sana matuto rin siyang magpakumbaba.


  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #10
    dami na walang modo dito sa atin! nakasignal ka na nga lahat lahat, hindi ka pa rin pagbibigyan, bubulahawan ka pa ng busina!

    nagsundo kami sa aunti ko sa airport. nasa may bandang ccp na kami. nagsignal ako ng pakaliwa, change lane. bago ko lumipat, tingin sa side mirror, sabi ko malinis, palit ako linya. saktong papalipat ako ng linya, may bumulahaw sa kin na innova na ang bilis! sa gulat ko, hindi na ko nagpalit ng linya at hinayaan ko ang mokong na mauna. pero pagdating naman sa intersection ng roxas blvd. at vito cruz, andun, nakatigil siya at hindi makausad. ang ending, kami pa rin ang nasa unahan niya. mokong na yun, akala niya kanya kalsada, tapos ano siya ngayon, hindi rin siya nakagalaw!

Page 1 of 2 12 LastLast
light blue CIVI UPD 221 Walang modo!!!