Nangyari na din sakin to, sa quiapo, nasa left-most lane ako kasi dun mabilis, puro puv kasi sa gitna at right-most. habang nakabuntot lang ako sa harap, slow moving, may isang taxi na biglang magsswerve sa left ko, alanganin na yun swerve nya kasi nakatutok ako sa harap. pinipilit padin, binusinahan ko ng mahaba hanggang sa mejo nagalangan na siya isingit, pero sobrang lapit na niya. nung magkatapat na kami, sobrang dikit nya at tinamaan yung side mirrors ko, sa sobrang inis ko kasi pinipilit pang ipasok eh alanganin na naman, dinuro ko nalang at binabaan ng bintana. nakaka highblood talaga yun mga ganun, kaya lang kung hihintuan at bababaan mo pa, abala lang talaga kasi hindi naman yan magbabayad sayo at swerte mo pa kung humingi ng pasensya ang mga yan.