Results 1 to 10 of 63
-
September 12th, 2012 11:18 AM #1"Isang kotse ang nahulog sa lagpas-taong hukay sa kanto ng G. Araneta Avenue at Victory Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City, bandang alas-11:00 kagabi.
Batay sa inisyal na ulat, nahulog ang isang itim na Honda City sa ginagawang hukay ng Maynilad.
Agad naman umanong nakalabas ang dalawang sakay na lalaki, matapos tulungan ng contractor ng naturang kumpanya.
Sugatan naman ang dalawang trabahador ng AC Mojares Construction na sina Henry Meñez, 32-anyos, residente ng Marilao, Bulacan; at si Jimmy Lucain, 52-anyos.
Sinasabing nasa loob ng ginagawang hukay si Meñes nang mangyari ang aksidente.
Tumusok umano sa kaliwang tagiliran ni Meñes ang bakal na panghukay at tumagos sa kanyang likuran.
Sa ngayon ay naalis na ang naturang bakal matapos operahan si Meñes sa East Avenue Medical Center (EAMC).
Samantala, nagtamo lang ng bali si Lucain at nasa ligtas nang kalagayan.
Ayon sa mga residente, ang kawalan ng early warning device sa paghuhukay ang dahilan ng pagkahulog ng sasakyan.
May nahulog na rin umanong motorsiklo sa kaparehong hukay noong isang linggo.
Giit naman ng construction company, maaaring ang pagiging mabilis ng kotse o kaya'y posibleng kalasingan ng driver ang dahilan ng aksidente. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42"
source: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Met...2_sugatan.html
Kabanas yung kawalang ng safety standards ng mga contractor ng kalye.. walang mga EWD.. ang mali naman ng driver (if totoo nga) is magdrive ng nakainom..Last edited by ghosthunter; September 12th, 2012 at 12:41 PM. Reason: links
-
September 12th, 2012 11:34 AM #2
REMINDER: properly quote and place a source link for any cut & paste articles/text you post in the forums.
For more info and "how to": Posting Articles (e.g. copy and paste material) Philippines
Read the rules.
Ignorance of the rules is NOT an excuse.
Repeat offenses will lead to banning.
-
September 12th, 2012 12:01 PM #3
-
September 12th, 2012 12:11 PM #4
Daming construction along araneta ave, mahirap dumaan dyan lalo na kung bihira or first time mo mapadaan.kulang sa EWD, may part pa na madilim lalo na yung part na pagtawid mo ng e-rodriguez bound to q. avenue. madilim na, may mga hukay pa.
-
September 12th, 2012 12:12 PM #5
-
September 12th, 2012 12:18 PM #6
-
September 12th, 2012 12:20 PM #7
-
September 12th, 2012 12:22 PM #8
malas lang sila at napili nila magmaneho ng lasing sa lugar na yun.
-
September 12th, 2012 12:24 PM #9
-
September 12th, 2012 12:43 PM #10
Puwede i try, 1. Palit air filter 2. Linis throttle body 3. Linis MAF sensor 4. Check spark...
high idle RPM at engine start