New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 32
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    Parang kidlat kung maglaro si Kenji Kanai, ang 16 na taong gulang na point guard ng Benedictine International School Tiger Sharks. Sa bilis at sipag ay marami ang nagugunitang mga manlalaro.

    "Artadi" ang tawag namin sa kanya," banggit ni Beaujing Acot, coach ni Kenji. "Tuwang-tuwa kami, dahil umuwi ng probinsya yung dati naming point guard. Gayang-gaya ni Kenji si LA Tenorio."

    Sa katunayan, kakausapin ng 5’11" na senior ang inyong lingkod, dahil nangangarap siyang maglaro sa UAAP na may suot na uniporme ng De La Salle Green Archers o Ateneo de Manila Blue Eagles.

    Subalit, hindi na mangyayari iyon.

    Nabundol ng kotse si Kenji kahapon ng umaga, dakong alas kuwatro. Lumabas siya kasama ng tatlong kaibigan sa Tapika bar sa kahabaan ng Katipunan.

    Nakisakay ang grupo, at ibinaba sa tapat ng pedestrian overpass sa tapat ng Ateneo campus. Habang pababa si Kenji, nabangga sila ng rumaragasang Toyota Corolla. Patay agad si Kenji. Puro pasa naman ang kanyang mga kasama.

    Ayon sa mga saksi, ang kotseng may PNP commemorative plate na "TIMMY" ay tumatakbo ng mabilis pababa sa flyover na tumatawid sa ibabaw ng Aurora Boulevard. Sa lakas ng pagkabangga, wasak ang unahan ng puting Toyota, at lumobo ang dalawang airbag nito sa harapan. Sumabog ang basag na salamin, at dugo ni Kenji.

    Halos tanghali na nang madatnan ng inyong lingkod ang mga coach at kamag-anak ni Kenji sa Camp Jose Karingal, kung saan dinala ang suspek, isa daw nagngangalang Timmy Abejuela. Limang oras nang naghihintay ang karamihan, liban sa ina ni Kenji na si Susan, na nagmula pa sa Camp Rafael Crame upang tiyakin na ang anak niya ang bangkay, at sumubaybay sa autopsy.

    Dumating ang isang crew ng ABS-CBN, at napansin sa "spot report" na nakalagay na "aksidente" ang pagkakabangga. Pero, sa bahaging iyon ng Katipunan ay may babaan talaga ng dyip sa gilid, kaya’t malabong nakaharang sila sa daan.

    Pagala-gala ang suspek sa loob ng police station. Ayaw daw bigyan ng drug o alcohol test. Nang makaalis na ang crew ng ABS-CBN, inilipat ang suspek sa loob ng isang tanggapan na may karatulang "Commander" sa ibabaw ng pinto, at ipinagbukas pa ng aircon. Komportableng natutulog ang suspek na nakasuot pa ng itim na jacket, habang ang inang nawalan ng anak ay pinagpapawisan sa labas, at hindi na makatayo sa sobrang panghihina. Nasa Japan pa ang kanyang asawa’t di na nakitang buhay ang anak. Katuwiran ng isang Sgt. Sunga, baka daw makatakas. Sabi naman ng namumunong si Police Superintendent Herminigildo Valdez, hindi naman daw niya opisina iyon, kundi sa "traffic sector commander" lamang. Sagot ng pamilya, bakit hindi posasan? At paano siya makakatakas, gayung nasa labas ang buong pamilya ni Kenji, wasak ang kanyang sasakyan, at nasa loob sila ng isang kampo?

    Kahapon din ang simula ng PAYA basketball season, kung saan magpapakitang-gilas si Kenji, bagamat sa ika-27 pa ang kanilang unang laro.

    Sa kanyang huling araw dito sa ibabaw ng lupa, masayang nakikipaglanguyan pa si Kenji sa kanyang mga kakampi, dahil alam niyang makakatulong din ang aqua training sa kanyang laro.

    Sana ay matagpuan niya ang hustisya, kahit man may padrino ang nakabangga.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #2
    my condolence to kenji's family...

  3. #3
    another life gone to waste because of a irespossible motorist. tsk tsk tsk...

  4. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #4
    condolence to his family..msyado ata 'malakas' ung nakabangga e..

  5. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    6,497
    #5
    i'll pray not only for his eternal repose but also for justice
    sayang naman, promising pa naman sana yun career nya sa basketball =<

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #6
    sana walang palakasan na mangyari... may aircon pa.. pakiramdam ko kung hinde lasing un driver may hidden agenda yan.. either inggit o insecure dun sa binangga... condolence to his family.. im really saddened to hear a story like this

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #7
    i saw the news earlier at abs-cbn... kenji kanai nga daw na varsity player. sabi ko nga sino kaya to, at anong school? i will pray for his soul.

    may dahilan si LORD kung bakit nangyari yan. sana lang makamit nya ang hustisya...bagamat alam natin na malimit mangyari ito sa ating bansa.

    my condolences...

  8. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #8
    kawawang bata, may his soul rest in peace sayang at hindi na siya makakapaglaro

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #9
    this is so sad. heard about this too sa mymitsu forums. condolences to kenji's family.

    how i wish na ganun din mangyayari sa nakabangga.

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    381
    #10
    another promising life wasted just like direk santiago.....

    "yung mga nambabato na lang sana sa C5 ang kunin ni Lord"

Page 1 of 4 1234 LastLast
Katarungan Para Kay Kenji