New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 41 to 47 of 47

Threaded View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #1
    Share naman kayo ng mga experience niyo na kinamutan kayo ng ulo ng nakabangga sainyo, at kung anong techniques ang ginamit niyo para lang magbayad siya sainyo.

    Ako last 2 weeks ago nasayaran ang LFR fender ko ng isang mangangalakal sa Makati, hinihingaan ko na lang ng kahit magkano na kaya niya ibigay para hindi na maabala pero pinipilit niyang ako ang may kasalanan at kahit maghintay daw kami ng TE. Sabi ko sakanya makikita naman sa bangga/tama kung sino ang may kasalanan eh. Nakikipagmatigasan at sinisigaw sigawan na ko, pagdating ng TE pinipilit niya pa rin na ako may kasalanan, binara bara tuloy siya ng TE. Pagdating sa barangay hall, biglang umamo at naiiyak iyak na. Kala niya maaawa ako sakanya (kung humingi na lang sana siya ng pasensya nung una pa lang, malamang pinatawad ko na siya at hinayaan ko na), pinaimpound ko yung tribike niya at umuwi na ako. Di tuloy ako nakanuod ng PBA dahil sakanya.

    Kinagabihan nun tawag siya ng tawag dito sa bahay hanggat sa ang nakasagot ay erpat ko, ayun pinabigay na yung tribike niya, naknamputcha.



    Sent from my iPad using Tapatalk
    Last edited by beni23; March 21st, 2013 at 02:45 PM.

Kamot ulo times.