Results 71 to 80 of 146
-
December 29th, 2005 03:16 AM #71
Originally Posted by wally
you paint a dim picture for all of us but very true. it wont be long at lalo pa dadami ang tricycles. sa dami ba naman ng batang kalye ngaun sa kalsada, a fraction of them will drive tricycles when time comes.
kaya ako gumagawa na ng backup plan, kung dati yun migration is the farthest thing in my mind, ngaun pasagi-sagi nasa isip ko. sayang lang pagod building something here, i have this keen sense na babalikan tayo ng nature sa mga pinagagawa natin sa surroundings natin.
kahit ano system in place, no matter how effective or how ingenius, papalpak at papalpak pag sobrang dami na at uncontrollable pa ang pagdami.
-
Tsikot Member Rank 4
- Join Date
- Oct 2004
- Posts
- 2,315
December 29th, 2005 02:37 PM #72dapat kasali sa bantay usok yan kasi masakit sa ilong ang usok ng mga tricycles.
-
December 29th, 2005 05:19 PM #73
Originally Posted by RedHorse
konting ingat lang tayo..defensive driving,malaki ang maitutulong upang maiwasan ang aksidente.
sabi nga nila distansya amigo,
-
October 5th, 2007 07:26 AM #74
Buhayin ko lang po. Bakit nga ba dedma lang ang mga dapat humuhuli sa mga ito, PUJ's at tricycles. Para kasi accepted na yung hindi gumagamit ng headlights sa gabi ang mga jeepney. Like, regular route ko to and from home ang Kamuning sa QC. Papuntang pa-Maynila, lahat na yata ng violation ginagawa ng mga driver na ito. Counterflowing sabay biglang cut sa mga nakapilang sasakyan, Illegal terminals, making abrupt stops to pick up passengers right smack in the middle of the road. Pauwi naman, yun na nga di ginagamit yung mga ilaw. Hindi kasi ako komportable na tutok nang tutok ang buset na kasunod ko na walang ilaw. Di ko talaga makuha ang logic na gawin nila ang ganun. Pagtitipid? My God, front and rear lights parehong naka-off. Para bang umaasa lang sila sa liwanag ng mga streetlight, kung meron man.
Tapos, sila pa ang matitinding smoke-belcher. Nung minsan nga, LTO vehicle pa ang nakasunod sa PUJ na saksakan ng itim ang usok. Hinuli ba?
Hindi. Makes you wonder, panay ang operation ng usok patrol sa mga L300, Isuzu Elf, and the like. Pero mga PUJ, PUB, at tricycles na dumadaan sa tapat nila, ayun dinededma lang. One tries to ba as honest as possible kapag nagpapa-rehistro ng sasakyan. Sunod ka pati sa requirement nila sa smoke belching. You comply, bayad ka at nakapasa ang sasakyan mo. And yet kapag masama ang gising nila at naisipan mag-"operation". Yari na naman si kawawang vehicle owner. Labas na naman ng pera. Pero yung dapat na mga hinuhuli, ayun pinababayaan lang. Wala na bang government agency na kayang gumamit ng kamay na bakal?
-
Tsikot Member Rank 3
- Join Date
- Oct 2003
- Posts
- 699
October 5th, 2007 11:51 AM #75"the best guard against social tyranny is a clear understanding among individuals what individual liberty is."
the thing is, hindi naman natin pinagbabawalan magtrabaho ang mga tricycle at jeepney drivers. ang hinihiling lang natin ay magtrabaho sila ng maayos at sumunod sa batas trapiko.
sa makati area malapit sa may PRC, ang namamasada ng tricycle minsan naka-yellow uniform (MAPSA?) naknampating, e sinong manghuhuli dito kung lumalabag na sa siya sa batas trapiko gayong siya mismo ang dapat humuli?
-
October 5th, 2007 03:46 PM #76
ako binangga ako ng trike na nagkakarerahan. Naka full stop kami waiting for U-Turn sa may metropolis alabang. ayun, sapol ang rear ko... palit trunk and bumper, and guess what, walang pambayad ang tricycle driver .... tsk tsk tsk tsk. Bayad Kamot na naman mga hudas!
-
October 5th, 2007 05:42 PM #77
Yang mga yan dapat matuto. Pag nakasabit sila dahil sa kagaguhan magmaneho, sinisingil ko ng pagawa. Pinakakasuhan ko ng reckless driving. Hindi naman sa nagiging masama ka sa kapwa mo kaso mahirap din naman kitain ang perang ipapagawa natin sa ating sasakyan. Ang mga yan pagnakalusot, uulit at uulit yan. Kailangan i-break din yung cycle ... bangga - pasensya - bangga - pasensya ... Dapat may multa . Madali naman malaman kung dahil ba sa kalokohan magmaneho or hindi ...
-
October 5th, 2007 05:54 PM #78
Ang kinabu-bwisit ko sa mga trike drivers na yan, parating gusto nila sa leftmost lane (fast lane) kahit puno ng pasahero yung mga tricycle nila. Pag binusinahan mo naman, ayaw lumipat sa slow lane, kaya ikaw pa ngayon ang mag-oovertake sa kanan (which is a very bad habit to develop).
May mga nasapak na akong ganyan before, kasi ako pa ang minumura at dinuraan yung salamin ko once. Nung nakatikim naman ng kamao ko, panay sorry, di na raw uulit. Hmmp!
-
October 5th, 2007 06:02 PM #79
Just this morning, medyo traffic dun sa intersection malapit sa subdivision namin. Nung makalapit kami, may dalawang tricycle pala na nagbanggaan sa gitna ng kalsada.
Not to sound mean (may mga kumpare naman akong tricycle drivers), pero they deserve those accidents para ma-realize nila yung kawalan nila ng disiplina sa daan.
-
October 5th, 2007 06:25 PM #80
I am currently observing the 2SM battery installed on my MU-X, Yuasa brand. Kaka 1 yr lang nito...
Cheaper brands than Motolite but reliable as well